Ace's POV
Nandito na kami sa bahay namin. As usual tahimik parin si Mike, hindi niya nga kami kinakausap eh. Buti nga walang nangyari sa kanya kaninang papunta kami dito dahil nakatulala siya habang nagmamaneho.
Pinahiraman ko sila ng damit ko pero hindi si Justin dahil lagi siyang may dalang extra t-shirt at shorts. Pumunta na kami sa kwarto ko ng matapos kaming kumain. Umupo kami sa kama ko ng magkakaharap tsaka kami nag-usap.
"So tell me Mike! Are you really inlove with her?"tanong ni Justin kay Mike na as usual nakatulala na naman kaya tinapik ko yung balikat niya na ikinagulat niya.
"Huh?"tanong niya sa akin. Umiling-iling ako dahil hindi kami sanay na tahimik siya at hindi nakikinig sa amin.
"Tinatanong ka ni Justin!"sambit ko sa kanya.
"Ano yun?"tanong niya kay Justin.
"Bro! Wag ka ngang ganyan katahimik hindi kami sanay!"saad ni France tsaka niya pabirong sinuntok si Mike.
"Kaya nga Mike! Hindi kami sanay na hindi kayo nag-aaway ni Ronalyn!" sang-ayon ni Kyle.
"Kaya sabihin mo na sa amin yung totoo kung bakit bigla ka nalang natahimik at hindi na umimik pa matapos yun!"sambit naman ni Khalix.
"Now tell us! Do you really love her or not?"seryosong tanong ni Justin kay Mike.
'Aish bakit ba kung magtanong 'tong Justin na 'to parang si pinsan tuloy yung kasama'
"I-i y-yes, I really love her!"sagot ni Mike sa tanong ni Justin.
"Kung ganun! Bakit mo sinabi ang bagay na yun? Mukhang nasaktan siya-ay mali pala! Nasaktan siya sa sinabi mo!"sabat ko pero yumuko lang siya at parang ayaw niyang tumingin sa mga mata namin.
"M-masisi niyo ba ako na nagseselos ako dahil sa nalaman kong may gusto siyang iba! Masisi niyo ba ako na yung taong mahal ko ay may minamahal na iba?! Sinabi ko yun para itago yung sakit na nararamdaman ko! Ginawa ko yun para ipakita na hindi ako nasasaktan kahit na deep inside sobrang nasasaktan na ako sa nalaman ko! Paano pa kaya kung alam ko na kung sino yun!"mahabang saad niya tsaka siya umiyak. Hindi talaga kami sanay kapag ganito si Mike.
"Don't jump to conclusion Mike! Just wait and see what will happen! Just don't jump into conclusion"sabi ni Justin kaya napatingin kami sa kanya.
"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ni Mike.
"I don't know! But let me tell you this! If the girl you love is inlove to whoever he is, don't jump into conclusion 'cause there's a time that, that girl is secretly inlove with you and not with other guy!"paliwanag ni Justin.
"Tama si Justin bro! Wag mong iisipin na inlove siya sa iba!"sabi ko kay Mike.
"Hindi lahat ng conclusion mo ay magiging tama, karamihan dito ay mali!"sambit naman ni France.
"Kaya bro!wag mong isipin ang bagay na yun!"sang-ayon ni Khalix.
"Ano naman kung makita ka niyang masaktan? Bro alam mong lahat ng tao ay nasasaktan!"saad naman ni Kyle.
"Salamat mga bro! The best talaga kayo!"nakangiting sambit ni Mike.
"Hayst! Ano ng plano mo?"tanong ko ulit sa kanya.
"Hindi ko alam! Natatakot ako na baka hindi na niya ako pansinin pa!"sagot niya.
"Hahahahahaha! Bro alam mo ang mga babae madali lang magpatawad yan. Simpleng sorry mo lang ok na basta ba hindi malala yung kasalanan mo sa kanya!"natatawang sambit ni Khalix.
"Kaya humingi ka ng tawad sa kanya!"sang-ayon ni Kyle.
"Paano naman?"tanong niya ulit.
"Simple lang! Aminin mo yung nararamdaman mo sa kanya!"sagot ko sa tanong niya.
YOU ARE READING
I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓
RomanceMay isang babae na nagngangalang Bea Jane Alonzo. She's a sweet beautiful girl, she have an angelic voice. Sya ay may lihim na pagtingin sa isang lalaking famous sa kanilang paaralan. Hindi alam ni Bea na may lihim din na pagtingin sa kanya ang lala...