Napangiti ako sa sinabi niya.
Pagkatapos ng meeting ay dumeretso ako sa opisina ni daddy sa TRITON.
“Chan, paki tawag nga si Mrs. Han” utos ko.
Pumasok ako sa opisina at naupo sa swivel chair.
Nais ko pa sanang pasadahan ng tingin ang buong kuwarto ngunit dumating na ang pinatatatwag ko.
“Chan, where is Naiad?” tanong ko sa kanya.
“magpapahangin daw lady” wika niya.
Tumango naman ako at naupo na ulit.
“take your seat Mrs. Han” magalang kong wika.
Sinunod naman niya ako at naupo.
“you asked for my presence?” kunot noong tanong niya.
Nakakapagduda ang mga titig niya. I don’t get intimidated that much.
“yes, thank you for showing up fast” wika ko.
Ngumiti siya sa akin.
“i want to be honest with you” wika ko.
Nakita kong nagseryoso siya.
“what is it?” umayos siya sa pagkakaupo at mistulang naghihintay ng sasabihin ko.
“pull out all your shares in TRITON” pinagsiklop ko ang mga daliri ko.
Bumaling siya sa kanan para hindi ko makita ang reaksiyon niya pero huli na. Nakita kong nag iba ang ekspresiyon niya, kumunot ang noo at tila nag iisip.
“why?” walang lingon niyang tanong.
“please, don’t make it hard for me. Pull out your shares, end of discussion” may pinale sa boses ko.
Mistulang nasindak siya doon kaya’t tumango nalang siya at hindi na nagsalita pa.
“thank you so much for understanding. You know our policies, the things we’ve discussed will stay between us. Privacy policy” wika ko.
Tumango siya doon.
“i’m giving back all your money, just sign these papers” wika ko sabay abot ng mga papeles sa kanya.
Everyone knows the rules, walang dapat kumontra sa mga desisyon ng nasa itaas and that’s me. Walang dapat kumontra sa akin, or else.
Lumabas siya at paglabas niya ay sunod ko namang ipinatawag si Mr. Chu, at gaya ng ginawa ko kay Mrs. Han, I commanded him to pull out his shares.
I’m putting an end to all of these.
Sinunod kong tinawag si Mr. De Jesus at Mr. Smith.
Now, wala ng shareholders at stockholders and TRITON, ang natitira nalang ay si Gin at Nereid.
Habang nakaupo ay biglang bumukas ng marahas ang pinto, dahilan para mapatingin ako doon
“what are you doing?” may galit sa boses ni Naiad.
Itinigil ko ang pagbabasa sa mga papeles at humarap sa kanya, isinandal ko ang likod sa upuan.
“what?” tanong ko sabay halukipkip.
Tumayo siya sa harapan ng lamesa ko, sa itsura niya’y hindi siya natutuwa sa ginagawa ko. Well, sino ba siya para manduhan ako?
“anong ginagawa mo hah?!” madiin niyang tanong.
Nasindak ako sa tanong niya, kitang kita sa mga mata niya ang galit. Ano bang nangyayari sa kanya?
Namumula ang mga tenga niya sa galit. What’s that for?. ngumisi ako sa isip isip ko.
I fostered a serious face too.
“wala naman akong ginagawa, I’m putting an end to TRITON, yun lang” wika ko sabay kibit balikat.
“you want them, what?! DEAD?” ang boses niya ay mistulang kidlat na sumindak sa akin. Why is he so mad?.
“bakit ba hah?” kunot noong tanong ko.
Ipinatong niya ang dalawang palad sa lamesa dahilan para iisang metro nalang ang layo niya sa akin.
Napaatras ako ng bahagya sa ginawa niya.
“this is wrong, Ganee” wika niya.
I looked straightly in his eyes, my gosh, his stares makes me shiver. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
“ano ba ang tamang gawin, Naiad?” tanong ko.
Lumambot ang ekspresiyon niya at naupo sa upuan na harap ng lamesa ko.
Itinakip niya ang mga palad sa mukha, at inihilamos niya iyon.
“let’s run away” mahinang wika niya at tsaka tumingin sa akin.
“Are you insane?. anong run away?” inis kong tanong.
His brown eyes is convincing. Ang mga mata niya. . . . Champ. Sambit ng utak ko.
“let’s stop this, huwag mong dudumihan ang mga palad mo” mahinang wika niya.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad