Chief Executive Officer
"Ms. Izquivel, pinapatawag ka nung head," sabi ni Jimuell. May hawak siyang makapal na papeles at inilapag iyon sa cubicle niya.
Dalawang taon na ako rito pero nandito pa rin ako sa eksaktong pwesto ko noon. Nanatili pa rin ako sa isang cubicle, may kaunting promotion pero walang pagbabago.
"Bakit kaya?"
Tanging kibit balikat lang ang isinagot sa akin ni Jimuell. Paano nga ba naman niyang malalaman kung pinatawag lang naman ako sa kanya.
Lutang akong lumakad palabas ng opisina ni Marri. But all the pain and sorrows that I've felt these past years my hard work finally paid off.
Hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi mapasidhan ang tuwa ko. Gusto kong tawagan sila Jem para magcelebrate na kami agad-agad.
Nang mayari ang oras sa trabaho ay para akong na adrenaline rush. Daig ko pa ang tornado sa pagikot para makalap lang ang mga gamit ko.
I tap my shoes on the elevator's floor. Habang nasa loob ay tinext ko na ang tatlo. This is a good news. For two freaking years, nagbunga na rin yung mga pinaghirapan ko.
"Waige, let's go for a dinner. My treat." Nagulat ako nang makitang kasabay ko pala si Jimuell sa elevator. Hindi ko man lang napansin. Masyado yata akong exited maka-uwi.
"Sorry Jimuell. I can't, I have something to do. Babawi na lang ako next time."
Dahan dahan siyang tumango, tila napipilitan lang dahil wala naman na talaga siyang magagawa. I gave him a smile before I got out.
"Hatid na lang kita."
"Hindi na, dala ko yung kotse ko."
"At least, let me walk you on the parking lot," sabi nito. Hindi naman na niya kailangan pang sabihin sa akin 'to dahil parking naman talaga ang tungo naming parehas, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo pwera na lang pala kung nasiraan ako ng sasakyan.
Sabay kaming naglakad papuntang parking lot. Nung nakita nila noon ang sasakyan ko ay akala nila'y galing ako sa marangyang pamilya.
Binusinahan ko si Jimuell bago ko pinaharurot ang kotse paalis. Isang mabait na kaibigan si Jimuell. Para lang siyang sila Zolen at Yno. They have their own company. Hindi ko nga alam kung bakit siya napunta 'to e.
Dumiretso ako sa flower shop ni Jem. I look up on the sign at the top. Sierra's. The bell on the door rang the moment I went in. Lumingon agad sa akin si Jem.
"Waigey! Congratulations. Here's a flower for you." Inabutan niya ako ng mga bulaklak na nasa isang vase.
Dahil sa kaniya punong puno na ng bulaklak ang bahay ko. Ni hindi ko nga alam kung anong mga bulaklak ang binibigay niya sa akin.
"It's a weigela, tinuruan na kita tungkol sa mga flowers, ah. Hindi mo talaga matutuhan." Pumaywang siya sa harap ko, tila isang stress na guro. "Teka! Hintayin mo ako, magsasara lang ako saglit."
Hinintay ko na siyang makalabas habang inilalagay ko ang weigela sa likod ng kotse.
"Nasaan si Kaoi?" Ang tinutukoy ko ay ang babaeng nagbabantay ng shop niya pag nasa opisina siya.
"I gave her a day off. Tara, saan ba tayo?"
"Zolen's."
Ilang segundo lang kaming natahimik sa kotse bago umandar ang madaldal niyang bibig. Sa tagal naming magkasama hindi pa pala ubos ang kwento niya.
"Naalala mo pa ba yung classmate ko nung college? Nagpunta kanina sa Sierra's tapos hinihingi yung number ko. Hindi ko binigay, hindi ko siya type. He's too cocky! Ang mga tipo ko kasi ay yung mababango at mababait pero may pagka masungit na lalaki."
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...