CHAPTER 48

19 8 0
                                    

𝙱𝙴𝙰'𝚂 𝙿𝙾𝚅

Kakarating lang namin dito sa school at medyo napa-aga kami dahil 6:45 palang ng umaga pero okay lang dahil maaga din naman sila Mike. Naghihintay sila sa harap ng gate kaya agad kaming lumapit sa kanila.

"Morning guys!"sabay-sabay naming bati sa isa't isa kaya napatawa kami.

"Teka? Asan yung tatlo?" tanong ni Elvie.

"Sinong tatlo?"tanong ni Aquisha sa kanya.

"Si Ace,Danna at Kevin!"sagot ni Ronalyn.

"Late ba sila?"tanong ko kila Mike.

"Ewan! Wala namang sinabi si Ace na malelate sila eh!" sagot ni France. Naghintay pa kami ng limang minuto bago namin maaninag yung motor nila Danna. Hinintay namin sila hanggang sa makababa sila at pumunta sa amin. Kumunot ang noo ko ng makita na may bandage yung noo niya at may-gasa siya sa makabilang kamay niya. Hanggang sa makalapit sila ay nanlaki na ang mga mata ko ng makitang may pass si Danna sa gilid ng labi niya.

"Danna? Anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.

"Nothing!"sagot niya lang kaya tumingin ako kay Ace.

"Ah,eh, ano! Wag natin dito pag-usapan please!"saad niya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Woah! Hahahahaha!"biglang sambit naman nila Mike kaya napatingin kami sa kanila, may tinitingnan sila kaya sinundan namin kung ano ang tinitingnan nila, sila DANNA AT JUSTIN? Si Justin ay nakayakap kay Danna.

"Hey! What happened babyboo?" tanong ni Justin.

"I will tell you later!"sagot niya tsaka hinawakan yung kamay ni Justin at umalis.

"Ah! Ganun na yun? Pagkatapos maglambingan dito sa harap natin saka nila tayo iiwan?"angal ni Mike kaya binatukan siya ni Ronalyn.

"Boploks! Alam mo naman na kapag mag-kasama yung dalawang yun! May sarili silang mundo! Tanga mo talaga!"sabat ni Ronalyn.

"Manahimik ka ngang pandak ka!"singhal ni Mike na nagpatawa sa amin.

"Ansabi mo?"galit na tanong ni Ronalyn.

"A-ano! Wala!"sagot ni Mike tsaka nagsimulang tumakbo na hinabol naman ni Ronalyn.

"Hahahaha! Kailan kaya sila aamin na gusto nila ang isa't isa?"tanong ko sa kanila.

"Hindi pa natin alam!"sagot naman nila. Tiningnan ko si Kevin na busy sa cellphone niya.

"Oy! Kevin!"tawag sa kanya ni Khalix.

"Hmm? Why?"tanong niya naman.

"Nagtataka lang ako! Bakit lagi mong tiningnan si anna?"tanong ni Khalix na nagpagulat kay Kevin.

"What do you mean?"tanong ni Kevin sa kanya.

"Napansin ko din yan kahapon! Oo alam naming kilala mo na talaga si Danna pero yung lagi mo siyang tiningnan? Tsaka ka ngingiti iba na eh!"sagot ko naman sa tanong niya.

"Oh that? That's n-nothing!" sagot niya tsaka umalis.

"So, napansin niyo rin yun kahapon?" tanong ko sa kanila.

"Oo! Kapag nga titingin siya kay Donna bigla siyang mamumula!"sagot ni Jenalyn.

"Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" biglang tanong ni Kyle.

"Hindi!"sabay-sabay naming sagot.

"Aish! May hula ako na may gusto si Kevin kay Danna!"naiinis na sambit niya.

"Hindi naman masama na magkagusto si Kevin kay Danna pero ang masama alam ni Kevin na boyfriend ni Danna si Justin!"saad ni Aquisha tsaka kami nagsimulang maglakad papunta sa room.

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now