CHAPTER 46

21 7 0
                                    

𝙰𝙲𝙴'𝚂 𝙿𝙾𝚅

Dumating ako sa bahay na masaya pero agad ding nawala yung saya ko ng makita ko kung sino ang bumungad sa akin,walang iba kundi si Grace. Makita o marinig ko lang siya kumukulo na agad yung dugo ko.

"Damon! Welcome home!"bati niya sa akin.

"Don't call me on my first name! We're not that close!"naiiritang sagot ko sa kanya.

"But why she's allowed to call you in your first name and second name?" malungkot na tanong niya.

"Who?"naka-kunot noong tanong ko sa kanya.

"That Bea bitch!"galit na sagot niya na mas lalong nagpakulo ng dugo ko kaya lumapit ako sa kanya.

"Don't you dare to call my girlfriend a bitch again if you don't want me to hurt you!"banta ko sa kanya.

"Ano bang nagustuhan mo sa kanya? Mas maganda naman ako sa kanya! May mayaman ako sa kanya! At Ang pangit-pangit niya"galit na sambit niya.

"Hindi ka maganda dahil kolorete lang ang nagdadala diyan sa mukha mo at wala akong pake kung mayaman ka!"galit na singhal ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng dumating si Mama.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Mama sa amin kaya lumayo ako dito sa pesteng ito at siya naman ay pumunta kay Mama at niyakap siya.

"T-tita Dyan h-he want to hurt me and he even tell me that I'm ugly!"umiiyak sabi niya kay Mama. 'What a f*cking liar' saad ko sa isip ko.

"Anak! Totoo ba yun? Gusto mo siyang saktan?"tanong ni Mama sa akin.

"Maniniwala talaga kayo sa babaeng yan? She call my girlfriend a bitch! She even call my girlfriend ugly!" naiinis na sagot ko.

"It's not true!"sabat ni Grace.

"Pwede ba manahimik ka na lang! Ang galing mo ring um-acting 'no? Napakasinungaling mo na nga,uma-acting ka pa na ikaw yung talo!"galit na saad ko sa kanya kaya nakatanggap ako isang sampal kay Mama.

"Hindi kita pinalaking ganyan Ace! Wag na wag mo siyang kakausapin ng ganyan!"galit na sambit ni Mama.

"Bakit Ma? Nakita niyo ba kung ano ang nangyari? Narinig niyo ba kung ano ang pinag-sasabi niyan sa girlfriend ko? Di ba hindi Ma?"tanong ko kay Mama tsaka agad-agad akong pumasok sa kwarto ko at ini-lock at agad akong humiga sa kama. Kinuha ko yung cellphone ko at tsaka tinawagan si pinsan na agad niya namang sinagot.

"Why?"bungad niya.

"P-pwede mo ba akong sunduin dito sa bahay?"tanong ko naman sa kanya.

"Sure! I'm on my way!"sagot niya sa kabilang linya.

"Huh? Bakit ang dali mo naman at tsaka anong gamit mo?"tanong ko sa kanya.

"I will just drop Jacob in my sister's house and I'm using my car!"sagot niya tsaka niya ako binabaan.

"Wow! Just wow! May boyfriend na nga hindi parin nagbabago!"singhal ko tsaka nagbihis ng pambahay. Mananatili muna ako sa bahay-i mean mansion ng mga ilang linggo. Pagkatapos kong maglagay ng mga ilang damit ko sa bag ko ay umupo ako sa may office chair ko at kinuha ko ang cellphone ko tsaka ko tiningnan yung group chat naming magkakaibigan.

On chat

Mike:
Woi may nagpapa-add!

Everyone(except Danna):
Sino?

Mike:
Si Kevin

Justin:
Ano naman ang rason niya para magpa-add dito?

Ronalyn:
Hoy! Mikropono manahimik ka kahit ngayon lang! Ang ingay-ingay mo na nga sa personal pati ba naman dito sa GC maingay ka!

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now