Talk
Kabadong kabado ako habang naglalakad papunta sa kwarto ni Windy sa hospital. Naka-alalay sa akin si Tryne dahil anumang oras ay pakiramdam ko'y hihimatayin ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Kung pwede ko nga lang gapangin ang hospital room niya ay ginawa ko na.
"Are you really doing this?" Tanong sa'kin ni Tryne ng malapit na kami sa room. Hindi ako nakasagot agad.
Papalakas nang papalakas ang tibok ng puso ko. Para itong naka-speaker. Ramdam na ramdam ko ang tibok. Medyo masakit na rin sa pakiramdam pero nagpakatatag ako. I can't take my time because I don't have the time that I needed. The world isn't playing fair. If I took the time, baka hindi ko na siya abutan.
"Yes." Labas sa ilong na sagot ko.
Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang buksan ang pinto ng kwarto. Para akong hinuhugutan ng hininga. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita kong payapa siyang natutulog. Hindi ko alam kung mas maganda bang gising siya nang datnan ko o tulog para mas maikalma ko pa ang sarili ko?
"Kanina ka pa niya hinihintay," sabi ni Troye. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya tsaka ako tumalikod dahil nararamdaman ko na namang tutulo ang luha ko. I can't accept the fact that she had that illness.
Mabilis ako naglakad palabas. Ang kanina ko pang iniipon na lakas ay biglang naglaho nang makita ko siya. Nakakapanghinang makita ang kapatid mong nakaratay sa higaan.
Ang payat-payat niya. Hindi na siya yung Windy na mataray at palagi akong inaaway kapag nasa bahay kami.
Umupo ako sa isang bench tsaka doon umiyak. I don't want to cry but my heart wants it. I cried all the pain that I was feeling. Sana isang araw paggising ko hindi na ganito. Sana panaginip na lang ang lahat.
"Waige," Tryne called.
Hindi ko siya hinarap. Hindi ko siya pinansin. Basta hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak nang umiyak kahit pagod na pagod na yung mata ko.
Ilang sandali pa ay umupo na siya sa tabi ko. Hinagod niya ang likod ko. Nang tignan ko siya ay may lungkot na bumabalot sa mga mata niya.
Mas napahagulgol ako sa pag-iyak. What did I do to experience such things?
"Tryne, masama ba akong tao?"
"No. You're not a bad person. Kung ano man ang bumabagabag sa'yo, nandito lang ako." He holds my head to guide me on his chest.
Last night I was thinking that I was really a bad person. Sinisisi ko yung sarili ko kung bakit wala ako sa tabi ni Windy nung mga panahon na nagkasakit siya. Si Troye lang ang kasama niya.
Sino nag-aalaga sa kanya nung mga panahong umuuwi si Troye sa bahay nila?
"Kasalanan ko 'to e. Kung alam ko lang sana na may sakit siya hindi na ako umalis noon sa bahay."
"No, Waige. It's not your fault. You did the right thing that you know. Hindi mo naman kasalanang nagkasakit siya," alu niya. Niyakap niya ako ng mas mahigpit, pero hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. Seeing her on that bed makes me feel so weak.
I looked up at the sky.
Lord, ibalik niyo na po siya sa dati. I can endure all the pain she'll inflict on me, basta po ay bumalik siya sa malusog niyang pangangatawan. Hindi ko kayang ganito. Hindi ko in-expect na mangyayari 'to.
"Do you want to go home? You can visit her another time."
"No. I will talk to her now. Hindi ko na kayang maghintay ng isa pang araw."
Hinawakan ko ang kamay niya tsaka ako tumayo. Hinila ko siya papasok para makapunta sa simbahan. Tahimik akong lumuhod tsaka taimtim na nagdasal. Ganoon din ang ginawa niya sa tabi ko. Parehas kaming nakaluhod. I closed my eyes. I felt my eyes watered again. Hindi ko na pinansin pa ang luha sa mata ko. Basta hiniling ko na lang na sana magkaroon ng himala at gumaling na yung kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...