𝙰𝙲𝙴'𝚂 𝙿𝙾𝚅
I suddenly woke up in the middle of the night. I dream about Danna. She have a lot of blood dropping on the floor. I saw a girl behind her holding a gun and she suddenly pull the trigger on it. That's what I remember on my dream! No it's not a dream it's a nightmare. I'm sweating and I'm breathing fast until I heard my door open. Bumungad sa akin si Danna dahil bukas palang yung lampshade ko tsaka niya binuksan yung ilaw na malapit lang sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita siyang may hawak na baril at may tumutulong dugo sa mga kamay niya kaya agad akong lumapit sa kanya ng bigla siyang napaluhod.
"Pinsan? Anong nangyayari sayo? Bakit marami kang sugat?" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang nagpa-panick ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya. 'Hindi! Hindi ito pwedeng mangyari! Bakit? Napanaginipan ko siya kani-kanina lang pero bakit ganito? Please Lord! Namamalikmata lang ako di ba?' pangu-ngumbinsi ko sa sarili ko ng maalala ko ang panaginip ko kanina.
"Nothing happen!"yun lang ang sagot niya.
"Danna naman eh! Nothing happen? Pero bakit may mga sugat ka? Please Danna sabihin mo na sa akin please?" nagmamakaawang sabi ko habang umiiyak. Inangat niya ang kanyang ulo para makita ako at mas lalo lang akong napa-iyak dahil dumudugo ang noo at labi niya. May pasa siya gilid ng labi niya.
"Shh! Don't cry it's just some bruise!" sagot niya. Tinulungan ko siyang tumayo at pinunta siya sa sofa tsaka ako lumabas ng kwarto. Hinahanap ko si Nanay Ann,saktong nakita ko siyang lumabas ng banyo kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Oh? Iho 'bat gising kapa? Umiiyak ka ba?"tanong niya sa akin ng makalapit ako sa kanya. Hindi na ako nagsayang ng oras.
"Nanay Ann! Tulungan niyo po ako please! Pumunta po si Danna sa kwarto at...at...at may hawak po siyang baril,t-tumutulo po yung dugo sa kamay niya! M-may mga sugat po siya at p-pasa! Nanay Ann gamutin niyo po siya please!"sunod-sunod na sabi ko sa kanya habang hindi parin tumitigil ang papatak ng mga luha ko.
"Huminahon ka iho! Nasaan siya?" saad niya.
"Nasa kwarto ko po siya Nanay Ann!" sagot ko kaya agad-agad kaming tumungo sa kwarto ko. Naabutan namin si Danna na nakaupo sa sofa at nakasandal sa sandalan. Agad namin siyang nilapitan.
"Jusko po! Anak! Anong nangyari sayo?"gulat na tanong ni Nanay Ann.
"N-nanay A-ann! P-pwede niyo po bang t-tawagan si Tito L-lance?" nahihirapang tanong niya sa kay Nanay Ann.
"Sige! Iha tatawagan ko siya!"sagot ni Nanay Ann at kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya tsaka tinawagan si Dr. Lance. Lumayo muna ng kaunti si Nanay Ann,ako naman ay tumabi kay Danna.
"D-danna! A-ano bang nangyari?" humihikbing tanong ko sa kanya.
"S-sasabihin ko nalang sayo! M-mamaya!"nahihirapang sagot niya kaya hindi na ako nagtanong pa. Lumapit sa amin si Nanay Ann.
"Papunta na daw siya! Kasama niya yung anak niya!"saad ni Nanay Ann sa amin kaya tumango ako. Naghintay kami ng ilang minuto ng biglang bumukas yung pinto at bumungad sa amin si Dr. Lance na may dalang mga gamit sa pang-gagamot at dali-daling lumapit kay Danna tsaka siya inihiga at ginamot. Ilang minto ang lumipas ay tapos na si Dr. Lance sa pag-gagamot kay pinsan na nagpapahinga na.
"Ace! Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Dr. Lance sa akin.
"H-hindi ko po alam! Nagising po ako sa isang masamang panaginip at ilang sandali pa po ang lumipas bumukas yung pintuan ng kwarto ko at bumungad siya sa akin! Binuksan niya po yung ilaw at nanlaki ang mga mata ko ng makita siya at bigla nalang siyang napaluhod kaya agad akong lumapit sa kanya! Tinanong ko rin po kung anong nangyari pero ang sabi niya lang 'nothing happen'" pagpapaliwanag ko sa kanya.
YOU ARE READING
I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓
RomanceMay isang babae na nagngangalang Bea Jane Alonzo. She's a sweet beautiful girl, she have an angelic voice. Sya ay may lihim na pagtingin sa isang lalaking famous sa kanilang paaralan. Hindi alam ni Bea na may lihim din na pagtingin sa kanya ang lala...