Sticky
Nagising na lang ako ng malapit ng mag landing ang airplane na sinasakyan namin. Nang makababa kami ay may sumalubong sa aming lalaki at hinatid kami sa isang red convertible car.
Hindi ko mapigilang humangha sa kotse ng bumukas ang roof nito. Hindi naman ako ganoon kaigrorante pagdating sa ganitong bagay, natutuwa lang talaga akong makita yon. It's my dream car kasi.
Sumakay na kami doon. Katabi ko sa backseat si Yno. Si Zolen ang nagda-drive at nasa shotgun seat si Xywon.
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng pangmadaling araw na hangin sa balat ko, nakabukas kasi ang roof ng kotse kaya ramdam talaga ang lamig.
Naka tingala ako habang dinadama ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nararamdaman. Ini-spoil talaga nila ako sa mga ganitong bagay. Sa bawat day off ko kasi sa trabaho ay may pupuntahan kami, minsan na nga kaming nagcamping.
And guess where are we going? We're really going to a beach. I'm so excited. Ilang taon na ba simula nung nakapunta ko ng dagat? Hindi ko na matandaan.
Private resort ang aking pinuntahan. Kinuha lang nila ang card keys sa reception nang makapasok kami sa hotel. Nagdiretso na kami agad sa kwarto namin. They are prepared and I don't even know that they have a plan like this. Ni wala nga akong balak na sumama kanina.
Two rooms, may tig-dalawang kama sa bawat kwarto. Tigi-tigisa sana kami roon pero pinili nilang magsama-sama na lang sa isang kwarto.
Kanya-kanya kaming hilata nang maka pasok kami sa sari-sarili naming kwarto. Yno decided to take a rest on my room, siguro inunahan siya nung dalawa sa higaan. Pwede naman kaming magshare sa kwarto, I'll ask them later. Walang nagsasalita sa amin kaya mabilis akong nakatulog dahil sa pagod.
Alas otso na nung bumangon ako sa kama. Wala na si Yno sa kabilang higaan at wala na rin sila Xywon at Zolen sa kabilang kwarto. Nagtataka kong inilibot ang paningin sa buong room, wala sila. Iniwan nila ako?!
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko na nasa kadulu-duluhan ng kabihasnan ng bag ko. Nahirapan ako sa pagkuha noon kaya't matagal bago ko masagot ang tawag.
Xywon's calling
"Hello?" I answered.
"Waige!" masiglang bati nito.
"Oh? Nasaan ba kayo? Bakit niyo ako iniwan dito? Hindi niyo man lang ako ginising. Nasan ang konsensya niyo?" sunod sunod na pagra-rant ko.
"Isa-isa lang ang tanong, mahina ang kalaban, " he said and chuckled.
"Duh? Where are you?"
"Shore. Dalian mo nga para makakain na tayo, kanina ka pa namin inaantay."
"Sino ba kasi ang nagsabi sa inyo na hindi ako gisingin? Edi sana nagkakainan na tayo kanina pa kung ginising niyo ako." nagdidiwara pa ako pero pinatayan niya ako ng tawag. Aba bastos!
Mabilis akong naligo at hinalungkat ang mga damit na dala. Napasapo ako sa ulo nang makita ang mga damit. Ano ang isusuot ko dito? Puro pantalon at shirt lang ang dala ko. Bakit ba kasi hindi ako mahilig sa dress? Bakit ba kasi hindi ko hinalungkat ang pasalubong ni Ate Yhanna?
No choice...
Kumuha na lang ako ng pantalon at simpleng itim na shirt. Pano ba naman kasi ang gagawin ko, iyon lang naman kasi ang dala kong damit. Sa sobrang excited ko yata kanina ay kung ano nalang ang nadampot ko ay yun na lang ang isinuot ko sa bag.
Pagbaba ko ay nakita ko sa lobby si Zolen, may kausap siyang magandang babae. Naka bikini ito at kitang kita ko ang maputi nitong kutis. Agang chicks Zolen Archer!
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomansaShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...