13

2 0 0
                                    

Pilit kong kinakalas ang yakap ni Jhianne. Humahagulgol narin siya ng hindi ko alam.

Ano ba talagang nangyayari!

“Jhi, stop this nonsense!” wika ko habang tinatanggal ang yakap niya sa akin.

Ini angat ni Naiad ang mukha at nasilayan ko ang mamula mula niyang mga mata.

“they are. . . they are both dead” mahinang wika niya.

What??.

Nanatili lamang ako sa pagkakatayo. Mistulang nanigas ako at naipako sa kinatatayuan ko.

“stop fooling around” plain kong wika.

Ni hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya kanina.

What nonsense is that?.

Paano naman mangyayari iyon eh ang tight ng security nila daddy. How could he let this happen?.

“even my mom?” kunot noong tanong ko.

Tumango lamang siya.

Alam niyo iyong pakiramdam na nawalan ka ng lakas, pakiramdam mo, gumuho ang mundo mo, my legs are jelly-like. Nanlalambot ako.

Humarap ako kay Jhianne at hinawakan ang damit niya.

“no, Jhi. Hindi totoo diba?” I said in the middle of crying.

“hindi ito totoo!!! this is just a joke! A big joke!” sigaw ko.

I stormed out of the kitchen and went to our room. No, I shouldn’t be here.  Dapat ay nasa Korea ako ngayon.

Isinuklay ko ang dalawang palad sa aking buhok, naupo ako sa dulong parte ng kama at yumuko. Hindi.

Hindi sila mamamatay ng ganun-ganun nalang.

Iniangat ko ng kaunti ang tingin at nakita ang dalawang pares ng sapatos, ininangat ko ng tuluyan ang paningin ko at nakita si Naiad.

Napatayo ako at hinawakan siya sa kanan niyang braso.

“take me back” pagmamakaawa ko.

Take me back to Korea. Yumuko ako at umiyak. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ito kasakit. Kahit ayoko sa gawain ng mga magulang ko ay mahal na mahal ko parin sila.

Marahan niya akong hinila at ikinulong sa kanyang mga bisig.

Mainit, magaan sa pakiramdam at higit sa lahat, hindi bago. Pakiramdam ko’y naramdaman ko narin ito noon. Kailan nga ba?.

“we will” wika niya.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras, ngayon, napatunayan ko na, Naiad is not a simple person, he can move mountains if he wants.

Sino ba talaga siya?.

Pagtapak sa Korea ay bumalik sa akin ang daan-daang ala-ala, ngunit wala ni isa ang bumalik na ala-ala bago ako maaksidente.

“hey, are you ready?” wika niya.

Tumango lang ako at nagsimula ng maglakad.

Isang limousine ang sumundo sa amin. Iniwan ko si Jhi sa Pilipinas, hindi na niya laban ito. She needs to start anew with or without me.

Dalawang oras pa ang biyahe hanggang sa headquarters namin.

I need to find my parents first.

Pagbaba namin ng sasakyan ay sinalubong kaagad kami ng mga armadong tauhan nila daddy.

What the fuck did they do?

Bakit sila ay buhay pa, samantalang ang mga magulang ko?!.

Nanlumo ako sa loob  loob ko ngunit hindi ko ipinakita ang panghihina ko.

Lahat ng naririto sa loob ay binabati ako at binabati rin si Naiad. Hah!. I knew it!.

Ipinadala siya ni daddy. I know daddy. Hindi niya ako pinabayaan kahit noon pa man.

“Chan, where are they?” tanong niya sa lalaking nasa gilid ng pinto.

“yeoki” wika niya at naglakad na papunta sa isang kwarto.

Binihisan muna kami ng Anti-contamination suit.

Pagbukas ay bumungad sa akin ang naka freeze na katawan ng mga magulang ko.

Hindi ko mapigilan ang mapaluha.

Pilit inalo ni Naiad ang likod ko ngunit hindi na ako nagpatinag pa.

I went to my dad.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon