CHAPTER 11

61 13 0
                                    

Ace's POV

Three months later(August 06)

Tatlong buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin ako umaamin sa kanya pero ayos lang basta ba lagi ko siyang kasama. Nandito kami ngayon sa gym dahil may gaganapin, may mga nakalagay na mga iba't-ibang booth pero agad ding kaming umalis dahil naboboring kami duon. Hindi ko alam kung bakit iba yung pakiramdam ko sa mga kaibigan ko dahil kanina pa sila nakangisi habang nakatingin sa amin kaya kinompronta ko na sila. Kaya nandito kami ngayon sa canteen.

"Hoy bakit kayo nakangisi huh?" tanong ko sa kanila. Magkakaharap kasi kaming lahat at lagi kaming pinagtatabi ni Bea mula kanina pero ang mga loko tumawa lang pero hindi kasali sila Justin at Danna na nakalagay na naman yung headphones nila habang nakasandal sa upuan at nagbabasa ng libro.

"Hahahahah Wala lang"sabay-sabay nilang sagot.

"Ang creepy niyo kasi eh"sabat naman ni Bea na katabi ko.

"Ano ka ba Bea paano naman kami naging creepy?"natatawang tanong ni Jenalyn.

"Ewan, siguro dahil kanina pa kayo nakatingin sa amin ni Ace"sagot naman ni Bea.

"Hahahaha grabe ka naman" natatawang sambit ni Mike.

"Hahahhaha hindi kami creepy 'no" sagot naman ni Kyle.

"Yeah, hindi kami creepy"sabat naman ni Khalix habang tumatawa.

"May narealize lang kami"natatawang sabi ni France.

"Tama may narealize lang kami" sang-ayon ni Elvie kay France.

"Ano naman yun?"sabay naming tanong ni Bea na ikinatawa ulit nila.

"Hahaha narealize namin na bagay talaga kayo"sagot naman ni Ronalyn.

"Tama-tama unting-unti nalang mapagkakamalan na namin kayong mag nobyo at nobya"sang-ayon naman ni Aquisha.

"Hoy kayong dalawa"baling naman ni Mike kila Danna at Justin na magkatabi kaya sabay nila kaming nilingon at sabay din nilang binaba yung headphones nila.

"Oh?"sabay nilang tanong na ikinatawa naming lahat.

"Hahahaha yung totoo parehas ba kayo ng iniisip?"natatawang tanong ni Jenalyn na sinang-ayunan naming lahat.

"Hindi"sabay ulit nilang sagot na mas lalo kaming natawa.

"Eh bakit lagi kayong nagsasabay sa pagsalita?"tanong naman ni Aquisha.

"Kaya nga hahaha may something sa inyo 'no"panunukso ni Kyle kila Danna.

"Kaya nga, hindi lang 'yon same vibes din kayo"sabat ko naman.

"Walang something"sabay ulit nilang sagot.

"Hahahaha oh tingnan niyo na, kanina sabay kayong umupo tapos sabay nyo ring nilabas yung libro niyo tsaka niyo nilagay yung headphones niyo tapos ngayon sabay ulit kayong sumasagot sa mga tanong namin" paliwanang naman ni Ronalyn.

"Hahahaha kaya niya"sang-ayon ni Jenalyn at ni Khalix.

"Psh"sabay nilang angal na nagpahalakhak kay Mike at sa iba pa.

"Danna, Justin may tanong ako"sabat naman ni Bea ng hindi tumigil yung iba sa kakatawa pati na rin ako.

"Go ahead"sabay nilang sabi

'hahahha yung totoo anong meron sa dalawang 'to at laging nagsasabay'

"May relasyon ba kayo?"nagtatakang tanong ni Bea na nagpagulat kila Danna.

"Huh?"sabay ulit nilang tanong. Napansin na may pagkapula yung pisngi nilang dalawa.

"Ehem ehem meron nga ba?" pagtatanong Khalix.

"Ehem nandito po tayo sa canteen ng mga estudyante kung saan masasaksihan natin ang pag-aaminan ng dalawang 'yelo' sa paaralang ito"sabi ni Mike na kinuha yung suklay ni Ronalyn para maging mic at tsaka sya tumayo at naglakad papunta kila Danna na ikinahalakhak namin dahil naging reporter na si Mike.

"Hoy Mike hahahha reporter ka na ba ngayon?"natatawang tanong ni France.

"Ginamit mo pa yang suklay ko para maging mikropono hahahah" natatawang sambit ni Ronalyn.

"Shhh! Quiet"singhal naman ni Mike sa kanila.

"Ehem ok ok, Mrs. soon to be Baut- I mean Ms. Alonzo pwede nyo po bang ulitin Ang tanong niyo sa dalawang 'yelong' 'to?"tanong ni Mike na ibinigay pa yung suklay kay Bea.

"Hahaha yelo talaga?"natatawang angal ni Khalix.

"Hahahha hindi mo masisi si Mike kung bakit yelo ang ipinangalan nila dyan sa dalawang yan"natatawang sagot naman ni France.

"Hahahhaa not gonna lie pero ang lamig nilang tumingin at magsalita hahah"sabat naman ni Elvie habang tumawatawa.

"Ah eh bakit ko uulitin, reporter ka ba?"tanong ni Bea na ikinatawa namin.

"First blood"Sabi ni Kyle.

"Double kill"sambit naman ni Khalix.

"Triple kill"sabat naman ni France.

"Hahahahahaha savage yun Bea" natatawang sabi ko.

"Ouch that's hurt"angal ni Mike na um-acting pa na parang nasaktan.

"Hahahaha buti nga sayo bleehh" pang-aasar ni Ronalyn.

"Ok ok, back to the topic"saway naman ni Aquisha at tiningnan sila Danna na busy sa pagbabasa.

"Oy pinsan,hindi niyo pa sinasagot yung tanong namin"saad ko.

"Kaya nga umamin na kasi kayo" panunukso ni Mike.

'itong si Mike na 'to laging nakikisabat'

Babatukan ko na sana si Mike pero naunahan ako ni ako ni Ronalyn.

"Hilig mong makisabat,kalalaking tao chismoso"singhal ni Ronalyn.

"Wow! Grabe! Parang hindi ka rin madaldal eh 'no"singhal naman ni Mike. Napansin kong tatayo na sila Danna kaya tumingin ako sa kanila.

"Saan kayo pupunta?"tanong ko sa kanila.

"Magde-date sila"panunukso ni Khalix.

"Donna saan kayo pupunta?"tanong ni Bea.

"Kung saan tahimik"parehas nilang sagot.

"Hahahahha magde-date kayo" natatawang sabi ni France.

"Psh, isipin niyo kung ano yung iniisip niyo"sagot ni Donna na naunang naglakad.

"Tsk! Wala kaming relasyon para sabihin ko sa inyo"singhal ni Justin na sumunod kay Danna, nagkatinginan lang kami.

"Same vibes ft. same feelings"sabi ni Jenalyn at Aquisha.

"Ikaw kasi Mike eh! ang daldal mo" reklamo ni Ronalyn.

"Aba! hindi ko kasalanan yun, curiosity ko ang nauna kaya ko nagawa yun"angal naman ni Mike.

Magsasalita sana si Bea ng biglang may pumunta sa aming dalawang SSG officers.

"Hello! Nandito ba si Bea Jane P. Alonzo at Damon Ace G. Bautista?" tanong nung lalaki.

"Ah sila po yun"sagot naman nila Mike at tinuro kaming dalawa.

"Ah bakit po?"tanong ni Bea.

"Basta sumunod nalang kayo sa amin" sagot nung kasama nung lalaki kaya tumango nalang kami bilang sagot at nagsimula na silang maglakad tsaka namin sila sinundan. Bago pa kami makalayo sumigaw yung mga kaibigan namin.

"GOODLUCK SA INYO!SANA MAG-WORK LAHAT"sigaw nilang lahat tsaka tumili, nagkatinginan lang kami ni Bea, iniisip kung anong ibig nilang sabihin pero isinawalang bahala nalang namin yuon at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad ng mapansin ko kung saan kami pupunta.

'sa confession booth? Shit! Ito ba yung ibig nilang sabihin sa GOODLUCK! Oh my god, aamin na ako kay Bea ngayon?'

To be continued

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now