CHAPTER 8

62 15 0
                                    

Ace's POV

Natapos din ang pang-umaga naming aralin. Pagkatapos naming mag-aral ay pumunta na kami sa canteen para manang-halian. Nasa labas na kami ng classroom at papunta na sa canteen ng biglang humiwalay sa amin si Danna kaya na napahinto kami.

"Danna saan ka pupunta?"tanong ni Bea.

"Susunduin ko lang si Jenalyn sa room niya,mauna na kayo sa canteen susunod ako"mahinahong sagot niya. Magpapatuloy na sana siyang maglakad ng sumigaw yung anim.

"SAMA KAMI DANNA!"sabay-sabay nilang sigaw kaya wala ng nagawa si Danna kundi senyasan nya yung anim na sumunod nalang. Kaya nauna nalang kami ni Bea sa canteen para mag-hanap ng pwesto. Nang makarating na kami sa canteen ay agad kaming nakahanap ng pwesto at umupo na kami ng magkaharap para naman makita ko ang napakaganda niyang mukha.Habang hinihintay namin sila Danna ay nagtanong si Bea sakin.

"Pwedeng magtanong Ace?"tanong niya na ikinagulat ko, tumango ako bilang sagot.

"Ano ni Danna si Jenalyn?" nagtatakang tanong niya sakin na kahit ako ay hindi ko alam kung ano niya ba talaga si Jenalyn.

"Actually hindi ko alam eh,hindi pala-kwento si Danna pagdating sa personal life niya"sagot ko sa tanong niya at tumango siya at muling nagsalita.

"Eh hindi ba lesbian si Danna?" nagtatakang tanong niya ulit.

"Hindi siya lesbian pero mahilig siya sa mga oversized t-shirt at panlalaking short"sagot ko ulit na nagpangiti sa kanya.

'ayan na naman ang ngiting yan eh,heart kumalma ka please'

"So hindi siya nagsusuot ng dress?" tanong niya ulit sakin, umiling lang ako at tumango-tango lang sya.

Naghintay pa kami ng ilang minuto ng marinig namin yung malakas na tawa ni Mike.

"Hahahahaha tapos alam mo ba nung nung bata si Ace binibihisan siya ng damit pambabae ni Ate Angel hahaha"kwento ni Mike sa kanila kaya natawa sila pero hindi natawa si Danna tsaka biglang nagsalita si Bea.

"Totoo ba yun?"natatawang tanong ni Bea.

'shit!bakit ba sa dinamidami ng pwedeng ikwento yun pa'

Uminit ang pisngi ko sa hiya. May naramdaman akong umupo sa tabi ko si Mike.

"Oh bakit ganyan mukha mo Ace?" natatawang tanong ni Mike.

"Tumigil ka Mike kung gusto mo pang mabuhay ng matagal"nakangiting sabi ko pero ibang ngiti. Nakakatakot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya kaya tumigil na siya sa kakatawa.

"Ah ano okay lang ba na makisabay sa atin ni Khalix?"tanong ni Jenalyn habang nakaupo sa tabi ni Danna.

"Oo ayos lang haha,"sagot naman ni Elvie na sinang-ayunan nila Aquisha at Ronalyn.

"Oh thank you for letting me join" nakangiting sabi nitong Khalix na'to. Sinulyapan ako sila Mike na ansama ng tingin kay Khalix na nakaupo sa gitna nila Jenalyn at Ronalyn. Sinulyapan ko naman si Danna na nagpa-ikot ng mga mata.

"Tara na kain na tayo"masayang sambit ni Aquisha at sinumalan na naming kumain. Pagkatapos naming kumain nagstay muna kami dahil 12:20 pm palang naman maaga kaming pinalabas kanina kaya maaga pa para bumalik sa mga room namin. Nang biglang nagsalita si Ronalyn.

"Khalix ano palang buong pangalan mo?"tanong ni Ronalyn.Sinulyapan ko ulit si Mike na ansama ulit ng tingin kay Khalix.

'pfft,mukhang maagawan si Mike ah'

"I'm Khalix Sandoval, kaklase ako ni Jenalyn Bicarme"nakangiting sagot ni Khalix.

"Oh, I'm Ronalyn C. Dela Cruz" nakangiting sabi ni Ronalyn tsaka sumunod si Aquisha.

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now