CHAPTER 9

59 15 0
                                    

Bea's POV

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko kaya tiningnan ko at tsaka pinatay ko yung alarm ko, ipipikit ko na sana ulit ang mga mata ko ng may nag-text sa'kin kaya tiningnan ko kung sino tsaka ko nakita yung pangalan nila Elvie sa screen ng phone ko. Ilang minuto pa ang nakalipas ay tumunog ulit yung phone ko pero sa pagkakataong ito ay hindi na text ang bumungad sa akin dahil pangalan na ni Danna habang tumatawag.

Danna is calling

Agad ko namang sinagot yung tawag niya.

"Hello?"bungad ko.

[Are you ready to go?]tanong niya sa kabilang linya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya at narinig ko siyang bumuntong hininga.

[Don't tell me you forgot about our bonding today?]tanong niya na ikinagulat ko at tumingin sa kalendaryo na nakasabit sa pader.

"Shit!sorry nakalimutan ko"sagot ko sa kanya, bumuntong hininga ulit siya.

"It's ok, be ready we will pick you up any minutes now"sambit niya sa kabilang linya at binabaan niya na ako. Dali-dali akong kumilos.

'Bakit ko ba kasi nakalimutan yun'

Pagtabos kong gawin ang routine ko sa lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Simple lang Ang suot ko nakapantalon ng maong at oversized t-shirt na kulay green at nakatack-in, nakasuot lang ako ng Nike na sapatos na kulay itim.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si mama na nagka-kape.

"Morning ma"bati ko sa kanya at nagtimpla rin ako ng kape at kumuha ng tinapay.

"Morning anak,bihis na bihis ka,saan ang punta?"tanong ni mama.

'shit!hindi ko pala nasabi kay mama na may bonding kami!'

"Ah ma,pwede po ba akong sumama kila Elvie may bonding po kasi kami kasama po namin yung mga bago naming kaibigan please"sagot ko kay mama na bumuntong hininga.

"Ano pa bang magagawa ko eh nakabihis ka na"Sabi naman ni mama na ikinatuwa ko.

'Yes pinayagan ako ni mama'

"Basta itext mo ako o tawagan kapag nakarating na kayo sa pupuntahan niyo ok?"paalala ni mama na tinanguan ko lang.

Ilang minuto ang nakalipas, nakarinig kami ng ilang katok kaya pinuntahan ko agad habang nakasunod naman si Mama. Pagkabukas ko, bumungad sakin si Danna na nakapantalon ng maong at oversized t-shirt na kulay itim at nakatack-in sa harapan. Sa tabi niya ay si Ace na naka-maong na pantalon at naka polo, ganun din kila Mike. Kila Jenalyn ay naka-maong din sila at naka off shoulder na blouse.

"G-good morning B-bea and Mrs. Alonzo"bati ni Ace.

"Omo!!ikaw ba si Ace?"tanong ni mama kay Ace,

'eto na naman tayo sa pagiging madaldal niya'

"Ah opo ako po si Ace"nakangiting sagot ni Ace na ikinatuwa na mama.

"Abay! Ang gwapo mo namang bata bagay na bagay kayo ni Bea" nanunuksong sambit ni Mama na ikinapula naming dalawa.

"Mama naman!"angal ko na ikinatawa niya lang.

"Oh siya sige!alis na kayo"sambit ni mama. Tignan mo 'tong si mama pagkatapos manukso papalayasin na agad kami. Kaya lumabas na ako pero bago pa kami maglakad ay may sinabi ulit si mama.

"Oh alagaan niyo at ingatan niyo ang isa't isa, wag na wag kayong maghihiwa-hiwalay"paalala ni mama sa amin na agad namang sinagot ni Danna.

"Makakaasa po kayo Mrs.Alonzo" magalang na sagot ni Danna.

"Omo! Ang ganda mo namang bata,anong pangalan mo iha?"tanong ni mama na ikinagulat ni Danna.

'ma seriously?'

"Ako po si Danna P. Garcia, pinsan po ako ni Damon"magalang na sagot ni Danna.

"Damon?"nagtatakang tanong ni Mama.

"Damon Ace G. Bautista po"sagot ulit ni Danna na tinanguan ni Mama.

"Ok sige, larga na at mag-iingat kayo"paalala ulit ni mama na tinanguan namin at tsaka kami nag-umpisang maglakad papunta sa paradahan. Pagkarating namin duon ay sumakay na kami papuntang bayan at tsaka bumaba.

"Saan pala tayo pupunta?"tanong namin nila Elvie sa kanila.

"Oo nga 'no hahaha"natatawang sabat ni Jenalyn na katabi ni Khalix.

"Sa SM,dun tayo pupunta"masayang sambit ni Mike na sinang-ayunan nila France,Kyle at Khalix.

"Ano game?"tanong ni Kyle sa amin.

"Pero hindi kami masyadong nagdala ng maraming pera"sagot ko na sinang-ayunan nila Jenalyn,kasama na sila Elvie.

"Oo nga naman"angal ni Jenalyn.

"Don't worry Jenalyn,I will treat you"nakangiting sambit ni Khalix sabay akbay kay Jenalyn.

"Really?"masayang tanong ni Jenalyn na tinanguan ni Khalix.

"I will treat you too Elvie"sambit ni France na agad na sinagot ni Elvie ng 'ok'.

"Hoy pandak ako ang manlilibre sayo,kawawa ka naman baka hindi ka pa makasama"pang-aasar ni Mike kay Ronalyn.

"Ayos na sana eh kaso may pang-aasar ka pa"angal ni Ronalyn.

"Ayaw mo di wag mo,ako na nga lang nagmamagandang loob, aangal ka pa"sambit ulit ni Mike.

"H-hoy depungal tumanggi ba ako huh? Siguraduhin mo lang na ililibre mo ako kung hindi"sabat ni Ronalyn na halatang naiirita na.

"Kung hindi ano?"pang-hahamon ni Mike kay Ronalyn.

"Sasapakin kita sa mukha"mayabang na sagot ni Ronalyn.

'Hehe ang cute nilang mag-away'

"Oo na basta wag mo lang sapakin ang napakagwapo kong mukha" pagmamayabang ni Mike kaya ayun nakakuha ng tig-iisang batok kaya na tumawa kami.

"Ang hangin mo Mike,by the way I will be the one who will treat you Aquisha"nakangiting sambit naman ni Kyle na ikinapula ni Aquisha na ikinatawa naman namin nila Jenalyn.

'hahaha halatang may gusto'

"O-ok"simpleng sagot ni Aquisha habang namumula.

"Ah Bea ako na yung manlilibre sayo"nahihiyang sambit ni Ace kaya napalingon ako sa kanya.

"Sigurado ka dyan?"paninigurado ko.

"Oo sigurado ako"nakangiting sagot niya kaya tumango nalang ako. At naghanap na kami ng trysicle papunta sa SM. Dalawang trysicle ang kailangan dahil hindi kami kakasya sa isa. Mga isang oras bago kami nakarating sa SM. Pagkababa naming lahat ay napatingin kami kila Danna at Justin na kanina pa tahimik.

"What?"sabay nilang sabi kaya nagkatinginan silang dalawa bago sila nag-iwas ng tingin.

"Hahaha Justin hindi mo ba ililibre si Danna?"natatawang tanong ni Mike kaya binatukan ulit siya nila Ace.
Bumuntong hininga lang silang dalawa.

"It's okay! I don't want to waste his money and I have my own money" sagot ni Danna na naunang pumasok sa SM. Narinig ulit naming bumuntong hininga si Justin.

"Even through that I want to treat her I can't 'cause I know that she will refuse it"sagot naman ni Justin na sumunod ng pumasok sa SM at nagkatinginan kaming lahat.

"What happened to them?"tanong ni Khalix na tinawanan lang nila Ace.

"Hahahaha may namumuong pag-ibig"sabay-sabay nilang sabi habang tumatawa.

"Hoy tumigil nga kayo! Sumunod nalang tayo baka magalit psilang dalawa"saway ni Aquisha kila Ace kaya tumigil nalang sila at sumunod na rin kami pumasok at nakita namin sila Danna at Justin na naghihintay.

"Same vibes ah"bulong naming lahat at lumapit na kami kila Danna.

'This will be fun'

To be continued

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now