CHAPTER 13

51 13 0
                                    

Ace's POV

Nandito na ako ngayon sa bahay. Nag-half day lang kami dahil wala rin naman kaming ginagawa sa school. Hinatid namin sila Bea sa bahay nila tsaka ako kinausap ng mama niya. Sinabi ko rin sa mama niya na liligawan ko ang panganay niyang anak at ipinangako kong hindi ko siya sasaktan. Pumayag naman si Tita tsaka ako umuwi sa bahay. Iniisip ko parin yung mga sinabi nila Danna at Justin.

'Just make sure that you won't hurt her or else'
'or I will forget that he's my cousin and I will beat the out of him'
'if you hurt her,I won't hesitate to hurt you too and I will forget that your my best friend'

Nagpa-ulit ulit sa isip ko yung sinabi nila Justin, naisip ko siguro may gusto siya kay Bea pero imposible yun. Alam kong kaibigan na ni Danna si Bea pero natatakot parin ako sa kanya dahil hindi ko maipapangakong hindi ko masasaktan si Bea.

'Komprontahin ko kaya siya. Tama, kokomprontahin ko siya'

Agad kong hinahanap ang cellphone ko at tiningnan ko kung open si Justin,sakto namang naka-online siya kaya agad ko siyang chinat.

Private message

Ace:
Justin

Justin:
oh?

Ace:
may gusto lang akong itanong sayo

Justin:
ano?

Ace:
tungkol kanina

Justin:
anong meron?

Ace:
uhmm gusto ko lang sana malaman kung bakit mo sinabi yung mga yun

Justin:
sinabi ko yun dahil kaibigan ko na rin siya, sa tatlong buwan nating magkakasama naging kaibigan ko na rin sila. Wag mong ispin na may gusto ako sa kanya dahil alam ko ang limit ko at hindi rin naman siya yung tipo kong babae. Isa pa hindi ko siya gusto o crush dahil may iba akong gusto.

'dahil may iba akong gusto'
'dahil may iba akong gusto'
'dahil may iba akong gusto'

Oh my god,may gusto siya. Umamin din ang silent type.

Back to conversation

Ace:
hindi mo gusto si Bea dahil may iba kang gusto? Sino naman itong babaeng ito?
Seen
Justin is offline

'hahahaha sasabihin ko nga ito kila Kyle bukas, sigurado akong matatawa sila,hahahah nadulas si Justin haha'

Nakakainis lang dahil sineen niya lang.

'Tawagan ko kaya sila Kyle?'

Bago ko pa matawagan sila Mike ay nagring yung cellphone ko.

Torpeng Mike is calling

Saktong-sakto ang dating ah. Agad kong sinagot yung tawag ni Mike.

"Bro"bungad niya sa akin.

[Oh problema mo?]tanong ko sa kanya.

"Hahaha pupunta kami dyan kasama sila misis mo"sagot niya habang tumawatawa na ikinapula ko.

"H-hoy anong misis hindi pa nga ako sinasagot ni Bea"singhal ko sa kanya.

]Hahahah malapit na kami sa bahay niyo hahaha, tawagin mo din daw yung pinsan mo, hinahanap ni Justin] sabi ni Mike sa kabilang linya tsaka ako binabaan.

'shit pupunta dito si Bea'

Dali-dali akong nagpalit ng maayos na damit at tinext ko si Danna na pumunta dito sa bahay tsaka ako lumabas sa bahay.

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now