Chapter 30

550 8 4
                                    

I love you's

Hindi talaga ako makapaniwala na nag-iisa na lang ako ngayon at hindi natuloy ang lakad naming apat. Para hindi naman sayang ang gayak ko ay tinawagan ko si Tryne para lumabas kahit na hindi ako sure kung sasagot siya. His phone was ringing.Saan na naman kaya siya dinala ng mama niya? I tried to call him again, he answered in the fourth time.

"Hello?" boses ng babae ang bumungad sa akin. I felt a loud bang inside my chest. Kaya pala hindi siya makatawag at nagpaparamdam ay may inaasikaso na pala. Akala ko pa naman ay ang mama niya ang may kagagawan, hindi pala.

"Hello?" ulit ng babae nang hindi ako nagsalita. I badly want to take down the call but I was hoping that Tryne would take over the phone at sabihin sa akin na wala lang ang babae na ito. "Baby, someone is calling." Dinig na dinig kong sabi ng babae sa kabila. Napa-awang ang labi ko dahil sa narinig.

"S-sorry wrong number," sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag. What a lame excuse, Waige? Seriously wrong number? Bulok na bulok naman ‘yung naisip kong dahilan and perhaps I didn't want to hear anything from that girl on the phone. Parang pinipiga ang dibdib ko dahil sa nangyari. Pasikip nang pasikip sa pakiramdam hanggan sa naramdaman ko na lang ang pagtulo ng isang luha sa mata ko.

I was just overwhelmed. Hindi lang ako makapaniwala na hindi kami natuloy kanina. Dahil lang sa overthinking ‘tong luha, walang ibang dahilan.

"Tsk!" sabi ko at pinahid ang isang luhang tumulo at ngumisi ng parang tanga sa sarili.

Sinong nagsabing tumulo ang luha na iyon? Hindi ko naman sya binigyan ng permiso pero bakit niya nagawa iyon. Mukhang hindi lang ang luha mo ang pinagsasabihan mo n’yan Autumn Waige. Sino ba ang tinutukoy mo? Ang luha ba o si Tryne? Kasi parehas mo silang hindi binigyan ng permiso pero nagawa nila iyon, nagawa ng luha mong tumulo ng walang permiso at nagawa ni Tryne na pumasok sa sistema mo ng hindi mo namamalayan.

Sabi ko pa naman sa sarili ko na may barrier akong hinarang para sa mga tao para hindi sila makapasok sa buhay ko pero pam-palubag loob ko lang yata iyon sa sarili ko.

Ibinalik ko sa kwarto ko ang bag ko na may lamang damit kanina. Kumuha ako ng maliit na bag para lalagyan ng cellphone at wallet ko. Hindi na ako nag-abalang magbihis dahil hindi ko naman talaga alam kung saan ang pupuntahan ko. Basta ang alam ko lang ay gusto kong magliwaliw at kalimutan ang lahat.

Hindi ako sumakay sa kahit na anong sasakyan, naglakad lang ako at hinayaan ang paa ang magdala sa kung saan mang patutunguan. Huminto ako sa isang parke, umupo muna ako sa isang bench doon para magpahinga.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag para tignan ang oras, alas sais na ng gabi. Tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Tryne. Inirapan ko ang cellphone ko na parang siya mismo ang nasa harap ko. I ignored his calls and messages. I started browsing on my social media account; nagbabaka sakaling may makitang magandang lugar na pwedeng puntahan pero hindi ko magawang makapaghanap ng maayos dahil sa tawag at text na pumapasok sa cellphone ko kaya in-off ko na lang ang cellphone ko 'tsaka hinagis iyon sa bag.

I began to walk again, dinala ako ng mga paa ko sa maliwanag na paligid, ang ibang bahagi ng lugar ay mausok at punong-puno ng tao, maingay at hindi nakakatuwa ang mga taong nakikita ko sa paligid. Ang iba ay abot ang subuan sa isa't isa. Mabulunan sana kayo! Ang iba naman ay halos mag-isa na lang ng katawan sa sobrang lapit. Pagbuhulin ko kayo d’yan e!

Lumapit ako sa isang stall ng kainan, kasalukuyan akong nasa night market. Um-order ako ng shabu-shabu. Binayadan ko muna bago ako umupo sa isang mahabang lamesa. I started eating, I used the wood chopstick but I don't know how to use it kaya tinigilan ko na lang. Makukunsume lang ako kapag pinagpilitan kong kumain ng naka-chopstick. Baka imbes na mabusog ako sa pagkain ay mabusog ako sa hangin.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon