Chapter 37

376 6 0
                                    

Found

Pumasok ako ng walang kasama sa school. Hindi pa kami nakakapad-usap ni Tryne simula nung gabing nagtalo kami tungkol sa pahinga ko. Nagawa ko naman ng magpahinga. I enjoy the time with myself. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na mag-isip nang mag-isip. Mai-stress lang ako kung hahayaan ko ang sarili ko.

Hindi pa rin kami nakakapag-usap kung sino ba yung babae niyang kasama sa Despedida party ni Xywon. Paano kung magkasama sila ngayon? Paano kung nagsawa na si Tryne sa akin dahil matigas ang ulo ko? Paano na ako?

Kung nandito sana si Xywon siya sana ang kasama ko ngayon dahil wala ang magaling niyang pinsan.

Last year ko na sa school na 'to. Gusto ko ng magtrabaho pero may parte sa akin na gustong manatiling bilang studyante. Magiging iba na ang ikot ng mundo ko sa oras na matapos ko ang kurso ko.

Kahit na galit at naiinis ako kay Tryne ay hinintay ko siya pero dumaan ang maghapon ng hindi ko siya nakikita. Kahit text wala akong natanggap sa kaniya.

Pagkayari ng klase ko ay nagdiretso kaagad ako sa hospital. Isang linggo kong hindi binisita si Windy. Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita kong sinusubuan siya ni Troye. Mas pumayat yata siya? O mapayat lang siya sa paningin ko dahil matagal ko siyang hindi nakita?

"Ilang araw kang hindi bumisita. Miss ka na raw ni Windy," sabi ni Troye.

Tinignan ko si Windy pero wala siyang sinabi. I expect her to roll her eyes and scowl at us but she didn't. Hindi siya nagsalita hanggang sa makatulog siya. Galit pa ba siya sa akin? Nakapagpahinga naman na ako katulad ng gusto nilang mangyari pero hindi pa rin niya ako pinapansin, yung isa naman hindi nagpaparamdam.

"How is she?" tanong ko kay Troye.

"She's fine," matabang niyang sabi.

"She doesn't look fine at all."

"She's trying to be fine."

Tumango ako. Sana matapos na ang hirap na nararamdaman niya.

"Wala ka bang lakad? Ako na muna bahala sa kanya," sabi ko. Ako naman talaga dapat ang nag-aalaga sa kanya dahil ako ang pamilya pero hinayaan ko siyang itulak ako palayo.

"Priority." He smiled and looked at Windy. I smiled too. I'm happy that she had Troye to take care of her when I am not on her side.

Mahal na mahal siguro siya ni Troye.

"Tumawag nga pala yung Lola niyo kay Windy. Sabi niya baka sa mga susunod na buwan pa sila makaluwas papunta rito."

"Ah oo. Nasabi na rin sa akin ni Tita." Pinsan niya si Tryne diba? Baka alam niya kung nasaan yung mokong na 'yun. "Alam mo ba kung nasaan si Tryne?" Diretsong tanong ko. Kahit na nahihiya akong magtanong sa kaniya dahil hindi naman kami close. Baka isipin niya na ako ang girlfriend pero hindi ko alam kung nasaan ang boyfriend ko.

"No. We don't have that kind of relationship to inform each other where we are and what we are doing. We're not girlfriend-boyfriend after all." May mapang asar na ngisi sa kanyang labi. I know, he's indirectly telling me that I am his girlfriend but I don't know where he really is.

I miss him.

We also need to talk. Ilang taon na kami sa relasyon ito pero ngayon lang siya nawala ng ganito katagal at wala pang paalam. Hindi pa maganda ang huling pagkikita namin. It was my fault, I know, pero sana tinext man lang niya ako.

I stayed at the hospital until eleven o'clock. Kaya ko namang magpuyat kahit maaga pa ang pasok ko bukas. Hindi pa naman masyadong hectic 'yung schedule ko dahil kakasimula pa lang ng klase at wala pang masyadong project papers na kailangang ipasa.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon