“what did you do!!!!” sigaw ni Nereid sabay takbo sa lugar kung saan nakahandusay si Gin.
Umiiyak niyang binuhat ang ulo nito at inilagay sa kandungan niya.
Napangisi ako sa nakita.
Nakita rin iyon ni Naiad ngunit wala akong mabasang reaksiyon sa mukha niya.
“kill them son!, papatayin nila tayo!” pagmamakaawa ni Nereid.
Naiad didn’t move an inch. Mistulang pinoproseso niya ang mga bagay bagay.
“sige, kill me! Para hindi mo malaman ang totoo!” sigaw ko.
Narinig iyon ni Nereid, dinampot niya ang baril na kanina ay hawak ni Gin at itinutok sa akin.
“anong totoo?! hah!” sigaw niya.
“the truth behind the death of Champ’s dad” wika ko.
Doon ay naalimpungatan si Naiad. Tumingin siya sa akin at mistulang naghihintay ng susunod ko pang sasabihin.
“it’s not my dad” wika ko. Yes, the killer is not my dad.
“shut up!” wika ni Nereid at ipinutok ang baril.
Bahagya pa siyang napaatras dahil sa lakas ng hatak nito.
“lady!” sigaw ni Frank.
Naramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng kanan kong braso, umaagos ang dugo mula rito. Napangisi ako sa nangyari, kahit kailan talaga, walang silbi ang mga tauhan ni daddy.
Nakita kong itinutok nilang lahat ang baril kay Nereid, itinaas ko ang kaliwa kong kamay at sumenyas na huwag gagawa ng kahit na ano.
Nakita ko ang takot sa mukha ni Nereid.
“sige, barilin mo pa ako ngayon at may kalalagyan ka” nakangisi kong wika.
Hinawakan ko ang kanan kong braso, hinayaan ko lamang ang dugong umaagos mula rito, hinayaan ko ang kirot.
Tiningnan ko si Naiad, tanging pag aalala nalang ang nakita ko sa mukha niya.
Pakiwari ko ay nahahati siya sa sitwasiyon. Tiningnan ko siya at umiling, huwag mo akong pupuntahan. Mawawasak ng husto ang nanay mo.
Pagtingin ko kay Nereid ay tulala na ito.
“what is it, Ganee? Tell me. Anong tungkol kay papa?” may pagmamakaawa sa boses ni Naiad.
Huminga ako ng malalim bago magsalita. Sobrang kirot na ng braso ko at madami ng dugong umagos mula rito.
“your dad. . .. was . . killed . . . by ” paputol putol kong wika.
Anak ng, umiikot na ang mundo ko.
pinipilit lumapit ni Naiad sa akin ngunit pinigilan siya ng mga tauhan ko.
“tell me!” sigaw niya habang pinipigilan siyang lumapit.
“son!, stop it” sigaw ni Nereid.
“ano ma! May kinalaman kaba sa pagkamatay ni papa!” nakita ko pang sinugod ni Naiad ang sarili niyang ina.
Umiiyak si Nereid at nagmamakaawa, lumuhod pa ito sa harap ni Naiad at niyayakap ang mga tuhod nito.
“the killer is. . . the woman . .
. . . in front of you!” sigaw ko.
Hindi gumalaw si Naiad. Alam kong narinig niya ako. Pagkatapos kong sambitin ang mga salita ay biglang umikot ang mundo ko.
Everything went black after that.
“lady!”
Naramdaman ko pa ang pagbuhat sa akin at pagsakay sa sasakyan , ngunit hanggang doon nalang ang naalala ko.
NAIAD’s POV
“Champ!” wika ni papa sabay buhat sa akin.
“yes pa?” tanong ko. Iniyakap ko ang maliliit kong braso sa leeg ni papa.
“i want you to meet Precious Ganymede” wika ni papa.
Humarap kami sa mag amang nandoon at nakita ko ang babaeng para sa akin. Mantakin niyo?, sa edad na lima ay nahanap ko na siya kaagad?.
Ang kulay tsokolate niyang mga mata, ang mapupula niyang labi at mahahabang pilik mata, magiging akin siya at bubuo kami ng masayang pamilya.
Ibinaba ako ni papa kaya’t nakalapit ako sa magandang bata na nasa harapan ko, lumapit ako sa kanya at niyakap ito, hindi naman siya nagulat, bagkus ay niyakap din niya ako pabalik.
Hahahha, bata. Tsk tsk tsk.
Sa paglipas ng panahon ay naging magkaibigan kami ni Ganee at sa pagdaan ng mga araw ay mas lalo ko siyang nagugustuhan. Ibang iba sa mga babaeng mayayaman na maldita at puro materyal lamang ang gusto.
Magkaklase kami sa isang exclusive school, kasama namin si Jhi.
Nang mag grade 9 kami ay naging kumplikado ang lahat.
My mom and dad always fights. I don’t know, lagi kong naririnig ang pangalan ng mama at papa ni Ganee kapag nag-aaway sila.
“Champ” mahinang wika ni mama.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad