"Kung ayaw mong masaktan, sundin mo ang gusto ko! Kiss me!" utos ko sa nakamaang na si Herbert. Ella Sandoval, anak ng isang sikat na designer ng bansa. Ngunit hindi siya laki sa luho, dahil bata pa lang ay nawalay na siya sa kanyang mga magulang. Hanggang sa makilala niya si Herbert Guttierez. Isang simpleng manunulat na ang hangarin lang ay lumikha ng iba't-ibang uri ng k'wento. Wala itong ibang pinagkakaabalahan kun'di magsulat lang ng magsulat. "Ano ba ang mahihita ko sa isang manunulat na kagaya niya? Hindi ako yayaman kung siya ang iibigin ko." Matigas na salita na binitiwan ni Ella sa kanyang kaibigan na si Venus. Pero mapagbiro talaga ang tadhana. Sa pagaakala ni Ella na mahirap lang ang simpleng manunulat na si Herbert ay kabaliktaran pala ang lahat. Isa itong anak mayaman na iniwanan ang lahat ng luho para sa pagsusulat. Paano aakitin ni Ella si Herbert? May pag-asa pa bang mabawi ang nabitawang salita? Abangan ang pag-iibigan ni Ella at Herbert, ang pag-ibig na puno nang panuntunan. Isinulat Ni Bhelle S. Magante UNDER EDITING SOON TO BE PUBLISH AS BOOK