𝙰𝙲𝙴'𝚂 𝙿𝙾𝚅
Nandito kami nila Bea sa likod ng bahay ni Danna. Natatawa parin ako kila Justin na naka-suot ng butler suit.
"Ah bakit ba talaga kayo naka-suot ng ganyan?"tanong ni Bea. Sila Elvie naman ay kanina pa tawa ng tawa. So Danna at Jacob naman ay pumasok muna sa loob dahil may kukunin lang daw sila.
"Tanungin mo yang boyfriend mo!" inis na sambit ni Kyle kaya natawa nalang kami.
"Hahahaha bagay mo bro!" natatawang sabi ni Mike. Aangal pa sana si Kyle pero biglang dumating sila Danna na may dalang camera?.
"Pinsan anong gagawin mo dyan?" tanong ko sa kanya.
"Ibabato ko sa mukha mo ng malaman mo!"sagot niya naman na ikinatawa nila Bea.
"Ganda mong kausap!"singhal ko sa kanya.
"Wag kang mag-alala mas maganda ka!"saad niya ulit.
"I hate you!"saad ko naman.
"Thank you!"she said in sarcastic tone.
"Magpalit na kayo Kyle at Justin! Hindi na ata nila kinakaya yung pagtawa nila!"natatawang sambit ni Jacob.
"Yes!"saad ni Kyle at agad na pumasok kasunod ni Justin.Sumunod din naman sila Mike, Khalix at France sa kanila.
"Stand up you two love birds!"saad ni Danna kaya nagtaka kami.
"Huh bakit?"tanong ni Bea.
"Ipapatapon ko kayo!"sagot niya naman.
"Yung totoo kasi!"saad ko.
"Ano bang hawak ko?"tanong niya naman sa amin.
"Camera!"sabay naming sagot ni Bea.
"Oh! I will take a picture of the two of you!"sagot niya naman kaya tumango nalang kami at tumayo. Pumunta kami sa may magandang background.
"Okay! 1,2,3!"saad ni Danna kaya ngumiti kami habang naka-akbay ako kay Bea.
"Next!"saad ni Danna kaya humarap ako kay Bea na humarap din sa akin tsaka ko pinagdikit ang mga noo namin at ngumiti. Nakarinig kami ng pag-click ng camera at tili nila Elvie.
"Sana all hahahaha" sabay-sabay nilang sambit kaya napangisi naman si Danna.
"Just wait and you'll dream will come!"nakangising sambit ni Danna kasabay ng paglabas nila Mike.
"Okay they are here!"sambit ni Jacob habang nakangisi kaya napalingon sila Elvie kung saan kami nakatingin tsaka sila namula.
"Hahahahaha bro!"saad ni Mike at tsaka lumapit sa amin kasunod sila Kyle.
"Ahh anong nangyari sa kanila?" tanong ni France.
"Nakakita ng mga nilalang na hindi nila inaasahan!"sagot ko habang nakangisi.
"Just take a picture!"bored na sabi ni Danna kaya sumama silang lahat pero hindi si Danna dahil siya yung photographer namin. After a few more shots nag-kwentuhan lang kami habang nakaupo sa may bench hanggang sa may nag-istorbo sa amin.
"LIL' SIS"sigaw nila Ate Angel at Kuya Rico habang papalapit sa amin pero may nakasunod sa kanila.
"LIL' BRO!"sigaw ni Ate Faith?
"Ate Faith?"gulat na tanong ko sa kanya.
"The one and only Faith!"mayabang na sagot niya.
"Akala ko ba after 4 months ka uuwi?" tanong ko sa kanya.
"Tanungin mo nalang itong babaeng 'to!"naiiritang sambit ni Ate Faith na ikinakunot ng noo ko.
"Sino?"tanong ko sa kanya ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
YOU ARE READING
I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓
RomanceMay isang babae na nagngangalang Bea Jane Alonzo. She's a sweet beautiful girl, she have an angelic voice. Sya ay may lihim na pagtingin sa isang lalaking famous sa kanilang paaralan. Hindi alam ni Bea na may lihim din na pagtingin sa kanya ang lala...