PregnantKahit na nakakapagod ang ginawa naming paglipat lipat ng isla ay hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi namin.
It's fun yet tiring.
Hindi nawala ang pagtigil namin sa isang isla para magpicture. Mabuti na lang at bumalik na ang mood ni Zolen kaya mas maingay at masaya kami kanina.
"Ako mauunang mag shower, Xywon!" Sabi ni Zolen at saka nagtatakbo papasok sa kwarto nila.
"Go on, walang pumipigil sa'yo," sagot ni Xywon. Umupo siya sa couch at saka niya inilabas ang cellphone. Ako naman ay nagdiretso na sa kwatrong tinutuluyan ko.
Kahit na gusto pa namin magstay ay hindi pwede. May trabaho na ako bukas kaya kailangan na naming umuwi. Kung papayag nga sila ay ako na lang muna ang uuwi at sulitin nila ang bakasyon nila pero alam kong malabo iyong mangyari. Nagyon palang naiimagine ko na ang matigas nilang pagtutol.
"We'll eat our dinner before going to the airport," Yno said. Tumango lang ako nagpatuloy sa paga-ayos.
Dala namin ang mga gamit namim nang bumaba kami sa lobby. Nagcheck out na si Zolen sa hotel habang kaming tatlo ay nauna na sa kotse.
Sumunod na lang sa amin si Zolen para sa pagkain. May nakareserve ng table para sa amin. Nasa labas kami kaya tanaw na tanaw ko ang mga bituwin. Napatingala ako at napabuntong hininga. I hope everything will be alright when I got home.
"Hey, hindi niyo ako inintay," sabi ni Zolen. Humila siya ng upuan sa tabi ko.
"Ano naman ang mapapala namin sa paghihintay sa'yo?"
"Kailangan ba may mapala kayo bago niyo ako hintayin, nakakapanginig kayo ng laman ah." Siniko ko siya. Nasa harap kami ng pagkain, bakit ganito ang pinaguusapan nila?
Umingay sa gawi namin nang magdatingan ang mga lalaki. Agad na nagtama ang mata namin ni Tryne. Nakikipagtawanan siya sa mga kaibigan pero ang paningin ay nasa akin.
"Uuwi na kayo?" he mouthed. Tumango ako. Bahagya kong sinulyapan ang mga tao sa table namin. Mukhang hindi naman nila ako napansin but Yno was suspicious.
I saw him chuckled. Nagtataka na ang mga kasama niya pero si Amir na katabi niya ay parang immune na sa kaibigan.
"Himala yata at hindi ka nagsusungit ngayon. Nagkakagusto ka na ba sa akin?" malakas niyang sabi sa katabi. Napatawa ako dahil doon. Alam kong sa akin niya iyon sinasabi. Ang itsura ni Amir na kaniyang pinagsabihan ay parang namamangha sa kautuan ng kaniyang kaibigan.
So, he's this bright, huh?
"The heck?" bulong ko dahilan nang pagtingin sa akin ng tatlo. Ipinakita ko lang ang phone ko para kunwari ay may nabasa ako na naging dahilan ng pagbulong ko.
"Kumain na tayo," he said still chuckling. "Eat well," he mouthed at me. I only nodded. Bantay sarado ang galaw ko, hindi ako makalusot.
Tumikhim si Yno na siyang katapat ko. Nagsecond look pa ako sa kaniya. Madilim ang ipinupukol niyang tingin sa akin. Anong problema nito?
"The day after tomorrow, last day ng enroll-an. Kailangan na nating mag-enroll para hindi na tayo magkaproblema pa," Yno said, serious. Nangunot ang noo ko. Wala naman akong ginagawa ah. Ba't parang galit siya?
"Saan ba kayo?" tanong ko. Wala la akong napipiling school. Nawala na sa isip ko ang date kaya hindi ko man lang nalaman na bukas na pala ang enroll-an.
"OFU, doon na lang ulit kami ni Yno. Ayoko ng lumipat since second year naman na ako. Doon na lang kayo ni Xywon," saad ni Zolen. Nagdadalawang isip ako. Kung sa Oak Faith ako papasok bago tuition palang ubos na yung ipon ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomansaShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...