Isang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat ay puno ang lugar ng pagmamahalan--- pagmamahal hindi lang sa kapwa at pamilya kundi pati na rin sa kaibigan na halos naging kapatid na rin sa nagdaang panahon... Ngunit hindi ko inaasahan na darating ang oras na lilisanin ko pala ang lugar na yun, hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa kailangan. Kailangan ko upang makalimot at kailangan niya para magising siya sa katotohanan na hindi ako ang babaeng pinapangarap niya...
35 parts