Break
Bumalik ako sa office ko na parang wala akong nakita. Umakto ako na parang wala lang pero may malaking parte sa utak ko na nagtatanong kung sino ba ang babaeng iyon.
Five years had passed without him on my side kaya hindi ko na kilala kung sino man ang mga nakakasalamuha niya pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng iyon.
I hate myself for thinking that she was a threat.
Lumipas ang oras na hindi siya nagpupunta rito. Pinilit ko ang sariling isipin na busy lang siya pero ang litrato sa aking memorya ay hindi ako hinahayaan. My heart was clenching when I saw him on my door. Naghahanda na ako pauwi nang dumating siya.
"Missy..." masuyong sabi niya. Lumingon lang ako sa kaniya bilang sagot. The lump on my throat wasn't letting me to speak. Pakiramdam ko niloloko niya ako kahit na hindi naman, because we are not even together.
"Can we have dinner together? Hindi ako nakasabay kanina, something urgent happened."
You mean, she happened.
"I have plans tonight."
Pilit kong ngumiti sa kaniya para itago ang totoong nararamdaman. I grabbed my bag before going out of my office. Hinintay ko siyang makalabas bago ko isara iyon.
"I gotta go."
Hindi ko na hinantay ang kaniyang sagot at tuluyan na akong tumalikod. He didn't come after me. At least he kept his word that says he'll respect my decision.
Pagdating ko sa bahay ay pilit kong isinuksok sa kokote ko na isang normal na babae lang iyong kasama niya sa restaurant. She was perhaps his employee, a close one.
I fooled myself but I saw them again together. Hindi pa oras ng lunch nang umalis ako sa opisina para hindi ako maabutan ni Tryne kung aayain man niya ako at dumayo pa ako sa malayong restaurant para ano? Para masaksihan ang pagsabay nila sa pagkain? Sayang ang oras ng byahe, I should've eaten on the mall.
Bago pa man nila ako makita ay umalis na ako. Sayang din ang pag-iwas ko kay Tryne, hindi naman pala ako aayain.
Katulad kahapon ay pumunta pa rin si Tryne sa opisina ko para ayain akong mag-dinner pero hindi ulit ako pumayag.
Is he taking a schedule on us? Yung babae para sa lunch tapos ako sa dinner? The heck!
Kinabukasan nasa elevator ako papunta sa floor ng office ko nang marinig ko ang bulungan ng mga kasabay ko. I will ignore it if it was just a mere chismis but I heard Tryne's name so I listened.
"She's a beauty, mars. Nakita ko nung lumabas sa office ni Sir Tryne."
"Ang swerte! Sana ako na lang ang fiancée!" the girl shrieked.
"Alam mo ba, mars? Sir took her on a date last time. Nakita nung kaibigan ko sa kabilang department."
So the fiancée and the girl in the restaurant were the same.
Ang bilis nga namang kumalat ng balita. I should reward those two a medal for being the chismosa ng taon.
Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa upuan ko ay pinuntahan na ako ng secretary ni Tryne. She was smiling maliciously at me but I just rolled my eyes at her.
"Miss, the boss wants you to meet him after lunch."
"Why is that?" mataray kong tanong. Pagkatapos niyang makipaglunch sa iba ipapatawag niya ako. Sinong nagsabi sa kaniyang susunod ako?
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...