25

1 0 0
                                    


“let’s stop this, huwag mong dudumihan ang mga palad mo” mahinang wika niya.

Punong puno ng pagsusumamo ang boses niya.

“hindi ako titigil” I said with conviction.

“hindi ako titigil hangga’t hindi ko naipaghihiganti ang mga magulang ko! I want them dead!” wika ko tsaka kinuyom ang kamao.

Tumingin siya sa akin at nakitang namumula ang mga mata niya.

Ano bang nangyayari sayo?.

“don’t do this, Ganee” pagmamakaawa niya.

“you don’t tell me what to do” deretso kong wika.

“umalis na tayo Ganee, let’s just go, please”wika niya at hinawakan niya ang mga kamay kong nakapatong sa lamesa.

“walang aalis Naiad, dito ko tatapusin ito” may diin sa boses ko.

Tumayo siyang bigla at tinalikuran ako.

“fine, if that’s what you really want” deretso at walang lingon niyang wika.

Kinuyom niya ang kamao at lumabas ng opisina ko.

Napabuntong hininga ako sa nangyari. Ano ba talagang nangyayari sa kanya?. why is he so affected?. tssss.

Umuwi kami sa headquarters at nag handa. Hinanap ko si Naiad, ang sabi ni Chan ay umalis siya kanina pa, noong kagagaling niya sa opisina ko ay hindi na siya nanatili pa sa TRITON building.

Saan naman kaya siya nagpunta?. I kept on thinking the things that happened earlier. Bakit gusto niyang umalis nalang kami?, bakit mas gusto niyang takasan ang lahat ng ito?.

Sino ba talaga siya?. Naiad?. hmmmmmm.

Ang shipment mamaya ay ang pinakamalaking shipment na gagawin ng TRITON, makikipag palitan sila sa Hyperion ng produkto.

Pag pumalya sila ay katapusan na ng TRITON, I want them dead kaya’t gagawin ko ang lahat para pumalya ang operation mamaya.

“Lady Precious, are you sure about this?” tanong ni Chan.

Nasa kuwarto kami kung nasaan ang mga armas. Hinahanda ni Chan ang mga shotguns at rifle, pati narin ang mga teargas at bomba.

“it’s now or never, Chan” wika ko sabay ayos ng bag kong may laman ng bala.

“kami nalang po ang pupunta, lady Precious” wika ng kapapasok lang na si Frank.

“tsk, no, kung mamamatay ako mamaya, live well guys. I already fixed my last will and testament. Kayo na ang bahala sa kumpanya ni daddy.” wika ko.

Narinig ko ang pag angal ng dalawa kaya’t napatawa ako ng bahagya. Alam kong hindi nila pababayaan ang kumpanya ni daddy.

“uuwi tayong buhay, lady Precious” paninigurado ni Frank.

“yes, lady Precious” pag segundo ni Chan.

“okay, sige” wika ko at lumabas na sa kuwartong iyon.

Pumanhik ako sa kuwarto ko para mag bihis.

I wore a black fitted v-neck shirt and a black fitted pants.

Ipinusod ko ang buhok ko. Ayan. Ready na. Kung mamamatay ako ngayong gabing ito ay ayos na, makakasama ko na si mommy at daddy, pati narin si Champ.

May kakaunting panghihinayang lang dahil may mga maiiwan ako kahit papaano, si Jhi, sila Frank at Chan, at si . . . Naiad.

Napabuntong hininga ako sa naisip.

10 pm ang oras ng operation kaya’t 9 pm palang ay nakapwesto na kami.

Ang mga tauhan ko ay handa na.

We made our operation discreet, maski si nanay Huling ay hindi ko na sinabihan.

Naiad, where are you?.

Nakapwesto ako sa building na nandoon, 2nd floor, kasama ko si Frank at isa sa mga tauhan ko.

“stick with the plan” wika ko sa lahat.

May mga devices kaming nakakabit sa aming mga tainga para makapag usap kami kahit magkakalayo kami.

Nagtago ako ng bahagya nang may dumating na mga kulay itim na sasakyan. Bumaba mula rito ang isang matandang lalaki, sumunod sa kanya ang iilang mga lalaking naka business attire, sila, sila ang leader ng HYPERION.

Wala pang limang minuto ay dumating na ang mga sasakyan ng TRITON.

Napangisi ako, bumaba mula roon si Gin at ilan sa kanyang mga tauhan. Now, now, where is Nereid?.

Nag-uusap ang mga tao nandoon, napatigil sila nang may dumating na dalawa pang kulay itim na sasakyan.

Bumaba ang isang lalaki sa sasakyang nasa unahan at pinagbuksan ang nasa likod, bumaba doon si Nereid.

Naningkit ang mga mata ko sa nakita, tuwang tuwa pa siya sa lagay na ito.

If Hyperion’s leader will be dead, mawawala narin ang gang nila, and if the two assholes will be dead, I will be much happier.

I commanded my men to position their guns sa lahat ng taong nandoon. Walang kahit na anong awa ang nararamdaman ko ngayon.

Ang gusto ko lamang gawin ay ang patayin ang lahat ng tumarantado sa mga magulang ko.

Itinutok ko ang baril kay Nereid.

“what?????” gulat kong tanong nang lumabas ang isang nilalang sa ikalawang sasakyan.

Ibinaba ko ang baril ko at pinanood ang nilalang na nakikipag usap sa mga taong nandoon.

Hiniwakan siya sa braso ni Nereid.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Anong ginagawa ni Naiad sa ibaba?. bakit siya nandito?.

What the hell.

“men, hold your guns. Nasa ibaba si Naiad” wika ni Chan.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon