Peace
A trip to France for a month is superb! Nang umalis ako sa Pilipinas at lumanding ang eroplano ay may nakahanda ng tao para sumundo sa akin. Feeling ko napaka special kong tao.
"This way, ma'am." Iginiya ako ng babae sa isang sasakay. Bumaba kami sa isang five star hotel.
Hindi pa man nagsisimula ang tour ay naeexite na ako. Nung una ayaw ko talaga dahil wala akong panggastos pero sagot nila ang lahat. Kahit na nakakahiya ay tinanggap ko na. At least, I could travel and clear my mind. This will also be my fresh start.
Parang bagong bago 'yung hangin na nilalanghap ko. I don't feel suffocated. I am letting myself breathe again.
"Kumusta r'yan?" Jem asked, beaming.
"Super ganda!" Sabi ko habang umiikot, ipinakita ko sa kanya ang magandang background.
I posted a picture of the scenery here in France. Mataas ang floor ng hotel room ko kaya kitang kita ko ang sunsets and twing gabi ay nagsasayawan ang mga bituwin at ilaw ng mga building sa labas.
"Dapat pala sumama ako," nalungkot niyang sabi. "Ini-stress lang ako ni Ate Crizzy dito. Nawawala na 'yung respeto ko sa babaeng 'yun. She's claiming that she was my Kuya's girlfriend but she's not acting like one," sabi niya habang ngumunguya ng gummy bears.
"Nagpacheck ka na ba sa dentist mo? You should really stop eating candies na. Baka maging bulok na ang lahat ng ngipin mo."
"Hayaan mo na, maganda pa rin naman ako."
Umirap ako. "Oo na, magingat ka d'yan. Baka pagbalik ko wala ng nangungulit sa akin dahil inatake ka na sa sobrang stress mo. Walang magagawa ang kagandahan mo pag inatake ka."
When I went back to my hotel room, I soaked my body with warm water. I tied my hair in a bun. Sa labas ay kita ko ang paborito ko, the night skies are filled with stars and moon.
It's so calming. Parang ang tagal na simula nung ganito kakalma ang pakiramdam ko. Parang ang tagal na simula nung hinayaan kong huminga ang sarili ko.
I visited one of the famous cafes in the corner. I tried to relax there and the vintage theme of the cafe was so helpful.
Hindi ako nagtagal ng buwan sa ibang bansa dahil nakatanggap ako ng email na kailangan na akong inerviewhin. Ilang milya pa yung layo ko sa Pilipinas pero 'yung kaba ko hindi ko na mawari.
"Hmm, amoy peace of mind ka ngayon, Waigey. You don't smell like a rotten stressed person anymore. Ganyan ba ang epekto ng France sa'yo?"
Ibinaba ko ang sunglasses ko at saka ko pababang tinignan si Jem. Inirapan niya ako pero hindi ako nagpatalo kaya inirapan ko rin siya.
"Feelingera 'to!"
"Whatever, I'm so kinakabahan," sabi ko habang nagpapaypay sa sarili.
"This bitch! Nagpunta lang sa France gano'n na kaarte."
Tinawanan ko siya at saka ako bumalik sa normal na pagsasalita. I just want to tease Jem so I acted like a spoiled brat.
Wala pang update do'n sa nag-email sa akin nung nasa France ako. Sa ilang buwan kong bakante, palagi akong naghahanap ng trabaho. Madami akong inapplyan. Habang wala pang balik sa akin na email ay naglilibot libot ako. Parang inasar lang ako ng kompanyang nag-email sa akin para mapabalik ako sa Pilipinas.
Minsan nagpupunta akong mall pero pag nakakasakay ako ng bus ay kung saan na lang ako dalhin. Umuwi rin ako kila Lola habang pahinga ko pa.
"How are you, apo?" malambot na tanong ni Lola.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...