CHAPTER 53

21 7 0
                                    

Bea's POV

'Uwaaaah ngayon na yun!' masayang saad ko sa isip ko ng magising ako. Sinabi ko na rin kila Mama kahapon na gusto akong isama ni Danna papuntang Japan at pumayag naman siya basta daw mag-iingat kami at 'wag na 'wag maghihiwa-hiwalay. Tumayo na ako para maligo dahil susunduin nila kami around 8 a.m.6:30 a.m palang kaya may oras pa ako para gawin yung routine ko. Dinalian ko nalang ang pagkilos at tsaka ako bumaba. Nakasuot lang ako ng oversized t-shirt at pantalon. Sinuot ko narin yung sapatos na niregalo sa akin ni Ace.

"Oh! Anak! Magandang umaga! Kumain ka na!"bati sa akin ni Mama pagdating ko sa kusina. Inilagay ko muna yung isang malaking bag sa isang upuan at tsaka umupo.

"Ate hindi po ba talaga ako kasama?" tanong ni Kate sa akin.

"Hindi pwede eh, pero promise ni Ate bibilhan kita ng gusto mo!"sagot ko sa kanya. May ipon naman ako kaya yakang-yaka yan.

"Talaga Ate?"masayang tanong niya sa akin.

"Syempre naman!"sagot ko tsaka nagsimulang kumain. Pagkatapos namin ay tiningnan ko muna yung orasan namin at 7:00 a.m palang kaya pumunta muna ako sa sala at naghintay.

"Anak? Ito oh!"sambit ni Mama habang nakalahad sa akin ang kamay niya na may limang libong malulutong na pera.

"Ma! Wag na! Sa inyo na yan!"sagot ko sa kanya.

"Alam kong nag-iipon ka para sa pang college mo! Kaya ito nalang ang baunin mo!"saad ni Mama.

"Ma! Okay lang ho talaga! Itabi niyo nalang ho yan!"saad ko sa kay Mama.

"Sige! Hindi naman kita mapipilit eh!"sambit ni Mama at inilagay niya yung pera sa bulsa niya.

"Ma! Alam ko namang nag-iipon rin po kayo para sa kinabukasan namin ni Kate! At tsaka may ipon pa po ako kaya wag po kayong mag-alala!" nakangiting sambit ko tsaka niyakap si Mama.

"Ang bait-bait mo talaga anak! Manang-mana ka sa papa mo!"saad ni Mama na ikinagulat ko.

"Ma? Tungkol po pala kay Papa? Asan po ba talaga siya?"bigla kong tanong.

"H-hindi ko alam eh!"sagot ni Mama.

"Ma! Simula po nung bata ako hindi niyo pa po nasasabi sa akin yung pangalan ni Papa!"saad ko ulit.

"Gusto mo ba talagang malaman kung anong pangalan ng Papa mo?"tanong niya naman sa akin kaya tumango ako.

"Ang pangalan niya ay Jian N. Alonzo!" sagot niya.

"Jian?"tanong ko ulit sa kanya.

"Oo! Yun ang pangalan ng papa mo!" sagot ni Mama. Magtatanong pa sana ako pero biglang bumukas yung pintuan at pumasok si Danna at Ace.

"Good morning po Mrs. Alonzo/Tita!" sabay na bati nila kay Mama.

"Magandang umaga rin sa inyo!"bati naman ni Mama sa kanila.

"Para sa inyo po pala at kay Kate!" saad ni Danna kay Mama at binigay ang dalawang kahon na may balot.

"Ang aga naman ng pamasko namin pero salamat iha nag-abala ka pa!" natatawang sambit ni Mama.

"Welcome po! Para ko na rin po kayong pangalawang ina kaya ko Po kayo niregaluhan at Advance Merry Christmas po!"sagot ni Danna.

"Aalis na ba kayo?"tanong naman ni Mama.

"Opo!"sabay-sabay naming sagot.

"Oh, siya sige mag-iingat kayo ha? Ace wag kang hihiwalay sa anak ko!"saad ni Mama.

"Makakaasa po kayo Tita!"sagot ni Ace tsaka kinuha yung bag na dadalhin ko.

"Ma! Aalis na kami!"saad ko kay Mama tsaka hinalikan siya sa pisngi.

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now