Ace's POV
'Oh my god,nahawakan ko yung kamay ni Bea,my god'
Hindi parin ako makapaniwala kanina. Alam kong hindi niya napansin kanina na nakahawak na pala siya sa kamay ko kanina.
Naramdaman ko ulit na uminit yung pisngi ko, naglilinis pa naman kami sa room. Naatasan kasi kami ni Ma'am Camille na maglinis bago kami umuwi.
Ako,si Bea yung mga kaibigan niya,si pinsan at yung mga kaibigan ko na kanina pa nakangising-aso.
'wait nakangisi?!'
Tumingin ako sa mga kaibigan ko na kasama si Danna, nakangisi nga sila pero hindi si Danna dahil busy siya sa paglilinis hindi tulad nitong mga kumag na 'to. Bigalng lumapit si Mike, isa sa mga kaibigan ko.
"Oy Ace kanina ka pa namumula dyan!"natatawang sabi niya sakin.
"Ano hindi ah!"bulong ko sa kanya at siniko siya.
"Hahaha utot mo Ace! Kanina ka pa namumula at alam kong dahil iniisip mo na naman yung paghawak niyo ng kamay ni Bea haha"pabalik niyang bulong saka tumawa ng malakas,ayun nabatukan ni Justin.
"Aray naman Justin inaano kita!"reklamo ni Mike habang hinahaplos yung ulo nya. Tiningnan lang siya ni Justin tsaka bumalik sa pwesto niya.
"Tingnan mo 'to mambabatok tapos hindi sasabihin kung bakit!"reklamo niya ulit, agad naman siyang nabatukan ulit ni France.
"Hoy inaano din kita?!"reklamo ni Mike.
"Maglinis ka muna kaya bago mo kausapin si Ace"mahinahong sabi ni France.
"Psh!gusto mo lang maka-usap agad si Elvie eh!"angal niya,agad naman siyang pinalo sa ulo ni Kyle.
"Umayos-ayos ka Mike baka sabihin ko rin na may gusto ka kay Ron-"hindi naituloy ni Kyle ang sasabihin niya ng sumigaw si Mike.
"HOY!walang ganyanan"sigaw ni Mike. Haha buti nga sa kanya,torpe rin pala eh.
"HOY!!MAGSITIGIL KAYO!ORAS NG PAGLILINIS NAG-UUSAP KAYO!"sigaw ni Aquisha.
"YES MA'AM!"sigaw ni Kyle kaya tumawa kaming lahat. May crush kasi si Kyle kay Aquisha. So obviously ako may gusto kay Bea, si France may gusto kay Elvie, si Mike may gusto kay Ronalyn at si Kyle may gusto kay Aquisha. Hindi lang namin alam na kung sino yung gusto ni Justin dahil tahimik din siya katulad ni Danna.
"Tapos na kayo?"malamig na tanong ni Danna kaya napatingin kami sakanya.
"Ah m-malapit na"nauutal na sagot ni Justin kaya sa kanya naman kami napatingin.
'Teka namumula ba siya'.
Tinitigan ko sya at mas lalo pa syang namula. May sasabihin sana ako pero naunahan ako ni Mike, bigla naman ba kasing tumawa.
"Hahahahaha si Justin namumula hahahaha"sabay sabay nilang sabi habang tumatawa at nakahawak sa tyan nila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binatukan ko silang tatlo bago pa magalit si Justin. Mahinahon man si Justin, kapag nagalit yan hi hinding-hindi mo siya nakaka-usap dahil ire-real talk ka niya.
"Tumgil na kayo kung ayaw niyong mawala ng maaga"sambit ko at pumunta sa lagayan ng mga gamit panlinis.
"Oppss sorry Justin"sabay nilang sabi ng mahalatang matalim ang titig ni Justin sa kanila pero imbes na sagutin niya sila, pumunta siya sa gawi ko at inilagay ang mga ginamit niya kaya binalik na din namin yung mga ginamit namin bago kami lumabas. Naglalakad na kami pero may biglang tumawag kay Danna.
"DANNA!"tawag sa kanya nung babae habang tumatakbo. Nang makalapit na siya sa amin,huminto na siya at niyakap si Danna.
'wait! seriously! Ni hindi ko nga mahawakan si pinsan pero itong babaeng maliit na ito nayakap siya'
Bago pa ako matulala ng tuluyan, nagsalita na ako.
"Teka,teka! Kilala mo si Danna?" naka-kunot kong tanong sa babaeng ka-height ata ni Aquisha o mas matangkad lang ng kaunti ang babaeng ito.
"Ah oo kilala ko siya bakit?"sagot niya ng nagtataka, magsasalita na sana ako pero nauna na si Danna.
"Don't mind him"sabat ni Danna tsaka hinawakan yung kamay nung babae.
"Teka!pinsan sino siya?"tanong ko at alam Kong yun din ang itatanong nila.
"Teka! Jenalyn!"sabay-sabay na sabi nila Bea.
"Kilala niyo rin sya?"takang tanong ni Mike.
"Oo kilala namin siya,naging ka-grupo namin siya nung nakaraan"sagot ni Bea habang nakangiti.
'shit! Bea stop killing me by that beautiful smile'
Naramdaman ko na naman na uminit ang pisngi ko.
"Hoy Ace! Namumula ka naman"sabat ni mike.
'Tsk panira talaga'
"Oh!Bea kasama niyo pala yung mga cru-"bago niya pa matapos yung sasabihin niya dahil tinakpan na ni Danna yung bibig niya.
"Anong ibig mong sabihin?"takang tanong ni Kyle.
"Oo nga,ituloy mo na"sang-ayon naman ni France, na sinundan ni Mike.
"Wala siyang ibig sabihin, di ba Jena"sagot ni Danna na tumingin kay Jenalyn na para bang sinasabi na 'wag mong ituloy yung sasabihin mo' look. Tinanggal na ni Danna yung kamay niya sa bibig ni Jenalyn.
"Ah oo wala yun heheh"sagot niya habang hinahaplos yung batok niya tsaka nag-peace sign kila Bea.
"Tara na! ihahatid ko pa siya sa bahay nila"saad ni Danna na nauna ng naglakad kasunod ni Jenalyn at sumunod na rin sila Bea.Kami naman,ayun nakatulala.
"Yung totoo,yung sasabihin niya ba dapat ay, 'oh Bea kasama niyo pala yung mga 'crush' niyo'"sambit ni Mike.
"Wag kang paasa Mike baka masakal kita"saad ni France na handa ng sakalin si Mike.
"Oy! Tara na"sigaw ni Justin na ilang metro na ang layo sa amin.
"Oy maghintay ka naman bro"sigaw namin sa kanya at tumakbo palapit sa kanya at sumakay na sa mga sarili naming motor. Oo motor, may tag-iisa kaming motor, may motor din si pinsan pero hindi ko na makita siguro umalis na kasama si Jenalyn.
Bumuntong hininga nalang ako tsaka ko pinaandar yung motor. Iniisip ko na sana totoo yung sinabi ni Mike.
'sana magustuhan mo rin ako Bea,I will do anything to make you fall in love with me,I promise that'
To be continued
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
YOU ARE READING
I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓
RomanceMay isang babae na nagngangalang Bea Jane Alonzo. She's a sweet beautiful girl, she have an angelic voice. Sya ay may lihim na pagtingin sa isang lalaking famous sa kanilang paaralan. Hindi alam ni Bea na may lihim din na pagtingin sa kanya ang lala...