Chapter 39

402 12 1
                                    

Left

Minuto pa lang ang lumilipas simula nung pumikit na ng tuluyan ang mata niya. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na ulit makikita ang mga ngiti at pagtataray niya.

She already closed her eyes and she will never ever open it again—kahit para sa akin.

Naka-upo ako sa hospital bed kung nasaan ako nagising kanina. I am still crying my heart out. It was so sudden, wasn't it? Hindi pa humihilom ang utak ko mula sa nalaman tungkol sa mga magulang ko tapos sinabayan pa ng pagkawala niya. Ibang klase na ang nangyayari sa buhay ko.

I asked Him again. Bakit kami pa?

Kung pwede ko lang sanang alisin sa pakiramdam ko ang nakaturok na mga karayom sa dibdib ko ginawa ko na, pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung paano.

Jem didn't leave my side, kanina pa kami magkasama. Parehas ng namumula ang mata at ilong naming dalawa. Si Troye ay may inasikaso yata. Si Tryne ay hindi ko alam... Kani-kanina lang ay nandito siya.

Nasaan si Tryne?!

He said that he will be here for me when something happens. He said he will stay by my side forever but where is he?

I need him.

"Troye called Xywon. He told him everything," Jem stated. Kanina niya pa ako kinakausap pero parang nasa ibang lugar na naman ang utak ko.

I just stared at her, tears still falling.

Wala si Xywon, bakit kay Xywon pa niya sinabi?

Anong magagawa ni Xywon kung ilang milya ang layo naming dalawa? I need Tryne to accompany me. I badly want to see him right now.

"I won't ask you to stop crying. I know that it is hard. I am here, you can lean on me," she said and tried to smile at me. I wanted to return her smile but my lips couldn't afford to cooperate, even a bit.

Naiinggit ako sa kanya dahil mas madaming oras niyang nakasama si Windy habang ako ay busy'ng busy sa pag-iwas.

"Hindi ko kaya, Jem. Paano na ako nito?" I cried. Halos mag hysterical na ako sa harap niya. Mukha na siguro akong kaawa-awa sa harap niya pero wala akong pakialam. Gusto ko na lang matanggal ang kirot at sakit sa dibdib ko. Ayoko na. Hindi ko 'to gusto. No one wanted this.

"Where's your boyfriend?"

"H-hindi ko alam. Can you look for him? Please?" I pleaded. Alam ko naman na nahihirapan din siya ngayon dahil hindi lang naman ako ang nawalan, siya rin. Nawalan siya ng kaibigan na itinuring na niyang kapatid.

Gusto kong manatiling kalmado kagaya niya pero hindi ko kaya. Ang daming bagay na tumatakbo na naman sa isip ko. Gusto ko silang tanungin kung bakit parang hindi sila napapagod. Pero parang mas pagod pa yata ako sa kanila.

"I will ask Xy, for you." I saw her gulp.

"No need to ask him. How would he know? He's not here. Ask Troye instead."

"Y-you're right. I will make my way out, then. You will be fine."

I was about to say my thank you but the door opened. Mabilis akong lumingon doon, nagbabaka-sakaling siya na ang makita ko roon. I was kinda disappointed when I didn't see him there.

Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Yno. Kahit na may luha sa mga mata ko ay alam kong bakas ang pagtataka sa mukha ko.

He shouldn't be here.

"Are you okay?" he asked.

I can tell that he is concerned but do I look okay? Why would they ask if you can already read the answer on my face?

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon