CHAPTER 72

18 6 0
                                    

Bea's POV

Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming umuwi. Napansin ko na mas naging tahimik si Justin ngayon at panay ang tingin ni Ace kay Justin pero binalewala ko nalang iyon at agad-agad na pumasok sa kwarto ko. Nagbihis ako ng pambahay at humiga sa kama. Kinuha ko yung cellphone ko tsaka tinawagan sila Mama.

Calling Kate

Agad niyang sinagot yung tawag ko. 6:20 Na ng gabi nang matapos yung klase namin.

"Hello Ate? Magandang gabi"saad ni Kate.

"Good evening Kate!"sagot ko naman.

"Ate! Kamusta ka na dyan?"tanong naman ni Kate sa kabilang linya.

"Ayos lang ako dito Kate! Kayo ba ni Mama kamusta tsaka si papa kamusta na rin?"tanong ko naman sa kaniya. Nung papauwi na kami galing Japan ay sumama na si Papa sa amin. Tinutulungan niya si Mama sa pagtitinda ng mga cake at iba pa. Nagtatrabaho din siya sa isang cafeteria na pagmamay-ari nila Ace.

"Ayos lang kami dito Ate!"masayang sagot ni Kate.

"Mabuti naman!"saad ko sa kaniya.

"Ate kailan ka po ba magbabakasyon dito?"tanong ni Kaye sa akin.

"Kapag malapit na ang pasko,uuwi ako dyan!"sagot ko sa kaniya.

"Talaga Ate? November 29 na ngayon oh!"masayang sambit ni Kate.

"Siyempre naman!"sagot ko.

"Eh ate sila Ate Danna at si Kuya Ace? Dito rin ba sila magpapasko?"tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam Kate eh! Tatanungin ko sila okay?"sagot ko. Narinig kong bumukas yung pintuan ng kwarto ko kaya napatingin ako. Sila Elvie pala kasama sila Claire.

"Kate bukas na lang okay? May gagawin kasi kami! Tsaka miss ko na kayo! I love you!"saad ko sa kaniya tsaka ko pinatay yung call at humarap kila Elvie na nakaupo na kama ko.

"Uy! Ano? Dito ba tayo mag-uusap?" tanong ko sa kanila kaya tumango sila tsaka ako umupo.

"So?"tanong namin kay Claire na bumuntong-hininga.

"Hindi talaga kami ni Justin!" panimula niya.

"Hah? Pero bakit lagi kayong naglalambingan sa harap namin lalong-lalo na kapag nandyan si Danna?"tanong ni Aquisha.

"Lahat ng iyon ay arte lamang! Hindi kami at hinding-hindi magiging kami!"sagot ni Claire.

"Pero bakit?"tanong naman ni Jenalyn sa kaniya.

"Gusto niya lang ipakita na naka-moved on na siya at totoo ang mga sinabi niya na hindi niya talaga minahal si Danna!"sagot niya.

"Kung ganun hindi talaga naging kayo? At arte lang lahat?" paninigurado ni Elvie.

"Oo ganun na nga!"sagot ni Claire.

"Ibig sabihin mahal pa talaga ni Justin si Danna?"tanong ko naman sa kaniya.

"Oo mahal niya pa talaga! I'm not into boys but I'm into girls! Gusto ko si Justin bilang kaibigan at hindi na sosobra pa roon! Nung sinagot ni Danna yung tanong ni Ace kanina, may binulong siya sa akin na ako lang ang nakakarinig!"sagot niya.

"Ano yung binulong niya?"tanong ulit ni Elvie.

"'Unti-unti na siyang nakaka-moved on,meaning unti-unti niya na rin nakakalimutan ang pagmamahal niya sa akin!' Yan yung binulong niya sa akin!"sagot ni Claire.

"Paano yun? Mahal pa nila yung isa't isa pero wala man lang gumawa ng first move!"reklamo ni Ronalyn.

"Yan din yung sabi ko sa kaniya!"sagot ni Claire.

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now