Kahit na nahihilo ay pinakikiramdaman ko ang paligid. Pilit kong tinatanggal ang tali ko sa kamay.
May kakauinting boses akong naririnig mula sa labas.
“we found her, kumpadre” wika ng walang hiyang matanda.
Tumatawa pa ito habang nakikipag-usap.
“we’ll take her back to Korea in no time” wika niya. Hahahhah.
As if, pakiramdam ko ay hindi na ako aabot pa doon dahil dito palang ay malalagutan na ako ng hininga.
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang naalala ko si Jhianne, please, huwag namang pati siya.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong unti unting bumukas ang bintana ng kwarto ko, sliding window iyon at hindi ko madalas inilalock dahil lagi ko itong binubuksan kapag gabi.
Kaunting lingon lamang ang nagawa ko, hindi ko masyadong makita ang mukha ng nilalang na pumasok sa kwarto ko dahil madilim at tanging ilaw lamang sa labas ang nagbibigay ng kakaunting liwanag, ang nasisiguro ko lamang ay hindi ito isa sa kanila.
Ang amoy na iyon, napaka pamilyar, dahan dahan niyang tinanggal ang busal ko sa bibig at tali ko sa kamay, nang matanggal niya ang mga ito ay ako na ang kusang tumanggal sa mga tali ko sa paa. Paglingon ko ay papalabas na siya ng bintana.
Tumakbo ako palapit doon ngunit aksidente kong nasipa ang nagkalat na bubog sa sahig. Shit.
Nakarinig ako ng papalapit na yapag malapit sa pinto, nasa 3rd floor ang kwarto ko kaya’t medyo mataas ang tatalunin pag nagkataon.
I did not waste any of my time, I jump off that building bago pa man nila mabuksan ang pinto ko, akala ko ay magiging katapusan ko na, ipinikit ko ang aking mata at inihanda ang katawan sa paghulog, nag aral ako ng karate, pero hindi ko pinag aralan ang pagtalon sa building, bahala na.
Pagbagsak ay himalang hindi ako nasaktan, mainit na bisig ang bumalot sa katawan ko.
Napatayo ako mula sa pagkakahulog, pinagpag ng bahagya ang damit at hinarap ang nilalang na tumulong sa akin para magpasalamat.
“we don’t have time for that” pagpuputol niya. Owwwh, okay. Wika ko sa isip isip ko at nagkibit balikat.
Tumingala ako at nakitang nakatingin sa akin ang dalawang nilalang na gumapos sa akin kanina. Bago pa man sila makalabas ng baril ay hinila na ako ng lalaking tumutulong sa akin mula pa kanina.
“where are we going?” tanong ko.
Hawak hawak niya ako sa kamay habang tumatakbo.
Paglabas ng gate ay sumakay kami kaagad sa isang kulay itim na kotse.
Pumasok kaming pareho sa pinto ng driver’s seat. Anak ng, paano naman kaya ito, hindi niya siguro alam kung saan ako hahawakan kaya itinulak niya nalang ako papunta sa kabilang upuan, fuck, ang awkward.
Pagkapasok niya ay kaagad niya itong pinaandar at pinaharurot paalis sa lugar na yun. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
Umupo ako ng maayos sa upuan at pumikit ng bahagya. Anong nangyari?. mumuntik na akong mamatay.
Lumingon ako sa misteryosong nilalang na tumulong sa akin.
“who are you?” tanong ko. Hindi siya sumagot at hindi rin lumingon.
Fuck. Ngayon ko lang nararamdaman ang sakit ng pagkakasapak sa pisnge ko. Damn. Kinagat ko ang labi ko at bumaling sa kanang parte upang hindi niya makitang nakararamdam ako ng sakit dahil sa sampal na iyon.
"Here" wika niya.
May kinuha siyang kung ano sa maliit na compartment sa tabi ng manibela.
Lumingon ako at kinuha iyon. Ice patch. Hmm.
Hindi ako nagpasalamat.
Now, I think my life is a joke.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad