Chapter 47

399 8 2
                                    

47 - Talk

"This is happiness!" I exclaimed as I extended my arms and legs.

Alas onse na nang magising ako. Day off ko ngayon kaya maituturing ko itong heaven. Wala ng mas sasaya pa sa isang araw na pahinga.

Usually I prepare to have this day with only myself. Hindi ako lumalabas ng kwarto ko twenty four hours pero ngayon parang gusto kong maglibot-libot at humanap ng mahangin at tahimik na lugar para marelax naman ang utak ko.

Kung puntahan ko kaya si Lola Rosil? Para makumusta ko naman ang matanda. Hindi ko naman kasi siya masyadong nakakausap. Gusto ko ngang dito nalang sila nila Tita, kaso mas gusto niya raw ang hangin doon sa probinsya.

If I am going there it will took me hours. Should I file a leave for tomorrow? Tapos ko naman na ang mga kailangan kong asikasuhin sa opisina. Okay, I'll file a leave. Another day off from work won't hurt that much.

Nagimpake na ako ng aking mga gamit. Good for three days ang aking dalang mga damit dahil baka magextend pa ako ng leave kung mag-enjoy ako roon kasama sina Lola.

Kuya wasn't here. Nasa opisina na naman yata. Mas gusto pa yata niyang magtrabaho kaysa magpahinga. Ni hindi nga yata siya nagd-day off. Hindi na ako maso-sorpresa kung bigla na lang panawan ng buhay si Kuya. He's overworking, over pa sa over. Para ngang ikamamatay niya kung hindi siya papasok sa opisina.

Sumabay ang agos ng aking buhok sa daloy ng hangin. Isinuot ko ang wayfarer bago ko buksan ang roof ng kotse. Pinindot ko ang ilang button para mayroon namang music sa kotse habang nagd-drive ako. Mabagal lang ang aking pagpapatakbo nang nasa highway ako pero nang makaalis na ako roon ay handa ng lumipad ng kotse ko.

Hinawi ko ang aking buhok dahil humaharang ito sa aking mukha. Itinukod ko ang aking siko sa bintana bago ko sumulyap sa labas. Greens... all I can see is green.

"So refreshing." Binagalan ko na ang aking pagmamaneho para maenjoy ko naman ang tanawin. I am here to refresh after all.

Ipinarada ko ang sasakyan sa isang gilid nang matapat na ako sa bahay ni Lola. The two story house doesn't look that old. Ilang dekada ng nakatayo ang bahay na ito pero hindi nagmumukhang luma. It was still elegant looking.

Bitbit ko ang bag ko nang lumabas ako sa kotse. Inayos ko muna ang nagulong buhok bago pumasok sa bakuran. Ang mga bulaklak na kanyang inaalagaan ay mas lumago at dumami pa. Kung siguro dadalhin ko si Jem dito ay magkakasundo sila.

This feels like home. Nakapagtataka nga lang nang hindi ko nakita si Lola. Baka lumibot lang. Maghihintay na lang muna ako sa labas ng ilang minuto. I watch the branches getting swayed by the refreshing air.

Tumingala ako. It's nice to see the skies with threes. Sa syudad kasi ay palaging may building na nakaharang sa langit kaya hindi ko masyadong nakikita ang kalangitan. Depende na lang din kung nasaan ako. Minsan kapag pumupunta ako ng rooftop doon ko lang nakikita ng maayos ang langit.

Napagpasyahan ko ng kumatok sa pinto dahil sa tagal kong nasa labas. Ang mga kapitbahay ni Lola ay hindi man lang nahiya dahil kung makatingin sa akin ay para ba akong isang pagkain sa gitna ng matinding pandemya. Titingin sila tapos makikipagchismisan sa kanilang katabi.

Nakailang katok na ako pero walang nagbubukas sa aking ng pinto. Wala sila rito. Saan naman kaya sila nagpunta? Tanghaling tapat nasa libutan silang mag-anak.

"Hija, walang tao r'yan. Inimbitahan sila ng Donya sa malaking bahay r'yan sa kabila."

Nalaglag ang balikat ko sa narinig. I traveled her for hour's pero hindi ko naman nadatnan sila. Talaga ngang mag re-request muna ako ng off sa trabaho. Akala ko pa naman masusulit ang pagpunta ko rito, wala naman pala sila.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon