Lunch
Nakatingin lang ako sa labas sa buong byahe. The starry night make my eyes twinkle. Alas nuebe na pero wala pa kami sa main road. Puros katahimikan lang ang maririnig sa loob ng kotse. Ni paghinga nga yata naming dalawa ay malakas na malakas sa tainga ko.
"Matulog ka na."
Lihim akong napahawak sa dibdib dahil sa bigla niyang pagsasalita. Lumingon siya sa akin.
"Hindi ako multo para kagulatan mo, Waige."
Humalakhak siya ng marahan. Ang boses niya ay nagmimistulang musika sa aking pandinig. Nag-init ang aking pisngi sa naiisip.
"Ang tahimik mo."
"Wala akong masabi." Kinagat ko ang pangibabang labi ko.
Ilang oras lang pero biglang nagbago ang pakikitungo ko sa kanya. Simula nung nag-usap kami sa party at nung narinig ko ang mga sinabi ni Troye ay nagisip-isip ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para iwanan niya ako at iyon nga ang masakit pero na-isip ko na papakinggan ko kung ano man ang rason niya... pero kung ipipilit niya ang sarili niya sa akin ay hindi na. Sapat na siguro kung hahayaan at pakikinggan ko siyang magpaliwanag.
Aaminin ko, ang pamilyar na pagtalon ng puso ko ay sa kanya ko lang nararamdaman… noon at hanggang ngayon. I never accept a suitor for five years not because I am still waiting for him but because I am scared... ayoko ng maiwan ulit.
"Tell me what you want."
Binasa niya ang pang-ibabang labi at saka tumingin muli sa daan. Ilang sandali lang ay bumalik na sa akin ang kanyang tingin.
"I don't want anything."
"You sure?"
"Y-yeah."
He only nodded and smiled. Bumalik ang tingin ko sa labas. Ang madilim na paligid lang ang nakikita ko. Nasa bayan na kami pero malayo pa rin ito sa amin. The silence enveloped my ears. Kinagat kagat ko ang aking labi para may mapagkaabalahan ako.
"Your lips..."
Napalingon ako sa kanya, kagat-kagat pa rin ang labi. He look at my lips and back to my eyes.
What's his issue about my lips?
"Don't do that. It'll bleed," he said as he unconsciously bit his lower lip. Nalipat doon ang aking paningin pero kaagad ding nag-iwas nang mahuli niya akong nakatingin.
Why does it look so sensual?
Ipinilig ko ang aking ulo sa naiisip. Munting galaw niya lang ay bakit tila ang lakas ng epekto sa akin?
Galit ako! Galit ako sa kanya!
Ilang oras pa ba? Pakiramdam ko sinasakal ako habang tumatagal na magkasama kami sa maliit na espasyong ito. He's just too much, I can't take him in.
Nakatulog ako dahil sa katahimikan. Siguro isa sa rason ang kagustuhan kong iwasan siya kaya ako nakatulog kalaunan. Kung gising ako buong drive ay baka maluka na ako kakaisip sa kanya. Bawat galaw niya ay napapansin ko. Hindi ko yata kakayanin iyon.
Naalimpungatan ako nang may narinig akong marahang mga salita at sa paghawak sa aking mukha.
"Hindi ko naman gustong gawin yun." That was his first sentence that I heard. Punong puno ng panghihina ang kanyang boses, halos hindi ko na makilalang si Tyne iyon. Kung 'di ko lang alam ang amoy niya ay aakalain kong hindi siya iyon.
I was curious so I didn't open my eyes. I want to hear everything that he will say.
"Mom forced me to do so, but I don't really want to leave you. Hindi ko naman ginusto na iwan ka nung oras na 'yon. It was just I was torn between you and my mom but if I had a choice... I will surely pick you but sadly, I don't. Ano ba ang magagawa ko laban sa makapangyarihang tao kagaya niya? I was just a mere pawn on her chest board."
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...