CHAPTER 6

65 13 0
                                    

Ace's POV

Nandito ako ngayon sa bahay, kakauwi ko lang. Tiningnan ko yung bahay nila si pinsan na katabi lang ng bahay namin. Nandun na yung motor niya.

"Siguro nasa loob na yun o nasa likod ng bahay nila, hayst puntahan ko na lang siya mamaya"bulong ko sa sarili ko at pumasok na ako sa bahay.

"Ma,Pa nandito na po ako!"sigaw ko sa kanila.

"Oh anak,musta ang school?"tanong ni papa na nakaupo sa sofa.

"Ayos lang 'Pa pero introduction lang kami kanina"sagot ko sa tanong ni Papa at umupo sa tabi niya.

"Eh pano yung babaeng matagal mo ng gusto?Kamusta siya?kayo na ba?umamin ka na ba?"sunod-sunod na tanong ni mama kaya naramdaman ko na uminit yung pisngi ko at napatingin kay mama.

"Ma naman! Hindi pa po ako umaamin sa kanya medyo natotorpe pa po kasi ako at ayos lang po siya tsaka kaklase ko siya Ma"sagot ko sa kanya na ikinatuwa nila Mama at Papa.

"Ayos yan kung magkaklase kayong dalawa, eh yung mga best friend mo umamin na din ba?"sabat naman ni papa.

"Hindi rin Pa hahaha lahat ata kami ay puro torpe ehh haha"sagot ko kay papa na sinabayan ko ng tawa.

"Eh yung tahimik mong Best friend si Justin ba yun?"tanong ulit ni mama sa akin.

"Oo ma si Justin yun,bakit niyo sya naitanong ma?"nagtataka kong sagot kay mama.

"Gusto lang naming malaman kung may nagugustuhan rin ba sya"sagot naman ulit ni mama.

"Actually Ma! Hindi namin alam kung may nagugustuhan ba sya"sagot ko sa kanila.

"Oh siya sige,magbihis ka na sa kwarto mo"sambit ni papa na tinanguan ko lang at pumunta na ako sa kwarto para magbihis. Pagkatapos kong magbihis tumunog yung cellphone ko.

Torpeng Mike is calling...

Agad kong sinagot ang tawag.

"Oh bakit Mike?"bungad ko sa kanya.

"Punta kami dyan sa bahay niyo ngayon"sagot niya sa kabilang linya.

"Bakit naman?"nagtataka kong tanong sa kanya.

"Matutulog kami dyan hahaha"sagot niya ulit.

"Hoy hindi pwed-"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng babaan niya ako. Tingnan mo talaga 'tong kumag na 'to binabaan ako. Bago ako lumabas tinawagan ko muna si Danna na agad niyang sinagot.

"Oh?"bungad niya sakin.

'Wow ito talaga bungad niya psh'.

"Punta ka dito sa bahay ngayon"sagot ko kahit na naiinis na ako.

"Bakit?"tanong niya ulit sa kabilang linya.

"Pumunta ka nalang"sagot ko ulit sa tanong niya.

"Ge"yun lang at binaba niya na.Tingnan mo talaga 'tong babaeng 'to. Lumabas na ako sa kwarto at pumunta kay mama na nasa kusina.

"Ma"tawag ko sa kay mama na nagluluto.

"Oh bakit anak? May problema ba?"tanong ni mama sa akin.

"Walang problema ma pero pupunta daw dito yung mga kaibigan ko at si Donna para mag-sleep over"sagot ko kay mama na ngumiti sa akin.

"Ok sige hintayin mo nalang sila sa sala"uto ni mama kaya pumunta na ako sa sala, uupo na sana ako nang may narinig akong kumatok kaya agad akong nagtungo sa may pintuan at binuksan ito. Bumungad sa akin ang apat kong mga kaibigan.

"Oy pareng Ace salamat sa imbita"saad ni France na nakangiti.

"Anong imbita?! Hindi ko kayo inimbita? Sabi ni Mike pupunta kayo dito"angal ko.

"Ganun na rin yun Ace"sambit ni Mike na tumawa.

"Sige na pumasok na kayo"naiiritang sambit ko at niluwagan ang espesyo ng pinto.Pumunta na kami sa sala at umupo, magsasalita pa sana si Mike ng may kumatok ulit.

"May bisita ka?"tanong ni Kyle at tumango nalang ako bilang sagot at pumunta sa pinto para buksan.

Tumambad sa akin si pinsan na naka-oversize t-shirt at naka-short ng panlalaki. May headset sya na nakasabit sa leeg niya.

"Bakit siya nandito?" Tanong ni Mike.

"Pinapunta ko siya"simpleng sagot ko at lumingon kay pinsan.

"Ah pinsan"tawag ko kay Danna busy sa cellphone niya.

"Oh?"tanong niya niya nang hindi tumitingin sakin.

"Naalala mo ba kung bakit kita pinapabalik dito?"tanong ko. Pinapunta ko sya dito para makasama ko siya at para matulungan niya ako kay Bea. Tumango lang siya sa akin.

"Ano? Pwede mo ba akong tulungan sa kanya?"tanong ko sa kanya,sa oras na yon lumingon na siya sakin.

"Ano bang plano mo?"tanong niya naman sakin.

"Alam ko naman na magkaibigan na kayo nila Bea pero pwede mo ba akong tulungan para umamin sa kaniya or maging close kami sa isa't isa?"sagot ko. Tumango siya sa akin bago siya nagsalita.

"Tell me! What kind of girl is she" sambit niya habang nakatingin sa cellphone niya.

"She's sweet, kind, smart, lahat ng magandang ugali na sa kanya na" sagot ko sa kanya bago siya tumango ulit.

"Are you sure you really like or love her?"she asked me before she looked at me straight in the eyes.

"Oo naman"I answered.

"Is that so but"pinutol siya muna ang sasabihin niya.

"But?"sabay sabay naming tanong.

"But if you hurt her I will forget that your my cousin"sagot niya. I sighed.

"Promise, I won't hurt her but to love her forever"pangako ko sa kanya.

Tumango sya at tumingin kila Mike na nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"How about the others?"tanong niya sa amin.

"Actually, lahat kami may gusto sa kanila pwera lang si Justin dahil wala pa siyang natitipuhan"sagot ni Mike. Tumango nalang si Danna bilang sagot bago siya nagsalita.

"Ok! Tutulungan ko kayong lahat pero hindi pa ngayon dahil masyado pang maaga para sa inyo"saad niya, aangal pa sana kami pero tinawag na kami ni mama para kumain. Pagtapos naming kumain ay pumasok na kami sa kwarto. Si Danna naman ay umuwi dahil wala daw kasama si Kuya Rico.

Bago kami matulog inisip ko pa kung kailan kami tutulungan ni Danna hanggang sa makatulog kami pero isa lang ang nasa isip ko.

'I hope she will love me back like the way I love her'

To be continued

               
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

I love you 3000 (Friend To Lovers Series#1)✓Where stories live. Discover now