CHAPTER 12

56 13 0
                                    

Bea's POV

Nandito kami ngayon sa harap ng confession booth. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Dahil wala akong ka-alam alam dito. Kaya tinanong ko na yung SSG OFFICERS na kasama namin.

"Ah excuse me po kuya"nahihiyang sambit ko habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri ko.

"Bakit?"tanong nung isang lalaki.

"Ahmm pwede po ba naming malaman kung bakit po kami nandito at kung sino po ang nag-set up sa amin?"tanong ko sa kanila.

'kinakabahan talaga ako,wala pa sa plano ko ang mag-confess sa kanya, Lord please help me'

"Syempre aaminin niyo kung sino yung crush or gusto niyo at ang alam ko na nag-set up sa inyo ay yung mga kaibigan niyo"sagot nung babae.

"Ah sige po, pasensya na po sa pagtatanong"sambit ko.

"Ano ka ba ayos lang yun tsaka marami kayang humihiling na maging kayo ni Ace"kinikilig na sabi nung lalaki na ikinapula namin.

"Kung ganun po ba ay hindi niyo alam kung sino sa kanila yung nag-bigay ng papel?"tanong naman ni Ace.

"Hindi eh,pero lahat sila pumunta sa amin"sagot ulit nung lalaki.

"Kasama din po ba nila yung babae at lalaking may nakasabit na headphones sa leeg at may hawak na libro?"tanong ulit ni Ace.

"Hindi eh,hindi nila kasama yung mga taong sinasabi niyo"sagot naman nung babae.

"Ah sige po salamat po kuya,ate" nakangiting sagot ko.

"Oh siya,sige pasok na kayo na yung next,"sabi nung lalaki at pinapasok kami sa isang room na madilim.

'yung totoo confession booth ba ito o horror booth?'

Agad din akong natauhan ng may humila sa akin at pina-upo sa isang silya.

"Pasensya na ading sa paghila pero kailangan niyong umupo at pwede na ka ng magsimula sa pag-aamin ng feelings mo"sabi nung lalaki ba o babae,hayst nevermind.

"Teka lang po, kayo lang po ba ang makakarinig o may iba pa?"tanong ko.

"Ako lang ang makakarinig"sagot niya.

"Eh paano po yung kasa-"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya.

"Hep,hep you only have 5 minutes to confess and your time start now"sabat niya, bahala na si batman. Huminga ako ng malamim at sinimulang umamin.

"May isang lalaki akong gustong gusto, hindi pala mahal ko na siya, isa siya sa famous dito sa campus, maraming babae ang nagkakagusto sa kanya hindi lang dahil gwapo siya, kundi dahil din sa pagiging matalino niya, pagiging mabait at iba pa"huminto ako bago ako nagpatuloy.

"Nagsimula akong mag-kacrush sa kanya nung grade 7 which is nung nagkabang-gaan kami at humingi ng tawad sa isa't isa, akala ko hanggang crush lang yun pero nagkamali ako. Nung grade 8 nalaman ko nalang na gusto ko na siya, sinabi ko yun sa mga kaibigan ko pati na rin sa pamilya ko kaya palagi nila akong inaasar sa pamamagitan ng pangalan niya at ako naman hindi mapigilan ang pamumula sa tuwing babanggitin nila yung pangalan niya. Ilang buwan pa ang nakaraan nalaman kong mahal ko na siya, iniisip ko na sana ako nalang yung mga babaeng nakaka-usap niya pero hanggang sana nalang ako. Ilang buwan pa ang nakalipas bago kami magtapos ng grade 8 at nagsimula ng grade 9, itong taon na 'to ang hindi ko inaasahan"huminto muna ako at tsaka nagpatuloy habang nakangiti.

"Ito yung taon na naging magkaibigan kami, meron pa nung una kong nakita yung pinsan niya akala ko girlfriend niya pero nagkamali ako, lagi kaming magka-usap sa cellphone, nagtatawanan, nagbibiruan at higit sa lahat nagsasabihan ng problema, hanggang sa mas nahulog pa ako sa kanya, laging sinasabi ng mga kaibigan ko at ni mama na umamin na ako sa kanya pero natatakot ako, natatakot ako na baka dahil sa nararamdaman ko ay masira ang pagiging magkaibigan namin, kaya hindi ako umamin pero ngayon eto umaamin ako, hinihiling na sana naririnig niya ito at nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko dahil sa set-up na ito."huminto ulit ako dahil parang maiiyak na ako tsaka ako nagpatuloy sa pagsasalita.

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now