“he’s dead” mahinang wika ko.
Naramdaman ko ang marahan niyang pagtango.
“when?” tanong niya.
Ang tanging naaalala ko lang ay namatay siya kasunod ng pagkamatay ng daddy niya dahil iyon ang sinabi ni Daddy.
Ngumiwi ako sa tanong niya. Hindi ko maalala kung kailan iyon.
“you saw him die?” tanong niya.
Sinisipa sipa ko ang buhangin habang naglalakad.
“no, but I secretly went to his burial, iyon ang sabi ni daddy” wika ko.
Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikuwento pero nasabi ko na at hindi ko na mababawi pa.
Hindi ako pinapayagan lumabas ng bahay simula nang mangyari ang insidenteng iyon kaya’t hindi ko nalaman kung paano namatay si Champ.
“what did you see?” tanong niya.Umihip ang mainit na hangin kaya’t napahawak ako ng bahagya sa kanya. Mistulang nasunog ang balat ko sa hapdi.
Nanatili lamang siyang nakatayo at hindi pinansin ang kapit ko.
“i saw his picture outside. I never got the chance to go inside” wika ko.
“why?” tanong na naman niya.
Masyado kana atang matanong ah.
“basta” wika ko.
Hanggang doon nalang ang alam ko. Simula noon ay wala na akong nabalitaan tungkol sa kanila. Masyadong masikreto ang TRITON.
“pumasok na tayo?. magkakasanburn na tayo niyan” suhestiyon ko.
Tumango naman siya kaya’t naglakad na ako pabalik.
Kung pang huling araw na namin dito ngayon ay saan na naman kami pupunta, minsan, iniisip ko na mas mabuti nalang siguro ang bumalik sa Korea at harapin ang mga obligasyon ko, pero hindi ko kaya. Ni hindi ko pinangarap ang ganung klaseng buhay.
“baklas!, saan na naman ba kayo galing hah?” salubong na tanong ni Jhi.
Nasa sala siya at nanonood.
“sa labas lang” wika ko.
Pumasok ako sa loob ng kwarto, nakita ko ang medyo malaking supot na nasa ibabaw ng kama. Kinuha ko iyon at nakita ang laman nito.
Mga damit, undergarments and everything.
Kumuha ako ng mga gamit doon at dumeretso sa banyo.
Sige ang kuskos dahil pakiramdam ko ay isang taon akong hindi naligo.
Kasabay ng buhos ng tubig sa shower ay siya ring buhos ng mga ala-ala sa akin.
“dowajuseyo!!!!, Precious, wake up!” rinig kong sambit ni mama.
Basang basa kaming dalawa, puro dugo ang nasa damit ni mama.
May mumunting liwanag lamang akong nakikita dahil sa malapot na tubig na bumabasa sa buo kong ulo.
“embuleonsseureul buleojuseyo!” rinig ko pang sigaw ni dady bago ako mawalan ng malay.
“no, no!”
Kulang nalang ay iuntog ko ang ulo sa pader para hindi maputol ang pag alala nito.
Anong nangyari!
Paano ako naaksidente?. saan ako nanggaling?.
Binilisan ko ang pag ligo, pagkatapos magbihis ay dumeretso ako kaagad sa sala.
Naabutan ko si Jhianne na nakatulala sa harap ng TV, si Naiad naman ay nakatayo sa harap ng lamesa sa kusina at nakapatong ang dalawang palad doon. Anong nangyayari?
“what happened?” tanong ko.
Dumeretso ako kay Jhianne, niyugyog ko siya sa balikat ngunit hindi siya magising.
“Jhi! Ano ba?” wika ko.
Ayaw mong magsalita hah?!
Pumanhik ako sa kusina at nilapitan ang kanina pang nakatulalang si Naiad.
“Naiad, what’s the matter?” tanong ko.
Naka tunganga lang siya sa kawalan. Anong nangyari?.
Naligo lang ako at naging ganito na? edi sana, hindi nalang pala ako naligo.
“Ganee, we must go back” may pinale sa boses niya.
Mistulang, kahit tumanggi ako ngayon ay wala na akong magagawa.
“no” pagmamatigas ko.
Lalabas na sana ako ng kusina nang bigla niya akong higitin sa braso. Marahas iyon at masakit.
“bitiwan mo ako” wika ko.
Pilit kong kinakalas ang hawak niya pero mahigpit ito.
Pagharap ko ay nakita ko ang mukha niya.
Mukhang nag aalala. Pero para saan?.
“what’s the matter, ano bang meron hah?” tanong ko.
Masama ang kutob ko sa nangyayari.
“your parents, . . .Ganee” mahinang wika niya.
Yumuko siya ng bahagya at umiling iling.
Tumayo ako sa tapat niya.
“What about them?.” I asked.
Hindi siya sumagot.
“what about them!?” tinampal tampal ko siya sa braso dahil parang wala siyang balak sumagot.
Nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin ni Jhianne mula sa likuran.
Pakshet. What is happening?.
Pilit kong kinakalas ang yakap ni Jhianne. Humahagulgol narin siya ng hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad