Rest
Seeing her confined in a hospital was hard. Ilang araw na pero pinoproseso pa rin ng utak ko kung paano at bakit nangyayari 'to. This was a foul play. No one wants this but we can't do anything about it.
After ng pasok ko sa Liverary ay pumupunta ako sa hospital para bantayan siya. Doon na ako halos tumira. We will talk but she will fell asleep eventually. Ilang buwan na pero wala pa ring improvement sa kaniya. I am more than willing to believe in a miracle basta humaba lang ang oras niya.
"Hey. Did you drink your meds?" I asked her. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama niya habang nanonood ng TV.
"Kakatapos lang. Bakit nandito ka? Diba sabi ko sa'yo, hindi mo ako kailangang dalawin araw-araw," mataray niyang usal. Natutuwa ako dahil nagagawa niya pa ring magsungit kahit ganiyan ang lagay niya. Akala ko mabuting loob na lang ang natitira sa kaniya, akala ko lang pala.
"I want to see you. Masama ba 'yon?"
"Well, I don't want to see you. Umuwi ka na nga, kaya ko ang sarili ko." She's being hard. Kahit na pinapaalis niya ako, alam ko na kailangan niya ng kasama ngayon.
"Ayaw ko." kumuha ako ng mansanas sa tabi ng kama niya tsaka ko 'yon binalatan. I placed the sliced apple in to a tiny plate. Ini-abot ko iyon sa kaniya, tinanggap niya naman iyon pero inirapan niya muna ako.
"Umuwi ka na nga talaga. Kaya ko, promise." Itinaas niya ang kanang kamay niya habang ang isang kamay ay kumukuha ng apple at saka niya isinibo 'yon. "I have someone to look for me later kaya umuwi ka na at saka hindi naman ako balbado para palaging bantayan."
"I will wait for that someone then." Nginitian ko siya. Nginitian niya rin ako pero may halong sarkasmo roon. Siya lang ang alam kong may sakit na mataray. Kahit ang payat-payat at mukhang nanghihina ay nagagawa pa rin niyang magtaray sa amin.
"Your bills, someone paid for it. Sino 'yun?" Natigilan siya. She suddenly avoided my eyes.
"I'm sorry. I used your money to pay for my bills and treatment."
"My money? I have my money, hindi naman nabawasan." Wala namang feedback sa akin na may kumuha sa pera ko. At saka alam kong hindi sapat 'yon para ipangbayad sa hospital.
"Don't be mad at me, okay? Basta, I used your money." Bumalik siya sa dati niyang posisyon at saka kumain ng apple. I can sense that she doesn't want to talk about it. I'm curious but I didn't pry.
"Ate. Galing ako kay kuya." Napalingon ako sa pinto dahil sa nagsalita. Si Sierra ang nandoon. Close kaya sila?
"I told you, don't call me Ate." Nagsusungit na namang sabi ni Windy. "This is Waige, my sister. Siya nga hindi ako tinatawag na Ate. Ikaw pa kaya na palagi lang nangungulit?" bumaling sa akin si Windy at itinuro si Sierra. "Waige, that energetic bitch is Sierra Jem. Call her Jem kasi ayaw niyang nagpapatawag ng Sierra."
"Hi! Hindi mo kasama si Xywon?" tanong ko kay Jem. Xywon calls her Sierra so I thought everyone calls her that but it turns out, I was wrong.
"No. He's been busy these past few weeks, e."
"So, you two know each other? Nasayang lang pala ang laway ko sa pagpapakilala sa inyo."
"Shut up, Ate. Your too talkative, magpahinga ka na nga lang diyan." Nagulat ako sa sinabi ni Jem. Nanahimik naman si Windy. Mas close pa yata sila kaysa sa amin. I am kinda jealous.
My phone beeped, I received a message from Tryne.
Nasa baba na ako.
"I need to go," sabi ko lang sa kanilang dalawa bago lumabas. Hindi ko na sila hinintay magsalita pa, umalis na ako dala ang maliit kong bag.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...