Trigger warning: Violence
The truth
Halos humangos ako habang naglalakad papunta sa hospital. Wala na akong pakialam kahit may mabunggo man ako sa dinadaanan, basta ang alam ko lang kailangan ko ng malaman ang totoo. Hanggan kailan pa ba nila itatago sa akin 'to? Kung hindi ko pa ba natuklasan ay hindi nila sasabihin sa akin?
"Nagpapahinga na siya," sabi ni Troye nang harangin niya ako para hindi ako makapasok sa kwarto ni Windy.
I glared at him. I can feel the irritation in me running through my veins.
"Wala ako sa mood makipaglaro sa inyo ni Windy, Troye. Kung may problema kayo sa akin ay sabihin niyo, hindi yung parang tanga kong pinagsisiksikan ang sarili ko!" nanggigigil kong sabi.
Everytime that she'll ignore me, it just feels like shit. It sucks big time.
Windy is the only key that I have in this battle. Ipagkakait niyo pa ba sa akin 'yun?
Sigurado namang may alam siya. Sinabi niya na sa akin noon na patay na sila Mama pero hindi ako naniwala dahil akala ko sinabi lang niya iyon para mas magulo ang utak ko dahil alam kong galit siya sa akin. Ngayong alam ko na nga na wala na sila at saka ko ulit naramdaman ang kakaibang sakit sa dibdib ko.
Ilang taon na ba? So many years had passed but they chose to ignore the fact that I also have rights to know about this.
Parang binobomba ng ilang milyong kanyon ang puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bukol na nararamdaman ko sa lalamunan ko. Walang luhang tumulo sa mata ko pero ramdam na ramdam ko sa dibdib ko kung gaano kasakit ang natuklasan kong 'yon.
I live in the thoughts that they just left me because of a nonsense and unknown reason. Pero ngayon nalaman ko na ang totoo. Hindi sila umalis dahil ayaw nila sa akin. Hindi sila nagpakita sa akin dahil kinalimutan na nila ako. Paano pa nga ba sila magpapakita sa akin kung parehas na silang nasa hukay?
Tanggap ko naman na wala na sila sa buhay ko pero kailanman ay hindi ko tinanggap na wala na talaga sila sa mundong 'to. Oo, naisip ko na patay na sila noon pero nanatili akong tumingin sa positibong bahagi. Pinanghahawakan ko ang pag-asang isang araw pupunta sila sa bahay para kumustahin ang nangungulila nilang anak. Ayos lang sa akin kahit may iba na silang pamilya. Ayos na sa akin kahit hindi sila mag-stay sa tabi ko...
Basta buhay sila.
"Waige..." Tryne called me using his tender voice. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at saka ako iniharap sa kaniya. "Calm down, okay." His voice sounds so soothing but that can't soothe me at this moment.
"How can I calm down, Tryne?" I couldn't find the right word to tell him. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Nagkakabuhol na naman ang mga laman ng utak ko. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong ilabas pero hindi ko magawa.
My legs feel like a jell-o. Parang unti-unting nawawala lahat ng buto ko dahilan ng pagdausdos ko pababa. Mabuti na lang ay hawak ako ni Tryne, kung hindii ay sa lapag na ang bagsak ko.
Inilagay niya ang ulo ko sa dibdib niya. Hinawakan niya ang buhok ko at saka paulit-ulit na sinuklay iyon gamit ang kanyang kamay.
"What should I do?" Nang sabihin ko iyon ay doon pa lang tumulo ang luha ko. That word feels like a magic spell to get my tears to fall.
"We'll figure it out together. Nandito lang ako." Hinalikan niya ang noo ko at saka Marahang hinagod ang likod.
I felt assured in his arms. It feels so good to be true.
"Don't leave me, okay? Stay by my side forever," I said, still crying.
"Hush. I won't leave."
Ilang minuto lang kaming ganoon ang posisyon. Humiwalay lang ako nang tumikhim si Troye.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...