Simula

89 2 2
                                    

Eversince I started to look at him more than just my best friend, I’ve always thought I might have that happy ending, as what they’ve described.

Akala ko it’s possible for us to build a normal, happy family. But I guess it’s not.

“What are you even thinking?!” Isaiah asked me, his voice is about to break, eyes getting dark and red because of tears.

“Hayaan mo na lang ako! I can take care of it!”

I can handle this child, he doesn’t have to sacrifice his dreams, life, and his happiness just for me. He doesn’t have to lose his feathers, he needs that to be able to reach higher.

Hinawakan niya ako at marahas na pinaharap sa kaniya. I faced him, tears kept pouring down from my eyes.

“Makinig ka, we’ve talked about this already. Akala ko ba nagkalinawan na tayo?”

Umiling-iling ako.

“H-hindi ko pala kaya.”

Tumitig siya sa akin, kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa.

“I thought you loved me… but why can’t you trust me on this?” his voice cracked.

Marahas kong binawi ang kamay mula sa kaniya. I swiped the tear away from my face.

“You are still that immature, brat Isaiah that I know. I can’t entrust you with my life.”

I left him there. Kita ko sa mga mata niya ang sakit nang sabihin ko ang mga salitang iyon. I really love him. Alam kong palagi naming maaasahan ang isa’t-isa. We promised to each other that nothing can end our friendship, not even love. But this time, hindi na ako pwedeng maging pabigat sa kaniya.

Tama na ‘yung mga nagawa niya para sa akin. I can solve this on my own. I can figure this out. Malalampasan ko rin ang pagsubok na ito ng walang hinihinging tulong sa iba.

Mabilis akong dumiretso sa bahay para mag-impake ng mga gamit ko.

“Oh, andito na pala ang magaling kong pamangkin.”

Napatigil ako nang makita si Tita na nakaupo sa salas, Tumayo pa siya at pumalakpak nang makita ako.

Pinukulan ko lamang siya ng masamang tingin. Akmang lalampasan ko siya subalit mabilis niya akong hinila.

“Ang kapal ng mukha mong lampas-lampasan ako ha? Ano bang maipagmamalaki mo ha, Azineth? ‘Yang nabuntis ka ng maaga?”

My heart keeps on aching because of pain and rage. I’ve always hated this woman.

“Wala kang alam Tita kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganiyan–”

She slapped me. Napahikbi ako sa lakas niyon. Muntik pa akong matumba sa sahig.

“Ang kapal kapal din naman talaga ng mukha mong babae ka! Wala kang kwenta! Simula nang mamatay ‘yang nanay mo ay ako na ang umako sa responsibilidad niya sa’yo! Tapos ngayon magpapabuntis ka ng maaga?! Paano ang mga pinsan mo ha? Imbes na makatulong ka sa kanila, nagpabuntis ka! Wala kang utang ng loob!”

Hindi pa siya nakuntento sa sampal, hinila niya ng malakas ang buhok ko na halos isubsob ako sa pader. Hirap na hirap ko siyang itinulak. Natumba siya sa sahig at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

“Kayo ang walang utang ng loob!” dinuro-duro ko pa siya. “Kailan ka ba nagmalasakit sa akin, Tita? Imbes na tulungan ay wala kayong ibang ginawa kundi pahirapan ako! Hindi na kayo nahiya sa sarili naming bahay!”

I have tons of bad words to say to her, pero hindi ko na kaya. Hindi ko pa kaya.

Mabilis akong pumasok sa kwarto at ikinandado ito. Narinig ko pa ang malakas na pagmumura sa akin ni Tita pero hindi ko na iyon inalintana.

Ang mahalaga makaalis ako rito.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon