Chapter 29

447 9 0
                                    

Not the same

Nahihilo pa ako dahil sa puyat habang nagbabasa ng textbooks ko. Halos wala na akong pinapansin, kahit si Tryne na kanina pa nakatingin sa akin; mukhang nag-aalala na.

"Don't stare at me like that, baka matunaw ako," biro ko, hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin sa aking binabasa.

"You're taking this way too serious. Why don't you rest even for a bit?"

I only glance in his way. Kunwari na lang na hindi ko narinig.

Nang oras na para sa next exam na ite-take namin ay tinago ko na sa bag na dala kong ang mga papel na nagkalat sa table. Nag inhale-exhale pa ako bago tumayo at magdiretso sa room na naka-assign sa akin.

"Missy, you okay?" tanong ni Tryne.

I nodded and gave him a thumbs up. Pagkayari naman nito, wala na kaming gagawin. I will make sure to devour my first day in sleeping, sa mga susunod na araw na lang ako mamamansin ng mga tao.

Nang maka-upo na ako ay dumukdok pa muna ako ng ilang segundo bago iangat ang ulo dahil dumating na ang professor na magbabantay sa amin ngayon.

Karamihan ng lumalabas na katanungan sa papel ay alam ko na. Paano ko naman hindi malalaman? E halos kainin ko yung libro kagabi para pumasok sa sistema ko ang mga salita. I need to finish this year and the whole year of being in college to find a stable job. Hindi sa lahat ng oras ay may handang tumulong sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag nang mayari na ang kahuli hulihang subject na ite-take ko. Finally! I can rest without thinking about the exams.

Diretso labas ako nang ma-double check ko na, hihintayin ko na lang si Tryne tapos uuwi na kami.

"Let's go grab some drinks." Umakbay sa akin ang hyper na si Zolen. Bigla na lang sumulpot ang nilalang na 'to, kung magugulatin akong tao baka hinimatay na ako rito.

Seriously? Where did he get all those energies? Kakatapos lang ng exams pero parang hindi man lang na-drain ang utak niya, may gana pa siyang uminom. Samantalang ako ay parang mamamatay na dahil gustong gusto ng bumigay ng katawan ko at matulog na lang buong taon.

"She'll rest, Zolen." Rinig kong sabi ni Tryne kay Zolen.

Umayos ako ng tayo, wala pang minuto ang pagitan ng paglabas naming dalawa kaya hindi ako gaanong naghintay sa kaniya.

I felt bad to Tryne, kanina pa kami magkasama pero hindi ko man lang sya pinapansin. Hayaan mo Tryne babawi ako once na mabawi ko na din ang tulog ko. Para na talagang bibigay ang katawan ko.

"Are you Waige spokesperson?" Nagbibirong sabi ni Zolen. Walang bakas ng pagkasarkastiko. Aba, dapat lang. Baka dunggulin ko na lang siya d'yan kung mang-aasar pa siya.

"Kind of," Tryne replied.

Nag-usap pa sila kaya nauna na akong maglakad papunta sa sasakyan ni Tryne at pagka-upo ko pa lang ay naging komportable na agad ang katawan ko.

"Take care of her. Let her eat or at least let her drink milk before going to bed," sabi ni Zolen.

Akala mong puro kautuan ang utak ni Zolen pero hindi, he has a side like this; the kuya side, palibhasa wala siyang kapatid.

"I will. Don't worry." Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang matangay ng antok.

Pagmulat ng mata ko ay nasa parking na kami ng condo building. Umayos ako ng upo. Mukhang natagalan kami dito dahil sa pagtulog ko.

Pagtingin ko sa driver's seat ay nakita ko din ang natutulog na si Tryne habang nakayukyok ang ulo sa manibela. Mukhang napuyat din kaka-aral kagabi. Ilang araw ko rin siyang hindi pinansin dahil kailangan naming matapos ang mga requirements at makapag review and that takes a lot of time and energy kaya pagod kami pareho.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon