Bea's POV
Nagising ako ng maaga kaya naisipan kong magluto ng umagahan namin para naman mabawasan ang gawain ni mama. Pumunta na ako sa kusina at sinimulan ko nang ihanda ang mga kakailanganin ko. Habang may ginagawa ako ay kumakanta ako, paborito ko ang kumanta pero nahihiya lang akong ipakita sa ibang tao.
Baby take my hand
I want you to be husband
'Cause your iron man
And I love you 3000Baby take a chance
'Cause I want this to be something
Straight out of a Hollywood movieAng ganda nung kanta saktong sakto sa nararamdaman ko at tsaka isa pa ito yung pinaka-paborito kong kanta.
"Oh anak ang aga mo namang nagising?"tanong ni mama nakakagising lang.
"Ahahha Kaya nga ma ehh haha" natatawa kong sagot sa kanya.
"Ikaw talaga! Alam kong may inspirasyon ka at si Ace yun" nanunuksong sambit ni mama kaya naramdaman kong uminit ang pisngi ko.
"Mama naman"angal ko pero tumawa lang si mama.
"Oh sya sige na,maligo ka na at ako na magtutuloy niyan"Sabi ni mama Jaya tumango nalang ako bilang sagot at pumunta sa banyo.
Ginawa ko yung palagi kong ginagawa tuwing umaga. Pagkatapos kong gawin ang routine ko at nagbihis ay pumunta na ako sa kwarto ni Kate para gisingin siya.
"Kate gising na"saad ko habang niyuyugyog siya. Unti unti niyang minulat ang mga mata niya at tiningnan ako.
"Sige ate susunod na ako"sagot niya at umupo sa kamay niya Kaya lumabas na ako para kumain. Pagkarating ko sa kusina,hinahain na ni mama yung mga niluto niya.
"Nagising mo na ba si Kate?"tanong sakin ni mama, sinagot ko agad yung tanong ni Mama at nagsimula na akong kumain habang hinintay si Kate. Patapos na akong kumain ng lumabas si Kate sa banyo at pumunta sa tabi ko at kumain.
Tapos na akong kumain kaya lumabas na ako at hinintay nalang sila Elvie at si Kate kaya naisipan kong buksan yung account ko sa Facebook.
Pagkabukas ko ay maraming nag-add friend sakin, isa doon si Ace.
"Oh my god nag-add siya sakin"bulong ko sa sarili ko kaya ina-accept ko agad pati narin yung mga kaibigan niya at si Donna. Habang nag-sscroll ako may nag-pop na message,laking gulat ko na si Ace yung nagchat.
Private message
Ace:uhmm hi Bea :)
'oh my god,self kalma lang,kalma'
Bea: uhh hi din Ace
'shit kinakabahan ako,my god'
Ace:ah ano..papasok ka na ba sa school?
'tinananong niya kung papasok na ako,self kumalma ka lang,simpleng tanong lang yan kaya kumalma ka'
Bea:oo hinihintay ko nalang sila Elvie at yung kapatid ko.
Ace:ok ingat ka papunta sa school,bye kitakits nalang
Bea:ok bye ingat ka din
Ace:ok bye
Sineen ko nalang yung chat niya tsaka ako nag-offline at ibinulsa ko na yung cellphone ko. Sakto namang pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko sila Ronalyn.
'shit nakita kaya nila yung ngiti ko'
"Anong nginingiti mo Bea,may ka-chat ka 'no"nanunuksong sambit ni Aquisha na sinundan ni Elvie.
"Kaya nga,iba yung ngiti eh"sang-ayon ni Elvie.
"Si Ace yan 'no"sabat naman ni Ronalyn kaya naramdaman kong pumula yung pisngi ko.
"A-ano h-hindi ah"pag-tatanggi ko sa kanila.
"Sus deny pa,utot mo Bea hindi mo kami maloloko 'no"Sabi ni Ronalyn.
"Hoy linya yan ni Mike di ba?"
nagtatakang tanong ni Elvie."Oo nga linya yun ni Mike"sabay naming sabi ni Aquisha at tumawa. Si Ronalyn? Ayun namumula na parang kamatis.
"Ate tara na"sabi ni Kate na nasa tabi ko na at hinihila ako.Kaya pumunta na kami sa service namin at pumunta sa school.
Pag-dating namin sa school ay saktong kakarating lang din nila Danna tsaka sila bumaba sa mga motor nila. Si Danna kasama niya ulit si Jenalyn na katabi ni Danna at pumunta na sila sa gawi namin.
"Bea! Aquisha! Elvie! Ronalyn!" sigaw ni Jenalyn.
'Ang cute niya'
Pero sa di inaasahang pang-yayari may nabangga siyang lalaki na mas matangkad ng kaunti kila Ace kaya agad kaming pumunta sa gawi nila,si Danna naman ay tinulungan agad si Jenalyn at sinamaan ng tingin yung lalaking nabangga ni Jenalyn.
"Jena!ayos ka lang?"nag-aalalang tanong ni Donna na parang tinitingnan kung may galos si Jenalyn.
"Ah ano ayos lang ako!"agad na sagot ni Jenalyn, tumango lang si Danna at tumingin sa harapan nila kaya napatingin din kami katabi ko pala yung lalaki. May naramdaman akong humila sakin papalayo sa lalaki, tiningnan ko kung Sino, si Ace.
"Wag kang tatabi sa ibang lalaki" mahinahong bulong niya sakin kaya tapatango nalang ako.
"Are you going to say sorry to her or not?"naiiritang tanong ni Danna sa lalaki na nakatingin lang kay Jenalyn na pumunta agad ni Danna sa likod niya.
"Ah i-im sorry miss"sagot nung lalaki tsaka yumuko.
"Your new here right?"tanong ni Donna.
"Ah yes, I'm sorry again I didn't see your friend because I'm in hurry" nakayukong sambit nung lalaki, bumuntong hininga lang si Danna.
"Next time, look we're you were running so you won't bump into someone" mahinahong sabi ni Danna at hinakan ang kamay ni Jenalyn at nauna na silang nag-lakad pero bago pa sila makalayo may sinigaw si Jenalyn.
"SORRY DIN PO KUYA" sigaw ni Jenalyn at tuluyan na silang umalis kaya sumunod nalang kami. Habang naglalakad kami sa papunta sa room namin biglang nag-salita si Ace sa tabi ko.
"Ah ano sorry sa paghila ko sayo kanina"nahihiyang saad niya sa akin.
"Ayos lang Yun"nakangiting sagot ko,nakita ko ulit siyang namula.
"Ayoko lang naman na may tumatabi sayong ibang lalaki"he mumbled.
"May sinasabi ka?"tanong ko sa kanya nung nasa harap na kami ng pintuan.
"Wala,wala akong sinasabi!"sagot niya kaya ngumiti nalang ako at pumasok. Nasa likod ko na parang may sinasabi pa pero hindi ko naintindihan. Kaya isinawalang bahala ko nalang. At nagsimula na kami mag-aral.
'what a torture heheh'
To be continued
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
YOU ARE READING
I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓
Roman d'amourMay isang babae na nagngangalang Bea Jane Alonzo. She's a sweet beautiful girl, she have an angelic voice. Sya ay may lihim na pagtingin sa isang lalaking famous sa kanilang paaralan. Hindi alam ni Bea na may lihim din na pagtingin sa kanya ang lala...