ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 1: 𝙵𝚕𝚊𝚜𝚑𝚋𝚊𝚌𝚔𝚜 𝚊𝚗𝚍 𝙺𝚒𝚍𝚗𝚊𝚙𝚙𝚒𝚗𝚐𝚜

99 7 0
                                    

"Sige naaaaaaaa!"

"Minsan lang naman to eh!"

"Correction, For the First time in forever!"

"Sumbong ko kay Ma'am na gusto mo si Baste"

Ay naku huwag...

"Tigil-Tigilan moko Faye ha, baka gusto mo punitin ko yang assignment mo"

Kasalukuyang pinipilit nina Faye, Azura,Clarity at Zhenzi si Hillary na sumama  papuntang 'Grill While You Chill' food bar sa pinakadulong bahagi ng city para sumaya, sabagay Sunday bukas at wala silang gagawin.

Pero matigas ang ulo ng pinakamatanda sa kanila at patuloy na iniiwasan ang kanilang mga dahilan kung bakit ba masayang pumunta ng bar.

"Ang KJ mo kasi Hill~" sambit ni Zhenzi at inirapan ito habang nakatingin sa kaniyang Insta kung may notifications ba ito o wala.

"KJ mo mukha mo, nag-aalala lang ako sa safety natin lalo na't underage ka Zhen, tanga ka ba?. Naalala niyo ba yung huling nangyari nung pumunta tayo sa bar ha?"

Flashback!!!

"Azura, Faye bumaba ka diyan, yawa ka~" lasing na lasing na sabi ni Clarity habang hinihila-hila niya ang dulo ng pantalon ni Azura na sumasayaw sa itaas ng mesa kasama si Faye, yung sayaw nila ay parang lumalangoy na jellyfish at ngayon ay iniisip na ni Hillary kung may kasalanan ba siyang ginawa sa past life niya na ngayon ay pinaparusahan siya ng ganito.

"Clarii~ tingnan mo oh, parang umaangas sa'yo yung mukhang coloring book doon" lasing na tawa ni Zhenzi at tinuro ang isang babaeng plastik na umiirap sa mesa nila.

Napatigil naman sa sayawan sina Faye at Azura at bumaba habang nagsmi-smirk.

"Tingnan mo, feeling maganda eh mukha namang paa." tawang tawa na sabi ni Azura habang iniluklok nito ang loob ng Blue Horse beer.

Agad naman nakuha yung atensyon nung babae at mga haliparot nito kaya napa facepalm naman si Hillary at inihanda ang sarili para sa susunod na mangyayari.

Nakita niyang lumapit ang mga babae sa kanila, sus maryosep! kung makataas ng kilay akala niya si Jennie Kim, eh kulangot ka lang eh.

"excuse me miss? are you insulting me?"

aalis na lang si Hillary, baka ma nosebleed siya kung magtatagal pa siya rito.

Nawala sa sariling thoughts si Hillary nung biglang tumawa ng bahagya si Clarity at inilabas ang infamous smirk nito.

"hindi ba obvious? I mean look at yourself." sabi niya at ginesture yung buong pagkatao ng babae."poor mommy, always spending millions on useless things for her daughter when the result isn't even breathtaking."

Namula naman sa galit ang babae habang pinapaypay siya ng kaniyang mga kasamahan at dito na nangilabot si Hillary.

"Clari~ let's go, tama na iyan." sabi niya at hinarap ang babaeng kamatis ay char- babaeng galit pala. "ahm, sorry miss barbie ah este, miss??? oo miss" Hillary nervously laughed. Bongga mo te, nagalit pa lalo."aalis na lang kami"

hinahatak hatak niya ang mga kaibigan na panay ang glare sa 4 na babae na nasa harapan nila, napa face palm naman si Hillary.

Ayoko maging referee!!!! gusto ko mapangasawa ai Zhong Chenle!!!

End Of Flashback!!!!

Natawa naman si Azura habang iniisip niya yung panahong iyon na nakasampal siya ng ilang beses sa isang babae.

"Hoy Dura! ano tawa tawa mo diyan?" pa-whine na sabi ni Hillary. Nag-pout naman si Azura sa nickname.

"Dura ka diyan!" sambit nito at aakmang hahampasin sana si Hillary ngunit binababa niya na lang yung kamay niya, mahirap na baka hindi na magpapacheat si Hillary sa kanya. "gusto ko kaseng ulitin"

"oo nga"

"my hands are craving for the plastic cheekseu"

"baka mamaya pag pumunta tayo, may ganon din"

Napa facepalm ulit si Hillary.

"Di pa ba kayo natatauhan!? natulog tayo sa presinto nung gabing iyon!" sigaw niya with matching hand gestures sa ere, luh. parang tanga, dami pa namang college students na tumitingin sa kaniya, sige ka Hillary, pag kayo mapagkamalang kriminal ay sus na lamang sa inyong lima. mga yawa.

"di bale, ang gwapo kaya nung isang police intern dun" dreamy na sabi ni Azura kaya binatukan siya si Faye. "ano ba!?"

"puro ka lalake!" natahimik ito, naramdaman niyang nagba-bat ng eyelashes yung brunette sa tabi nito. "ang gwapo nga"

"HA! HIDDEN MARUPOKS!"

"ang ingay niyo" napatingin naman ang lahat kay Clarity na nakahiga sa lap ni Zhenzi na busy naman sa kakalaro ng Mobile Legends. "kitang natutulog yung tao eh"

"in behalf of them, I'm sorry" sagot ni Zhenzi, mga mata ay nakatoka sa phone niya.

"Ewan ko sa inyong apat, sige bahala kayo kung aalis kayo, dito lang ako" sagot ni Hillary habang linalagay ang mga notes niya sa loob ng bag niya. "Kung ako sa inyo, mag rereview na lang ako"

Napatingin naman ang apat sa kanya, natigilan sa pagsipsip ng juice si Zhenzi, nanlaki naman ang mga mata nina Faye at Azura habang wala namang pakealam si Clarity sa mga nangyayari.

"Oh anong tingin tingin niyo diyan?" Tawa ni Hillary. "Di niyo alam may test noh?" She smirked.

And chaos started.

Natawa yung pinakamatanda sa kanila dahil nagpapanic na sila(except kay Clarity na as usual walang pakealam, naol matalino), tanong dito tanong doon, pakopya dito pakopya doon, it was a funny scene to watch.

Hindi talaga nagkamaling kaibiganin ni Hillary ang mga mokong na to dahil kahit mga unggoy sila ay mapagkatiwalaan mo talaga sila ng tunay at experience na experience mo talaga ang meaning ng totoong magkakaibigan, walang plastikan just pure hearts.

"Kailan ba ang test ha?" Natigilan ang lahat sa tanong ni Clarity kaya napatingin din sila kay Hillary na hanggang ngayon ay di parin nawawala ang smirk nito sa kanyang mga labi.

"Oo nga, kailan ba?"

"Bukas ba?"

"Umaga o Hapon?"

Natawa si Hillary at kin-ross ang mga braso sa harapan niya at tinaasan silang lahat ng kilay.

"Friday Afternoon"

"HILLARY VICENTIA NERIZZA KARLOSA BARTOLOME!!!"

"Hillary Bartolome lang, ang OA niyo"

Lumipas ang hapon na puro sila tawa, kwentuhan at laro.
Habang naglalakad pauwi ay di nila namalayang biglang may mga tranquilizer na tumama sa kanilang mga balikat.

Before sila maka react at makatakbo ay nandilim na ang kanilang mga paningin at isa isang natumba, pero hinding hindi makakalimutan ni Zhenzi yung mukhang bumuhat sa kaniya at ang itim na eyepatch sa mata nito na may simbolong hindi nila kilala.

———

Sorry kung maikli, starting pa lang naman eh🙊🎉

𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now