Work
That one hundred thousand sending continues every month. Ni piso ay hindi ko ginalaw. Kung sino man ang nagpapadala nun, hindi nakakatuwa.
Natanggap na ako sa trabaho ko kaya maaga akong gumising para ipagluto ko ang sarili ko ng masarap na agahan. Kahit na kinakabahan ay nagawa ko pa ring ngumiti dahil ito ang pinaka-unang beses na papasok ako sa isang kompanya para magtrabaho.
I will be part of the company's finance team on Vin et Liqueur. Ang saya saya sa pakiramdam. I will do my best to make myself proud.
May nag doorbell kaya hininaan ko muna yung apoy na niluluto kong sinigang. Nagulat ako nang makita ko si Zolen sa labas lulan ang kanyang bagong BMW.
"Hey! As I promise." Iniabot niya sa akin ang bouquet ng bluebills. Hindi nga siya nagbibiro nung sinabi niya sa aking bibigyan niya ako ng ganoon pag nakapagtrabaho na ako.
"Alam mo naman na niloloko lang kita noon. Hindi mo na ako kailangang bigyan ng ganito."
"Bakit hindi ka na lang magpasalamat?" He said sarcastically.
I rolled my eyes on him. Hindi na talaga mawawala sa sistema niya ang pang-aasar.
"Bakit ba ang aga mo? Six pa lang, ah. Gusto mo bang pumasok muna para kumain, nagluto ako ng sinigang."
"All right, but I will eat shortly. They need their greatest engineer to plan something." He smiled at me. I rolled my eyes but I also smiled.
"You're too full of yourself." Pang-aasar ko.
I placed the rice and sinigang on the table before I sat down. Kumuha na kaagad si Zolen dahil mukhang nagmamadali nga siya.
"You should use your car, Waige. Nangangalawang na yata iyon. Ilang buwan na ang lumipas pero hindi mo pa rin iyon ginagamit. Nakakuha ka naman na ng driver's license last month," he suggested.
Anim na buwan na yata iyong nakaimbak sa garahe namin. Ayaw ko talaga 'yun gamitin dahil pakiramdam ko ay umaapak lang ako sa daan-daang libong pera.
"I will drop you by. Hintayin na kita. Huwag mo pala muna gamiting ang sasakyan mo dahi ipapa-check ko na lang muna. Baka may mga parts na nag malfunction na dahil sa tagal na hindi ginagamit."
"Akala ko ba maaga ka dapat sa opisina? Mamamasahe na lang ako," tanggi ko.
"All right. Give me the keys then." Inilahad niya ang palad sa aking harapan. Kinuha ko ang susi sa isang drawer sa kusina. Doon ko lang itinago iyon noon, nakalagay pa nga iyon sa box.
Nang umalis na si Zolen ay noon lang ako umakyat para maligo. Handa na ang isusuot ko dahil sa sobrang pagka-excite ko ay hindi ako mapakali kagabi kaya naisipan ko na lang mag-ayos ng damit.
Limang pares pa lang ang nabibili ko sa boutique ni ate Yhanna. Binudget ko muna kasi ang pera ko at naisipan ko na hintayin ko na lang ang sweldo ko para makabili ulit.
Nakangiti kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Suot-suot ko ang vanilla white tee at nakapartner sa pares ng itim na business attire. Kahit ayaw ko sa stilettos ay nagsuot pa rin ako kahit dalawang inch lang. Suot-suot ko ang regalo ni Jem sa aking kwintas.
"Miss Izquivel, you're early." Marri smiled at me so I smiled at her too. Isa siya sa nag-interview sa akin last time.
She looks kind and approachable but when she's in her serious mode you can't even see a bit of that personality.
"Am I late?" I asked a bit conscious. Ayaw ko namang ma-late sa first day ko sa trabaho.
"No. You're on time. Let's go."
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...