Naniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng sandaling mag-tagpo ang mga mata nila. Base sa nararamdaman niya ay mukhang nakasalamuha na niya dati ang lalaki at base rin sa pagtitig nito sa kanya ay para bang kilala siya nito. Nang makita ng ama niya ang binatang sundalo ay mabilis siya nitong inilayo doon. "Let's go. Hindi pwede sayo ang ma-expose sa mga tao." Sabi nito na ang tingin ay nasa lalaki pa rin. Sinulyapan niya ulit ang lalaki at nakita niyang papalapit na ito sa kinaroroonan nila. Mabilis naman siyang kinaladkad ng ama papalayo. Sa hindi malamang kadahilanan ay sumulyap ulit siya sa lalaki na palapit ng palapit sa kanila. Ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit sa kanila ay hinarangan na ito ng security team ng ama niya. Pilit itong nagpumiglas at pursigidong makalapit sa kanya. Mukhang malakas ito dahil halatang nahihirapan ang maraming bodyguard nila na pigilan ito. "Kenedy" Napa-sulyap siya sa binata na pinipigilan ang pag-alis nila. Ngayon ay sigurado na siya na kilala siya nito dahil tinawag siya nito sa pangalan niya. "He's a bad guy. Kapag nagkita ulit kayo lumayo ka." Napakunot ang noo niya sa tinuran ng ama. Base sa hitsura ng lalaki ay mukhang hindi naman ito masama gaya ng sinasabi ng ama. Nang mga sumunod na araw niya sa Pilipinas ay hindi siya tinantanan ng binatang sundalo. Unti-unti niyang nakilala kung sino talaga ito. Nalaman niyang hindi naman pala ito masama kagaya ng sinabi ng ama niya. Pero nang makilala niya kung sino talaga ang binata at kung ano ang parte nito sa buhay niya ay labis siyang nasaktan. Pinagsisihan niyang hindi siya naniwala sa sinabi ng ama na masama itong tao.