Sasabak kami sa matinding labanan at hindi maaaring hindi kami handa.
“where is Naiad?” tanong ko.
Kinalikot ko ang settings ng mga camera. Advanced pala ang mga ito. Haay. May ganito rin naman ang bahay sa busan pero anong nangyari?.
“he’s in the kitchen” wika niya.
Tumango ako sa sinabi niya. Hindi padin ako kumakain ngunit hindi ako makaramdam ng gutom. All I want is to put an end to this. Mamamatay ang dapat mamatay. Kahit magka ubusan pa ng lahi ay hindi lalabas ang mangyayari.
Walang issue ang lumalabas galing sa black market.
“call Chan” wika ko kay Frank.
Si Chan ang kanang kamay ni Daddy, alam niya ang mga transactions, at malamang, siya ang nagcompile ng mga info at siya ang naglagay sa CD non.
Wala pang isang minuto ay nasa likuran ko na si Chan.
“yes, lady Precious” wika niya.
Bumaling ako sa kanya at hinarap siya.
“set up a meeting, gather all the stockholders and shareholders of TRITON” wika ko.
“for what?, what agenda?” tanong niya.
Ngumisi ako dahilan para kumunot ang noo nilang dalawa.
“They will meet the Heiress” wika ko.
Humalukipkip ako at pinanood ang mga mukha nilang hindi ko maitindihan.
“pupwede namang magsimula nalang ng panibago, hindi naman kami aalis sa iyo, our loyalty to your parents will remain, kahit wala na sila” mahabang linya ni Frank.
“sa tingin mo ba, patatahimikin nila tayo?” I asked.
Tumango ang dalawa. Mukhang kumbinsido.
Good, all I need to do is to think of a plan. Kung paano ko pababagsakin ang mga kumpanyang kasali sa TRITON.
Lumabas ako sa kwartong iyon at pumanhik sa kusina.
Doon ay naabutan ko si Naiad na nagkakape.
I knew it, ipinadala siya ni daddy. Nagmamaang maangan pa siya. Tssss.
Naupo ako sa upuan na nasa tapat niya.
Tumingin siya sa akin at tumitig. Tumitig ako pabalik.
“mapagkakatiwalaan ba talaga kita?” tanong ko sa isip.
Nakita kong kumunot ang noo niya dahil sa pagtitig ko.
“do you have a plan already?” tanong niya.
Humigop siya sa kape.
Umiling ako sa sinabi niya. I do have, pero hindi ko sasabihin sayo.
Ipinagpatuloy niya ang pag- inom.
“Ganee!” may sumigaw galing sa pinto kaya’t napalingon ako doon.
Napatayo ako at nagulat dahil sa nakita.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ng napakahigpit.
“yaya Huling!” wika ko.
“saan kaba galing bata ka?” tanong niya sabay hagod sa likod ko.
“nanay, mabuti naman po at walang nangyaring masama sa inyo” umiiyak kong wika.
Kinalas ni nanay Huling ang yakap at iniharap ako sa kanya.
“ikaw talagang bata ka. Sobrang nag alala ang mommy at daddy mo sayo” maluha luhang wika ni nanay Huling.
“nanay, ano pong nangyari?” wika ko.
Iginaya niya ako sa lamesa at pinaupo sa inupuan ko kanina.
“kumain kana ba?” pagwawala niya sa tanong ko.
Naupo ako ng maayos at umiling.
“ipagluluto lamang kita saglit hah?.” wika ni nanay Huling.
Tumango nalang ako at hinintay ang ihahain niyang pagkain.
pumanhik siya sa lutuan na nandoon at nagsimula ng magluto.
“buti at naiuwi kana rin ni sir Naiad” wika niya.
Tinignan ko si Naiad na nagkakape parin at ngayon ay may binabasa ng dyaryo.
Hah! Sinong niloko mo. Sabi ko na eh. Ipinadala ka ni papa.
Pinandilatan ko siya ng tingin, hindi ko alam kung napansin niya pero umismid siya at mistulang nagyayabang. Tsss
“kung hindi lang ho nangyari nay, hindi po sana talaga ako uuwi” wika ko.
Napatigil siya sa pag gisa ngunit kalaunan ay ipinagpatuloy niya ito.
“nakakalungkot isipin na wala na si Sir Sao at ma’am Larissa” mahinang wika ni nanay Huling.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad