CHAPTER 26

37 11 0
                                    

Ace's POV

I groaned when the sun hits my face. Umupo ako mula sa pagkakahiga tsaka tiningnan ko ang paligid ko, nagpunta yung tingin ko sa mga kaibigan ko na akala mo nasa sarili nilang bahay. Tatayo na sana ako ng may narinig akong nahulog.

*Blag*

Nang dahil sa ingay ay nagising sila France mula sa pagkakatulog. Tiningnan namin kung sino o ano yung nahulog at nakita namin si Mike na nasa sahig kaya agad kaming tumawa pero syempre hindi tumawa si Justin.

"Bahahahaha ginagawa mo Mike?" natatawang tanong ni Khalix habang si Mike naman ay hinahaplos yung ilong niyang tumama sa sahig.

"Hahahaha siguro magda-dive kana sa panaginip mo!"natatawang sambit naman ni Kyle.

"Tumahimik nga kayo! Nahulog na nga lang yung tao tatawanan niyo pa!"reklamo niya tsaka siya tumayo. Lalabas na sana kami sa kwarto pero biglang bumukas yung pinto. Bumungad sa amin si Danna na bihis na bihis.

"What the-bakit ba bigla-bigla mo nalang bubuksan yung pintuan?" angal ko.

"Psh! Just get ready baka(idiot)!" sambit niya tsaka umalis.

"Ano daw?"tanong nila sa akin.

"Malay ko! Tara na baka magalit pa sila!"sagot ko kaya nag-ayos na kami na as usual nanghiram ulit sila ng damit ko tsaka kami bumaba para kumain.

"Morning ma!"bati ko kay Mama tsaka umupo.

"Morning! Kumain na kayo dahil naghihintay na sila sa sala! May pupuntahan daw ata kayo!"sambit ni Mama kaya tumango nalang kami bilang sagot tsaka kumain. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa sala para tingnan sila Danna.

"Oh anak! Hindi mo sinabi na kayo na pala nitong si Bea!"nakangiting sabi ni Papa.

"Ah hehe nakalimutan ko Pa!"sagot ko naman.

"Tito kailangan na po naming umalis!"sabat ni Danna tsaka siya tumayo.

"Oh sige! Mag-iingat kayo!"sambit ni Papa kaya nagpaalam na kami sa kanila tsaka lumabas. Paglabas namin ay may naghihintay na van sa tapat ng bahay namin.

"Kanino yan?"tanong namin. Nasapo ko nalang yung noo ko ng maalala na may mga kotse pala sila Danna at mas mayaman pa pala sila kaysa sa amin.

"It's mine"sagot ni Danna na ikinagulat nila pero hindi nagulat sila Elvie na mukhang alam nila na kay Danna nga yan.

"Teka paano?"tanong na naman nila.

"Let's just go"sambit ni Danna tsaka niya inilagay yung headphones niya sa tenga niya at naunang naglakad sumunod naman sila Elvie kaya sumunod na rin kami. Nang makasakay kami ay pinaandar na ni manong Driver yung van.

"Ma'am Danna! Sigurado po ba kayong pupunta kayo sa sarili nyo pong bahay?"tanong nung driver kaya agad na tinanggal ni Danna yung headphones niya.

"Yes! And how many times do I have to tell you that don't call me ma'am Danna!"sagot ni Danna sa driver.

"Pasensya na po!"sambit ng driver.

"It's okay! Uncle Kurt and how is Nanay Ann?"saad naman ni Danna.

"Ayos lang po siya! Ayaw niya nga pong umalis doon eh baka daw po bumisita ulit kayo!"sagot ni Uncle Kurt.

"Is that so? How about the kids?" tanong ulit ni Danna. Hindi ko alam pero kahit na pinsan ko siya and dami ko paring hindi alam sa kanya.

"Hahaha ayun makukulit parin, inaalagan nga po nila yung mga alaga niyo eh"sagot ulit ni Uncle Kurt. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa bata.

"Mukhang hindi mo na ako naalala ah Ace!"sambit niya kaya nagulat ako.

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now