Trigger warning: Blood
Promises
I stand in front of the people. I am so proud of myself. Keeping my sane that time was hard but thank you for Jem's chatters. Ang mga kwento niya ang nag-alis sa akin sa pag-iisip ng mga bagay na negatibo. Hindi rin nakatulong ang pagkawala ni Tryne. Ilang buwan na pero wala pa ring signs na nandyan lang siya.
Huminga ako nang malalim. I gave them a smile, a genuine one.
I am the valedictorian. I am happy but I know in myself that there's something... missing. Alam ko kung ano ang kulang na 'yun pero hindi ko na kailangan pang hangadin iyon dahil alam ko sa sarili ko na kahit bumalik pa siya ay hindi ko na siya tatanggapin pa.
Automatikong inilibot ko ang tingin ko para hanapin ang mga taong sumama sa akin nung mga panahon na 'yon. Nung mga panahong ubos na ubos na yung sarili ko. Nung mga panahong hinahanap ko siya pero hindi siya nagpakita.
Mas malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Jem's holding a tarpaulin with my face on it. Napa-iling na lang ako. Sa ilang buwan naming magkasama hindi na ako nagtataka na ganyan ang ginawa niya ngayon. Nakahalukipkip si Yno habang may DSLR na nakasabit sa leeg niya habang si Zolen ay may hawak na pumpon bulaklak.
Napapikit ako nang tignan ko muli ang DSLR sa leeg ni Yno. Naalala ko siya.
Tatlo silang umakyat nang tawagin ang pangalan ko para sabitan ako ng medalya. May pagtataka sa mukha ng ibang professor, siguro ang inaasahan nila ay ang mga magulang ko ang magsasabit sa akin at hindi ang grupo ng kabataang ito. Ako rin ay nagtataka nang makita ko silang umakyat pero hindi mapasidhan ang tuwa ko dahil sa ginawa nila. Akala ko walang magsasabit sa akin ng medalya.
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi. Nang kailangan na kaming picturan ay inilabas ni Zolen ang malaking picture ni Xywon. Napatawa ako pati na rin ang ibang taong nakakita noon.
"Bilin lang sa'kin 'to ni Xywon. 'Wag niyo akong tingnan ng ganyan," defensive na sabi ni Zolen.
"He doesn't want to miss your graduation, Waige. He asked Tita Xylie to hire those camera mans to record and take pictures of you." Yno pointed the camera men one by one. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Laglag panga ko siyang tinignan.
Alam ko naman na mayaman sila pero hindi naman nila kailangang ipagkalandakan ang yaman nila para lang maghire ng mga tao para sa graduation ko. Ibang klase talaga!
"Gagi? Are you serious?"
"Mukha ba siyang nagbibiro?" mahaderang tanong ni Jem. Kahit kailan talaga siya.
"Hayaan mo at ako na lang ang magha-hire ng mga tao para sa'yo Jem. Mukhang naiinggit ka, e. Wala ka na kasing Xywon," sabi ni Zolen. Halatang nang-aasar.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Jem. Mukhang hindi naman na-asar ang isang 'to dahil isa rin naman itong asar. Pag magkasama sila ni Zolen ay hindi na natatahimik ang buhay ko. Puro sila bangayan. Kusa na ngang lumalabas ang tutule ko sa tainga dahil sa ingay nilang dalawa.
Pag'kayari ng ceremony ay dumiretso na kaagad ako sa kanilang tatlo. Nakikita ko rin sa mata nila kung paano ko tignan si Yno at Zolen nuong grumaduate sila. Their smile gives my heart a fulfillment feeling. I think it will be more fulfilling if we achieve this together. Kaso nga lang mas pinili niyang lumayo nang hindi man lang nagpapa-alam.
"Congratulations, Waigey!" Malakas na bati ni Jem at saka iwinagayway ang tarpaulin na hawak. Hinalikan niya ako sa pisngi bago i-abot sa akin ang maliit na box na nakabalot sa purple na wrapper.
"Where did you get that idea?" tanong ko bago ko tapunan ng tingin ang hawak niyang tarpaulin.
"Why? You don't like it? I search on the internet pa naman. Akala ko magugustuhan mo." Ngumuso siya.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...