Chapter 46

405 8 2
                                    

Love

I was about to open my car door when a hand stopped me from doing that. Inis kong nilingon ang may ari ng kamay na iyon. Otomatikong umikot ang mga mata ko nang matagpuan ko ang mata niya.

"Wait," he said softly. "Let's have dinner together." His eyes were full of hope.

I rolled my eyes again. He really has the nerve to do this to me. Quotang quota na siya!

"I don't want to."

"Please, just for the old-time sake."

Gusto kong tumawa ng pagak sa harapan niya. Old time sake, huh? Niloloko ba niya ako? Kung oo, hindi nakakatuwa.

"Mr. Fertle, you are the boss, I get that. Ayokong sumabay ng pagkain sa'yo. Respect my decision!"

"Missy..." hirit pa niya.

"Don't call me that! Aren't you professional, Mr. Fertle. Work is work, don't step on the boundaries."

"Stop calling me Mr. Fertle. I don't like it," he whispered.

"Do you want me to call you boss? How about Sir?"

"Stop that, please... it is Tryne for my baby. Call me Tryne, hmm?" sabi niya ng may tonong nanlalambing.

I smiled to mock him. Malakas din akong huminga 'tsaka sinabayan ng isang pagtawa.

"Stop fooling around, sir. It's not funny. Excuse me, Mr. Fertle."

Nilagpasan ko ang kanyang katawan at saka binuksan ang pinto ng kotse. Nang isasara ko na ang pintuan ay pinigil niya iyon. Ipinasok niya ang kalahating katawan sa aking kotse bago ako halikan ng mariin sa noo. Sa sobrang gulat ay nasampal ko siya pero wala iyong epekto sa kaniya. My heart beats fast because of too much anger that I was feeling. I really hate him!

Mukhang hindi siya naapektuhan sa aking pananampal dahil inulit niya pa ang paghalik sa akin sa tungki ng aking ilong. Pumisil pa ang kanyang kamay sa aking batok. Bago ko pa man siya masampal muli ay nahawakan na niya ang aking pulsuhan. He smirked at me.

"Wait for my chasing again, baby. I will surely melt your tough barrier."

Mamula mula ang kanyang kaliwang pisngi dahil sa aking pagkakasampal. Umayos siya ng kanyang tayo. Hinitak ko ang pinto para tuluyan iyong maisara pero dahil sa lakas niya ay hindi ko magawa. He bend a little, just enough for me to see his almost grey eyes.

"Good night, my missy. I hope you dream of your handsome boyfriend," anito bago isara ang pinto ng kotse.

Nanggigigil kong ibinaba ang bintana bago ko ibalibag sa mismong mukha niya ang tira kong kape kaninang umaga.

"Damn you!" nanggagalaiti kong usal bago paharurutin ang sasakyan paalis.

Mabibigat ang paa akong naglakad papalapit sa kusina. Pabagsak kong inilapag ang mga susing hawak sa table bago ako kumuha ng tubig. Sinalinan ko ang aking baso ng malamig na malamig na tubig. Tinungga ko iyon ng isang beses lang. I sigh when I feel the refreshing feeling within me.

Mabigat pa rin ang aking mga kilos habang naglilinis ako ng katawan. Sa salas ako pumwesto nang mayari ako sa pagaayos. Binuksan ko ang aking laptop at nagsimulang magbasa roon. Ilang files na ang aking nababasa pero tila walang pumapasok sa utak ko.

"You're in a bad mood, huh?"

Tiningala ko si Kuya na kakadating lang. He tousled my hair. Pinalo ko ang kamay niya sa buhok ko. Dahil sa ginagawa niya ay humaharang ang ilang strand ng aking buhok sa aking mata, hindi ko tuloy makita ng maayos ang screen ng aking laptop.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon