Chapter 1

2.1K 36 24
                                    

Job

"What's your order sirs?" Sarkastiko kong tanong sa tatlong lalaking nasa harapan ko. Honestly speaking, nagsasawa na ako sa mukha ng tatlong unggoy na ito.

"Strawberry shake."

"Lemonade."

"Fraffe."

Sunod-sunod na sabi nila. I wrote their orders on my mini notebook. Gustong-gusto nilang pumunta dito dahil dito ko lang nasusunod ang gusto nilang tatlo, dahil sa oras na wala na kami sa cafe ay hindi na nila ako mauutusan. Kutusan ko pa silang tatlo e!

"Wala talaga kayong balak na tumigil kakapunta rito, no?" Tanong ko gamit ang naiinis na tono.

Ilang buwan na ako rito at halos araw-araw rin sila rito. Wala na yata silang ginawa kundi um-order nang um-order at hintayin ako hanggan sa matapos ko ang shift ko sa trabaho. Pag na-overdose sila sa coffee hindi ko na kasalanan. Labas na ako ron, hindi ko naman sinabi sa kanilang um-order araw-araw. Gusto pa yata nilang payamanin yung mag-ari ng shop, sa kaka-order nila.

"Bakit? Anong masama sa pagpunta sa cafe?" tanong ni Xywon.

"You're not the reason why we're here. Feelingera ka talaga, Waige," Zolen said and look at me in disbelief.

Hindi naman ako feelingera. Halata naman kasi sa kanila na ako ang pinunta nila dito. Mga in-deial pa. Akala ba nila cute sila pag nagde-deny sila? Hindi kaya!

"Mga palusot niyo, bulok! Sino pa ba naman ang pupuntahan niyo rito? Eh ako lang naman ang kilala niyo na nag ta-trabaho rito."

"We just want to check on you, okay?" sabi ni Yno, tila napuno na sa pagsasagutan naming tatlo. "And besides, hindi lang naman ikaw ang pinunta namin dito. We just want to unwind and drink coffee."

Tinaasan ko sila ng kilay, akala ba nila ay maloloko nila ako? Kung hindi ko lang sila kakilala ay mukhang reasonable naman ang mga sinasabi niya, pero hindi naman siya umiinom ng kape.

"But, you don't drink coffee!" sabi ko sabay ngisi. I catch you there, Yno. "Sinungaling!"

"Ang tanga mo naman kasi magpalusot, Yno," bulong ni Xywon. Siniko niya pa si Yno ng bahagya. "Dapat hindi mo na kasi binanggit ang tungkol sa kape. Nabisto ka tuloy."

Nagtinginan silang tatlo. Ha! Huli ko na kayo. Your teasing went backfire, dudes.

"Idadagdag mo na rin ang strawberry cake, waitress," biglang sabi ni Zolen. Halata ang pang-aasar niya sa kaniyang tono.

Zolen's really getting on my nerves. Alam kong waitress talaga ang trabaho ko dito, aware na aware ako. Pero iba ang tono nang pananalitang ginamit niya, parang gusto niyang sabihin na mahiya o mainis ako. He really has a way to get on my nerves.

Gusto kong ingudngod si Zolen sa table. Sa bawat araw na magkikita kami ay walang araw na hindi kukulo ang dugo mo dahil maiinis ka talaga. Umabot na nga ako sa point na inisip ko kung bakit ba kami magkaibigan.

"I will take your orders but say please muna. Sabihin niyo 'Please cutie, pretty, adorable, sexy Waige," sabi ko habang nakangising pinagmamasdan ang itsura nila. Natuwa ako sa biglang pagbabago ng emosyon sa mukha nila. They gave me an are-you-serious look.

"Nangu-uto ka ba?" Zolen being Zolen, mabilis siyang nakabawi sa pang-aasar ko sa kanila.

"Sa tingin mo?"

"Oo." Sabi niya at nandoon na naman ang nakakainis niyang mukha. Pwedeng paki-bura yung mukha ni Zolen? Hindi na healthy yung pag-ngisi niya palagi.

"Alam mo naman pala, bakit nagtatanong ka pa?" Sabi ko at umalis na sa harap nila para ibigay ang papel kung saan nakalista ang in-order nila sa counter.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon