Chapter 8

716 15 0
                                    


Baby

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Malaking palaisipan sa akin kung bakit niya ginawa 'yon, kung tutuusin ay pwede naman niya akong iwanan na lang sa sofa.

Bakit niya ginawa yon?

You dozed off to sleep. Syempre, he's a good man kaya hindi ka niyan hinayaan.

Bakit niya ako binuhat?

Wag kang malisyoso, Waige! He did that because you're a friend of Yhanna.

Ipinilig ko ang ulo ko para matigil ako sa pag-iisip. Mas mabuti ng hindi ko isipin iyon para hindi gumulo ang utak ko.

The manager of the cafe that I was working on texted me, he wants me there early. Nakaayos na ako at lahat para aalis na lang ako.

"You're awake? Good morning, Autumn."

"Good morning ate." Bati ko at ngumiti.

"Sorry pala kagabi. Ang dami ko kasing inasikaso, hindi ko na kayo nalabas."

"No worries ate."

My eyes wandered around. Looking for something... Or someone?

"Tryne left already. Hindi na siya naka pagpaalam sa'yo, kanina pa siyang madaling araw umalis."

Hindi ko naman siya tinatanong, bakit niya sinabi sa akin iyon?

Who says that I am looking for him?

I didn't!

That person was like a dangerous poison on my system. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niyang nagawang i-kontamina ang utak ko.

Oo, hindi ko siya hinahanap pero siya ang dahilan kung bakit naudlot ang pagtulog ko kagabi. Kung hindi niya lang sana nilandi landi ang leeg ko edi sana hindi bibilis ang tibok ng puso ko.

"Let's eat na. Are you going somewhere?" Itinuro niya ang damit ko. Nakasimpleng t-shirt at mom jeans lang ako habang ang itim na tote bag ay nakasabit sa balikat ko.

"Yeah. I have to go to work."

"Why? Ah, I get it."

She cooked pancakes for our breakfast. Pagkayari naming kumain ay hinatid niya ako sa baba. She waved cutely at me.

"Bye, Autumn and don't forget to come back later. I have something for you."

Tumango lang ako bilang sagot at naglakad na. Hindi na ako sasakay ng taxi dahil kaya ko namang maglakad. Hindi pa masyadong mainit kaya ayos lang at saka isa pa, hindi naman kalayuan kaya kaya ko naman lakadin.

Hindi pa ako nakakapaglapag ng gamit ay bumuga na ng napakaraming apoy ang manager, muntik na nga akong masunog.

"Hindi ko ito-tolerate ang ganiyang kilos, Waige! Alam kong masipag ka pero hindi ayos yung biglang hindi mo pagpasok. Mabuti na lang na-handle ni Nami ang mga customers kahit siya pa ang nagbarista!"

Nakayuko lang ako buong sermon. Alam kong mali ako. Dapat tinawagan ko sila pero hindi ko nagawa. Masyado rin kasi akong na-engganyo kasama sila Ate Yhanna.

"Mag-overtime ka mamaya para makabawi-bawi ka naman!"

"Opo, pasensya na po." Nakayuko pa rin ako sa harap niya, medyo mapride akong tao pero alam ko kung kailan ako hihingi ng paumanhin.

Ilang sandali pa at umalis na siya sa harapan ko. Agad akong nilapitan ni Nami.

"Saan ka ba kasi gumora kahapon? Pwede mo naman akong i-text. Mayroon ka namang number ko. Ganoo ka ba kaganda para hindi magfirst move?" Hinampas niya ang aking balikat.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon