Chapter 53

372 6 2
                                    

Married

"I'll come again tomorrow," Tryne said and gave me a kiss on my forehead.

"Use the door," sabi ko habang tinutulak siya papunta sa bintana.

Bukas na siya dumaan sa pinto, mahirap kung lalabas siya ng gabi sa kwarto ko. Wala nga akong nilabas kila Kuya paano na lang kung malaman nila na may nakapasok pala sa kwarto ko. They'll be devastated.

"Bye," he mouthed. Tumango ako at bahagyang kumaway.

I can't believe how fast it happened.

Kinabukasan, lumabas na ako sa kwarto. Sawa na ako sa oven cooked na pagkain. I need something healthy. Parang nabunutan si Kuya ng tinik nang makita ako. Nagulat ako nang makita ko si Jem sa isang tabi, tahimik lang siya habang pinapaulanan ng sama ng tingin si Shane, nalipat iyon sa akin nang makuha ko ang atensyon niya.

"Waige."

"Waigey!" sabay na tawag ng dalawa sa akin. Parehas din silang lumapit sa akin, pumwesto sila sa magkabilang gilid ko.

Tinignan ako ni Jem. Her stares were telling me to shove Shane off. Kinunutan ko siya ng noo pero masamang tingin ang pinukol niya sa akin.

"Waige, samahan ka naming magfit ng gown mo. Sa akin kasi sinukat kasi magkakatawan lang naman tayo. We need to inform the designer about the adjustments," sabi ni Shane. Hindi ko alam kung anong gagawin sa kanila ni Jem. Jem was pinching my waist and I know she wants to go with me.

"Actually, sa akin siya sasama. May pupuntahan pa kasi kami and I waited for days just to go with her. Important kasi," sabi ni Jem at bahagyang hinila ang braso ko. Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Right! Ngayon ko lang naalala, pasensya na."

Ngumiti si Shane bilang pagsang-ayon pero hindi pa rin siya umaalis sa braso ko. Si Kuya parang bumata ng ilang taon kaysa nang makita ko siya kanina. Kailan ba kasi ang eksaktong date ng kasal? Ineenjoy na dapat niya ang buhay niya habang bachelor pa lang siya. He should throw a party before the wedding, ganoon din siguro ang gagawin ni Ate Arli-Bachelorette party.

"Kumain ka na Awi. Mukhang nangayat ka? Ilang araw lang kitang hindi nakita ah," Kuya said as he snatched me away from the two's grip.

Pina-upo niya ako at saka ako pinagsilbihan. Nakamasid lang ang dalawa sa amin habang ako naman ay nagpupuso ang mga mata dahil sa nakikitang putahe. Parang pinaghandaan talaga ang paglabas ko sa kwarto.

Now, this is a haven.

I ate heartily. Mukhang nasisiyahan naman si Kuya na makita akong ine-enjoy ang pagkaing hinanda niya.

"Eat slowly, hindi ka ba kumain ng mga nagdaang araw?" tanong ni Kuya habang sinasalinan ng juice ang baso ko. Kumain naman ako pero hindi ganito. Oven lang kasi ang pangluto ko sa kwarto at puro pagkain na pwedeng iluto lang sa oven ang kinakain ko. Hindi nakakasatisfy kaya minsan hindi na ako kumakain.

Matapos kong kumain ay hinitak ako ni Jem papuntang kwarto. She purposely leaves Shane behind. This brat!

"Girl! Ano ang nangyari? Ibang iba ka sa Waigey na nakasama ko last week." She pinched my waist.

"Stop it!" sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya. Umayos siya ng upo, she's all ears on me.

"Care to tell me what happened. Detailed, please," maarteng saad nito. Muntik na akong umirap dahil sa tono ng pananalita niya.

Ilang beses niya akong kinurot nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari, pati ang nangyari kagabi kinuwento ko na. There's no point in hiding it on her.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon