Chapter 12

569 13 3
                                    

Laugh

"I'm so sorry, apo." hinawakan ni Lola ang dalawa kong kamay. Mapait ko siyang nginitian. Lola doesn't do something bad but I can't help but feel a little annoyed.

"Okay lang po talaga, La."

Lola smiled apologetically. Hinalikan niya ako sa noo. I can't believe that this will happen the moment we meet again. Windy is overstepping the boundaries.

"Pagsasabihan ko ang Ate mo. Magpahinga ka na at ako na lang muna ang bahala sa mga kasama mo sa baba. Pasensya na talaga."

Nang magising ako ay agad akong bumaba. Baka kung ano-ano na ang sinabi nang tatlo na iyon kay lola. Baka madulas pa silang tatlo at masabi na nagtatrabaho ako para makapag-aral. Hindi kasi alam ni lola iyon at ayokong ipaalam sa kaniya. She'll make a fuss.

Nilibot ko ang buong bahay pero wala sila sa loob. Lumabas ako at nandoon silang talo sa mini garden ni Lola.

"Hey! Bakit ganyan itsura niyo?" tanong ko. Mga nakasuot sila ng pangbukid na damit. It fit them, bagay na bagay. Kahit na halatang kutis mayaman ay hindi mo mapagkakailang bagay talaga sa kanila.

"Ask your Tita," sabi ni Yno habang inaayos ang sleeves ng damit.

"May pupuntahan daw kami," sabi naman ni Xywon. May tatlong bote ng 1.5 sa gilid nila. Sa tingin ko alam ko na kung saan sila pupunta.

"Do I look good, Waige?" Zolen asked. He even spread his arms. Feelingerong pusakal talaga 'to.

"You three look awful," I said. Taliwas sa totoo nilang itsura. Is this the power of their genes?

Sininghalan ako ni Zolen. Looks matters to him. Ayaw niyang pumapangit siya sa paningin ng iba. Ewan ko ba sa taong 'to. Sa buong buhay na kasama ko sila hindi ko pa siya nakitang pangit ang itsura. Kahit naman walang effort siyang ibinibigay sa mga damit niya, he will still looks good. That's Zolen Archer.

He said before, dagdag points daw sa lalaki ang maayos at malinis manamit. He's right though he really doesn't need an effort.

"Hanapin ko lang si Tita."

Nagtungo akonsa likod bahay, nagbabakasakaling makita si Tita roon. Hindi nga ako nagkamali dahil nandoon siya at nag-aayos ng gamit.

"Tita. Saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Manghuhuli kami ng salagubang," sagot nito.

"I'm coming with you." Ngiting ngiting usal ko. binigyan nya ako ng damit at isinuot ko na iyon kaagad ng walang pag-aalinlangan.

Nakaka-enjoy manghuli ng mga ganoon. Kaso nga lang madamo at matataas ang talahiban sa pinanghuhulihan nila Tita pero kaya naman.

Paglabas namin ay sumakay kami sa isang tricycle. Siksikan kaming apat sa loob, nasa labas kasi si Tita at ang asawa niya. Nakapagtataka nga kung paano kaming nagkasya doon.

Bumaba kami sa tricycle at lumakad pa kami ng konti. Dumaan pa kami sa ilog para makarating sa pupuntahan. Nadadaanan na namin ang malalaking talahib. Mamaya madami ng makalapit na salagubang doon.

I explore the place using my eyes. Tinignan ko ang itsura ng tatlo, they look so clueless.

Hinintay lang namin magdilim ng konti dahil mas magpapakita ang mga salagubang sa gabi. Tinusok tusok ko ang lupa dahil minsan ay may nakatago doong salagubang. Napangiti naman ako dahil may nakita akong isa don. Napa-igtad ang tatlo ng lumipad iyon sa gawi nila. Malakas akong tumawa dahil don. Sayang at hindi ko nahuli.

"Sundan nyo 'ko," sabi ko na parang expert na expert sa panghuhuli samantalang hindi ko na nga matandaan kung kailan ba ako huling nanghuli ng gano'n noon.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon