CHAPTER 28

38 11 0
                                    

Bea's POV

1 week later

Isang linggo na ang nakakaraan simula nung umalis si Danna. Namimiss ko na siya kahit na palagi siyang malamig makitungo. Kahit na ganun siya,mabait parin siya sa amin.

Nandito kami ngayon sa same spot namin sa school,mas lalong tumahimik nung umalis si Danna. Si Justin naman hindi kami kinakausap, hindi namin alam kung anong problema niya. Simula nung umalis si Danna mas naging tahimik na siya kaysa dati.

"Kumusta na kaya si pinsan?"biglang tanong ni Ace. Alam kong kahit marami siyang hindi alam kay Danna ay nag-aalala parin siya syempre ganun din kami.

"Kaya nga eh! Namimiss ko na siya!" sang-ayon ko sa kanya.

"Di bale! One week lang naman na diba bago siya umuwi!"sambit naman ni Jenalyn.

"Speaking of uuwi! Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo na uuwi rin ang ate ko?"sabat naman ni Ace.

"Hindi!"sagot namin nila Elvie.

"Uuwi si Ate ko after 5 months"sagot niya.

"Ahh ok!"sambit namin. Magsasalita sana si Mike ng biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad kong tiningnan kung sino. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.

Danna is calling

"Sino yan?"tanong nila sa akin kaya pinakita ko kung sino yung tumatawag kaya napangiti sila ng makita kung sino yun.

Oh my! Isang linggo namin siyang hindi nakausap. Kaya sinagot ko agad tsaka ko ini-loud speaker at inilagay sa gitna.

"DANNA!"bungad namin sa kanya.

"No need to shout!"reklamo niya kaya napatawa nalang kami.

"Danna miss ka na namin!"sambit ko sakanya.

"Don't worry I miss you too!"sagot niya sa kabilang linya.

"Kailan ka uuwi dito?"tanong naman ni Ronalyn.

"Maybe later at night or tommorow!" sagot niya na ikinatuwa namin.

"Waahh! Talaga?!"tanong ni Jenalyn.

"Yup! And I'm not going to live next to your house Damon!"sambit niya na ipinagtaka namin.

"Saan ka titira?"tanong ni Ace sa kanya.

"In my house! Because there is some-" naputol yung sasabihin niya ng may tumawag sa pangalan niya sa kabilang linya.

"DANNA-CHAN!"sigaw nung lalaki sa kabilang linya.

"SHUT THE F*CK UP! YOU DUMBASS" sigaw din ni Danna pabalik na ikinatawa naming lahat.

"Danna-chan mean!"sambit nung lalaki.

"I'm talking to my friends so better shut up or I'll kick your ass out of my sight"pagbabanta ni Danna.

"Really?! Can I talk to them?"tanong nung lalaki.

"Iie(no)"sagot ni Danna kaya nagkatinginan kaming lahat dahil ibang lenggwahe ang sinabi niya.

"Anong lenggwahe yun?"tanong ko kay Ace.

"Hindi ko alam eh"sagot ni Ace, magsasalita pa sana ako ng magsalita yung lalaki sa kabilang linya.

"Naze desuka?(why)?"sambit nung lalaki. Natawa nalang kami dahil hindi talaga namin maintindihan yung lenggwahe nila.

"If I said 'no' no! Do you want to come with me when I go back or not?"tanong ni Danna sa lalaking kinakausap niya.

"Hai watashi wa anata to issho ni ikimasu(yes I'm going with you)"sambit nung lalaki.

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now